"Salamat kung gano'n," magalang na saad ni Shilo sa manggagamot na nakabantay sa Emperador.
Bago pa man siya makita ng ibang kapatid nito ay nagmadali na siyang lumakad papunta sa likurang bahagi ng palasyo, ang kulay lilang hanfu nito na may bahid ng dumi ang laylayan ay kitang-kita dahil sa tingkad ng kulay ng suot nito, ang balbas nitong manipis at hindi kahabaan ang mas nagdala sa itsura nitong may kahawig sa ama, ngunit ang ugali ay nakuha sa inang emperatriz.
Diretso ang tingin sa daan at kapansin-pansin ang pagiging banayad nito sa paglalakad, idagdag pa ang tuwid nitong tayo at maingat na ngumingiti sa tuwing nakakasalubong ang ilang mga tao sa palasyo na magiliw siyang nginingitian.
Siya ang unang anak ng emperador at at emperatriz noong panahong hindi pa pinapangalanang Tsina ang lupaing iyon. Ang unang anak na hindi kinilala ng iba dahil sa biglaang pagkawala nito dahil sa pagdating ng ina ni Remus.
Sa ilang beses na pagkakataon ay muli itong ngumiti sa isang lalaking hindi nito alam kung bakit gano'n na lang ang galit sa kaniya, ngunit imbes na ibalik ang galit ay tinuring niya pa ring kapatid ito at pinakitunguhan nang maayos.
"Binulungan mo na ba ang ama, Shilo?" ngising tanong nito na ngayon ay napahinto sa mismong tapat ng kapatid.
Imbes na alisin ang ngiti ni Shilo ay mas lalo lang itong ngumiti. "Napadaan lang ako para kumustahin siya sa manggagamot, hindi naman kami nagka-usap," marahang sabi nito na automatikong napasulyap sa sugat ng binata sa pisngi nito. "Mas maiiging gamutin mo ang sugat sa pisngi nang hindi lumala—"
"Mas maiiging huwag kang mangialam kung hindi ko tinatanong ang opinyon mo," pagpuputol ni Remus at agad na nilagpasan ang kapatid.
Tumango lang si Shilo at saka muling nagsalita dahilan para huminto sa likuran nito si Remus. "Magkapatid pa rin tayo Remus, hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sa akin gayong wala akong ginagawang masama sa iyo. Ikaw ang papalit sa emperador, kaya wala kang dapat na ikabahala dahil hindi ako interesado sa trono," paglilinaw ni Shilo at muling naglakad palayo kay Remus na tiningnan lamang siya.
Kahit kailan ay hindi niya inasam ang tronong iyon, saksi siya kung paano namuno ang ama nito na nagdala ng takot sa lahat ng nasasakupan, dahilan para mahirapan siyang makibagay sa lahat ng tao dahil iniisip nila na siya at ang ama ay iisa. Hindi nito alam kung dalaga ba niyang ikatuwa na itinago siya ng nag-aalaga sa nanay nito no'ng dumating ang nanay ni Remus.
Mapalad si Shilo, naging anak at nabigyan ng karapatang mabuhay kahit pa sobrang daming tao ang nagsakripisyo noon, ang mga batang pinapaslang at ang matatandang pinapahirapan. Dumating sa punto na siya na lang ang matirang bata at agad na inalis ang batas tungkol sa pagpatay ng bata dahil puwede naman nila itong pakinabangan. Ginawang alipin ang mga babae at ang mga lalaki ay binigyan ng mabibigat na trabaho.
Hindi niya rin masisisi ang mga kapatid nitong bata pa lamang ay nakikita na niyang nag-eensayo sa iba't ibang kagamitan at sa ibang lugar, nakita niya kung paanong pahirapan ang mga kapatid nito at gustuhin man niyang tumulong ay wala siyang magawa dahil pinagbabawalan siya noon. Iilan lang ang nakakaalam tungkol sa pagkatao ni Shilo na anak siya ng emperador dahil sa pagkakaalam ng mga tao noon ay kasama siyang namatay ng kaniyang ina.
Kaya hanggang ngayon ay namumuhay siya bilang taga-silbi at kung minsan ay halos lahat ng gawain sa palasyo ay gawain niya rin, malaya siyang nakakalabas at nakapasok sa palasyo at malayang nakakausap nang normal ang mga taong taga-labas. Ngunit palaisipan pa rin kung ano nga ba ang lugar niya sa palasyo? Ano bang papel niya?
Nang makarating ito sa kaniyang madalas na puntahan ay agad itong naupo sa bundok na dayami, pinagmamasdan ang kabayo nitong abala sa pagnguya at ang ilang ibon na madalas na dumapo sa kabayo. Kuntento na siya sa kung anong meron siya dahil napapakitunguhan naman siya nang maayos.
![](https://img.wattpad.com/cover/297527011-288-k48962.jpg)
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasy[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...