Kabanata 39

91 6 0
                                    

Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi alintana iyon para hindi matanaw ni Meda kung paano mahulog ang ilan sa mga bulaklak mula sa malalaking puno na nakahilera sa bungad ng palasyo.

"Kaya bang matapos iyon bago ang katapusan?" tanong ni Meda sa kaniyang Hui habang naglalakad sa mahabang pasilyo.

"Kakayanin kung magdaragdag ng trabahador. Ngunit kung sila lang po baka abutin iyon sa susunod ng buwan," anas ng Hui saka nahinto si Meda.

Napabuntonghininga na lang ito dahil sa kaniyang narinig. Balak na kasing buksan ang ilan sa mga hangganan ng Tsina upang makipagpalitan ng mga produkto. Ngunit inaalala rin naman ni Meda ang kapakanan ng mga kalalakihang gumagawa roon.

"Ipadala ang ilan sa mga Hòng Taò roon sa susunod na araw para tumulong. Hatiin ang grupo mula sa magbabantay sa tulay at sa palasyo," utos ni Meda na tinanguan ng Hui.

Dahil sa paglipas ng panahon ay tuluyan nang mas lalong umaangat ang Tsina. Dapat lang na mas maging matagumpay ang kaniyang termino dahil limang taon na ang lumipas mula nang maupo siya. Dalawang taon siyang inalalayan ng mga opisyales at ng Hui para mas lalong maging epektibo ang kilos at pagkilala sa kaniya. Tatlong taon naman nang simulan niyang gumawa ng batas at ipatupad ang mga iyon.

Ang mga taong nagdududa sa kaniya at napalitan ng pagtitiwala mula nang magbunga ang ilan sa mga iyon. Hindi rin maiwasang ni Meda na malungkot dahil hindi na niya masiyadong nakakausap si Wuan dahil abala na rin iyon sa pag-aalaga sa pitong taong gulang na kapatid ni Seju.

Ngunit kahit papaano ay maayos naman ang kanilang koneksyon.

"Puwede mo na sigurado akong iwanan," anas ni Meda sa Hui na napakunot. "Pupunta lang ako sa paaralan ni Wei. Nangako ako sa kaniya," dugtong nito.

Umiling ang Hui at saka ngumiti. "Bakit hindi na lang kayo mag-asawa at magkaroon ng anak?" suhol ng Hui.

"Ayan ang hindi ko gagawin," natatawang bulong nito bago hinarap ang ilang mga taga-silbi na dumaan at kaniyang nginitian.

Dahil nga't ngayon na lang nagkaroon ng oras si Meda para kay Wei ay nagpasiya siyang sunduin ang batang iyon sa paaralan. Mukhang hindi na rin siya makakaabot dahil sa mga batang natatanaw nito mula sa entrada ng palasyo na nagtakbuhan papunta sa kanilang magulang.

Napangiti na lang si Meda at saka iniwan ang Hui. Hindi niya maiwasang maging bata ulit dahil sa pagkaway nito sa kapatid ni Seju. Nanlaki ang singkit na mata ni Wei na sinalubong ang emperador.

"Huángdì," bati ni Wei at saka ito yumuko nang kaunti.

Ngiting gumanti ng pagyuko si Meda saka sinalubong ng yakap ang batang babae.

"Akala ko'y makakahabol ako kanina," usal ni Meda na inilingan ni Wei.

"Ayos lang po iyon Huángdì. Ang mahalaga ako ang nanguna sa patimpalak! Tapos tinuruan ko rin po sila sa paghawak ng palaso Huángdì," masayang turan ni Wei.

"Talaga? At sino ang nagturo sa isang Wei?"

Nagtitigan ang dalawa at kinukumbinsi na si Meda nga ang nagturo kay Wei sa palaso. Samantalang nakalimutan na ata ni Meda na mahusay sa sandata si Wuan at paniguradong hindi lang palaso ang itinuro nito sa kapatid ni Seju kahit pa babae siya.

Dahil sa panahon nila ay kailangan na ring matutuhan ng mga babae kung paano protektahan ang kanilang mga sarili.

"Hindi ko po ba puwedeng sabihin na si ikatlo?" bulong ni Wei dahilan para mapatawa si Meda.

Nakasunod lang sa kanilang likuran ang mga taga-silbi, habang hawak ni Meda ang kamay ni Wei. Dahil nga sa pagiging abala ni Meda noon ay halos hindi na niya makitang lumaki si Wei. Idagdag pa na sa kabilang templo pa sina Wei at may kalayuan kung lalakarin. Gano'n kalawak ang palasyo na hindi alam ni Meda roon.

"Pahinga ninyo po ba ngayon Huángdì?" mahinhing tanong ni Wei na inayos ang buhok na nakalaylay.

"Hmm. Oo naman. May gusto ka bang gawin kasama ako?"

"Mag-iisip lang po ako habang naglalakad ah?" makulit na tanong ni Wei na tinawanan ni Meda.

Ngunit sa ilang sandali pa ay natanaw naman nila si Wuan. Nakasuot ng hanfu'ng palatandaan niya. Sa malayo pa lang ay kumaway na si Wei na kinawayan din ni Wuan pabalik. Hindi maiwasang mapangiti ni Meda nang makita niya si Wuan na matagal na panahon niya ring hindi naka-usap nang maayos dahil sa patung-patong na problema.

Nang makalapit si Wuan ay bahagya itong yumuko sa harap ni Meda. At saka inabot ang isang kamay ni Wei, dahilan para magmukha silang isang pamilya.

Tuluyan na ngang hindi nakapag-asawa si Wuan dahil na rin sa dami ng kaniyang tungkulin bilang prinsepe at ama-amahan ni Wei. Mas pinagtuunan na lang niya iyon ng pansin.

"May gusto raw siyang gawin ngunit iniisip niya pa kung ano iyon," usal ni Meda at natigil sa paglalakad dahil sa pagtawa ni Wei.

"Gusto ko lang pong kumain kasama kayo, pati po sila at ang lahat ng tao sa palasyo," masayang sabi nito na patalon-talon pa.

"Ngunit wala namang seremonya para mangyari iyon Wei."

"Ngunit ama—"

"Puwede kang kumain kasabay namin ni Huángdì."

Walang nagawa si Wei kundi ang tumango at tingnan na lang ang anino nitong sumusunod sa kaniya. Bahagya pang nakikipag-usap so Wei sa mga bantay na nasa likuran na hindi malaman kung sasagot ba o hindi.

Maya-maya pa ay nadaanan nila ang ilan sa mga kapatid ni Wuan. Sabay silang yumuko bilang pagrespeto at saka mapanuksong tiningnan ng ika-apat si Wuan na binawi rin dahil sa sama ng tingin ni Wuan.

"Pinapapunta kami Huángdì sa bayan. May kailangan lang asikasuhin."

"Mabuti kung gano'n. Kumain na ba kayo?" tanong ni Meda saka tumango.

"Salamat sa pagtanong. Puwede ko bang makausap si ikatlo? Mahalagang usapin lang ito Huángdì," pakiusap ni ika-apat.

Tumango lang si Meda at hinayaan ang dalawa na mag-usap. Habang ang ika-anim ay nilaro-laro si Wei. Dahil nga nasa dugo pa rin nila ang pagiging Qin ay pinabalik niya sa palasyo ang mga kapatid nila na nanirahan noon sa labas ng palasyo. Magandang desisyon pa nga iyon kung tutuusin dahil napapadali ang paggawa ng batas ni Meda dahil alam ng mga magkakapatid na Qin kung anong klaseng buhay ang mayroon sa labas ng palasyo.

Kaya hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ang mga ito. Nanatili lang roon si Meda hanggang sa mapansin niya na nakatingin ang dalawang magkapatid sa kaniya at sabay na nagtawanan. Mariin pang hinampas ni Wuan ang kamay ng ika-apat.

"Hinaan mo ang boses mo, marinig ka ng Huángdì at baka tayo naman ang isunod sa selda," bulong ni Wuan at pasimpleng ikinamot ang ilong upang hindi mahalata ang  ibinulong.

"Matanda ka na ikatlo. Panindigan mo naman ang sinabi ng ika-sampu," pagtutukoy nito kay Seju na tinawana muli nila.

Madalas kasing tuksuhin ni Seju noon si Wuan na umamin kay Meda kahit wala naman siyang nararamdaman. Napapadalas lang talaga ang pagsama nina Meda at Wuan noon kaya sila napagkakamalan at isa pa ay bilin ni Remus noon na bantayan si Meda buong araw.

Muli siyang umiling at saka pinagmasdan si Meda na nakangiting inaayos ang buhok ni Wei.

"Huwag ipilit kung wala naman talaga."

Bond of Survival | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon