Eighteen - What, LQ?

1.1K 29 4
                                    

Beige Crimona Samaniego

The days went on nang ganun parin ang assigned task sakin. Although ngayon, tuwing program rehearsals lang sila pumupunta rito and that only lasts for half a day. Sa hapon, I go back to my work in the designs committee. Mas gusto ko pang dito magtrabaho kaysa sila ang kasama ko.

It's not them that I hate them, yung trabaho ko sa kanila yung kinaiinisan ko, nadamay lang sila. What's admirable is that they remain nice to me. Na kahit na irap-irapan at sungit-sungitan ko sila, mababait pa rin sila. Aba dapat lang, pektusan ko sila pag sumama ugali nila eh.

On the last day of practice, which is 2 days away from the event, dito na kami sa mismong hall nagpractice. Naka-ilang rounds kami ng practice ng buong program. Halos naconsume namin yung isang buong araw.

Oh and did I forget to mention about my partner?

May order daw kasi from our office na ang royalties last year ang gawing partners this year. Not to brag it, but since I was the Queen last year at si Ice ang King last year, ibig sabihin siya ang partner ko ngayong taon.

Sinong hudas ang nagtaas ng apilang yan at ibabaon ko sa lupa ng buhay, walang kabaong.

The announcement was made when we had our initial practice during my first day for that special assignment. Ice kept pestering me since then. Lagi siyang nakabantay sakin.

Isang beses nainis na ko, inaway ko nanaman siya. Kainis na eh.

"Di mo ba talaga ko titigilan?" I said as I steped out of the studio.

Nakapamulsa siya at bored akong tinignan. Sandali siyang ngumuso na parang iniisip ang isasagot at saka umiling.

I grunted in frustration. Napapadyak pa ako sa inis. "Well can you at least not hang around too often and too close?"

Inulit niya lang ang ginawa niya sa nauna kong tanong.

Nakaka-ubos talaga ng pasensya kausap tong lalaking to. Di pa naman ako pasensyosa.

"Bakit ka ba kasi dikit ng dikit? You don't have to be with me every fucking time of the day Ice. Wala yun sa pagiging isang 'manliligaw'," I quoted the word.

"Sa ganito ako manligaw," he shrugged. "Tsaka," he breathed. "Ayokong may umaali-aligid sayong di kanais-nais. Mahirap na."

I rolled my eyes once again. I knew it. May problema to kay Aaron eh.

"Can you just leave the guy alone?"

"Not unless he leaves you alone."

Umasim agad ang mukha ko sa sagot niya. "Ehh wala namang ginagawang masama yung tao oh!"

Umiling-iling siya. "That's not what I see."

Sasabat na sana uli ako ng bigla niya akong pinigilan. "You're dense that's why you don't notice it. Ako, kita ko Crim. May gusto sayo yung tao na sinasabi mo."

Holy fghjkllasdfghkklzcvfkfhrueudklesaoedkssn. I ran out of words. Literally.

I don't know kung alin ang uunahin kong reaksyon sa sinabi niya.

A. Gulat. Sinong hindi magugulat kung sabihan ka na may gusto sayo ang isang tao?
B. Inis. Default na yun pag si Ice ang kausap ko.
C. The 'UGH' mode. I mean, yun yung dahilan niya kaya siya buntot ng buntot sakin?! Ehh mas mababaw pa yan sa kiddie pool kung magdahilan ah!
D. Kilig. Shit, eto nanaman. Siguro ako lang yun, pero kaya siya palaging nakabantay dahil nagseselos siya. Kingina, nagseselos si Ice kay Aaron!

For the nth time, I just rolled my eyes at what he said and answered him with a ridiculous comment.

"I am not dense."

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon