Eleven - Welcome Home

1.4K 32 0
                                    

Beige Crimona Samaniego


I woke up late for breakfast. Pagdating ko sa dining area, ako nalang ang wala. Agad akong umupo sa tabi ni Yvan and apologized for my tardiness.

Tita and Uncle just nodded pero itong si Yvan parang ayaw akong palampasin ah. "Anong oras ka na ba kasi natulog?" kunot noo niyang tanong sakin.

Bakit pakiramdam ko inaasar niya ko? That he predicted what happened last night. Could it be? Nilingon ko siya pero wala yung nakakaasar niyang ngiti sa mukha. So, wala siyang kinalaman dun? Sadyang mahilig lang manggambala si Ice, ganon?

"I don't remember. Basta naligo muna ako and then dried my hair," kalamado kong sagot.

"We'll leave by 11, hija ha?" tita Yngrid told me. Tumango nalang ako. Natapos nang kumain sila tita and excused themselves. Si Yvan, na mukhang kasisimula palang din nung dumating ako, ay nanatili lang sa tabi ko.

Nang makasiguro akong wala na sila tita, nilingon ko si Yvan at nakitang nakangiti ang mokong. "Napuyat kasi kinilig kay Ice. Yiieee," asar niya sa kin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba eh! Sinasadya niyang isend yun kay Ice para dun!

Hinampas ako agad siya sa braso. "Pakana mo pala lahat yun!" singhal ko sa kanya through gritted teeth. "Baliw ka talaga."

Tumawa lang siya. "Kilig ka naman?"

"Wag ka nga Yvan! Tigilan mo ko."

"You're welcome," sabi niya saka tumawa uli nang nakitang hahampasin ko nanaman siya. "Ay oh! Ang amazona talaga! Babae ka ba talaga, ha Crimona?"

Inirapan ko nalang siya. Grabe talaga! Ang dami niyang kabaliwan na naiisip! Jusko, pinsan ko ho ba talaga 'to?

Hindi ko nalang siya pinansin. Agad ko nalang tinapos ang pagkain ko at nagdecide na maglakad-lakad nalang sa labas.

Helera ng mga puno ang sumalubong sakin pagdating ko sa likod ng bahay na tinutuluyan namin at sa malayo banda, sa punong malapit na sa bakod ng rancho ay may nakita akong hagdan paakyat at may maliit na tree house. Bigla akong naexcite! Ngayon lang ako makakaakyat sa isang tree house!

Pinagisipan ko kung magpapasama pa ba ako kay Yvan kaso naalala kong naiinis nga pala ako sa kanya, dahil sa lakas ng trip niya, kung ano ano yung naiisip na gawin.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ay may narinig akong nag-uusap sa taas. Uh-oh, may tao na pala. Pero nang makilala ko kung sino iyon, dalawa sa mga kaibigan namin ni Yvan dito na parehong anak ng mag manggagawa, inisip ko na wala naman sigurong kaso kaya nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat.

Pero natigilan ako nang malaman kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

"Mag-tanan tayo."

Namilog ang mata ko sa alok ni Marvin kay Arya. Tanan? Pero teka, may relasyon sila?

"Baliw ka ba? Malalaman nilang nawawala tayo pareho, iisipin nila na may relasyon tayo," pigil ni Arya sa iniisip ni Marvin.

"Hindi naman na nila tayo mapipigilan. Magpapakalayo tayo, yung hindi na nila tayo mahahanap. Yun lang yung naiisip ko para matuloy tayong dalawa eh. Kaysa naman itago natin, umalis nalang tayo dito Arya."

Tahimik lang silang dalawa. Parang tumigil din ako sa paghinga dahil hinihintay ko ang magiging tugon ni Arya.

Bumuntong hininga si Marvin nang maunawaan na ayaw ni Arya. "Sige wag nalang."

Just Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon