Kabanata 15

131 10 3
                                    

"Huwag mo akong titigan. Isuot mo ang kasuotan mo Andromeda," usal ng binatang nakapikit at pinapakiramdaman ang mga nangyayari.

Nangunot na lang si Meda at hindi man naiintindihan ang nangyayari at kinuha niya agad ang suot kanina at saka inayos ang sarili, maingat nitong itinali ang magkabilang dulo ng damit upang hindi iyon mahulog. Nakapagtataka lang kung bakit gano'n ang ikinilos ng binata samantalang ang ibang hayop naman na kasama noon ni Meda at walang pakialam sa kaniyang katawan.

Maingat na naglakad si Meda papunta sa gawi ng binatang nagmulat na at sa wakas ay natitigan na ang dalagang kaniyang pakay. Ang inosenteng mata ni Meda ay seryosong napatingin sa binatang agad na bumaba sa sakay nitong kabayo.

Literal na napatitig si Meda sa kaniya, inusisa ang espadang nasa kaliwang bahagi ng baywang at ang makapal na kasuotan nitong puting hanfu at itim na gilid ng kasuotan, kapansin-pansin din ang nakataling buhok ng binata.

"Sino ka?" tanong ni Meda na napaturo pa sa binata.

"Remus," tipid na sagot ng binatang napasandal sa alagang kabayo at sinuyod ng tingin ang kagubatan.

Sandaling napakunot si Meda daahil sa pangalang iyon. Ngunit dahil sa tensyon na mayroon sa kanila ay mas pinili niyang bigyan ng atensyon ang nangyayari ngayon. Kahit pa parang pamilyar sa kaniya ang isang binata. 

"Ah. Bakit ka nandito? Naliligaw ka ba? Hindi mo ba alam ang palabas?" mahinhing tanong ng dalagang lalapit nang palapit kay Remus.

Nagtataka naman ang binata sa kaniya dahil na rin sa daliri ni Meda na gustong hawakan ang pisngi ni Remus ngunit nahuli agad iyon ni Remus.

"Alam ko ang daan palabas, kaya kailangan mong sumama sa akin," usal nito at saka binatawan ang kamay ng dalaga.

Napatango na lang si Meda at napalingon sa kaniyang paligid. Wala pa ring hayop ang dumarating at kahit ang kuneho ay wala pa rin.

"Wala pa kasi ang ama, e. Kailangan ko munang magpaalam sa kaniya at sabihin bakit kailangan kong sumama sa 'yo. Kung ayos lang na sa kuweba muna tayo? Hintayin lang natin si ama, sa kaniya ka na lang din magpaalam," ngiting sabi ni Meda.

Wala namang naging sagot si Remus dahil kahit siya ay nakatitig lang kay Meda at patuloy na pinag-aaralan ang kilos ng dalaga. Mukhang magkalapit lang sila ng edad, sa palasyo kasi ay marami nga ang babae ngunit karamihan doon ay alipin na lang at kung minsan ay parausan pa ng ilang mga opisyales.

Kusang sumunod si Remus sa kaniya, basang-basa pa rin ang katawan ni Meda na mukhang wala naman siyang balak na punasan na. Sinigurado ni Remus na may sapat siyang layo sa dalaga, hindi naman niya kilala si Meda at ano bang malay niya kung sakaling nagpapanggap lang ang dalaga na gano'n kumilos? Kailangan niya lang mag-ingat.

Ngunit bago sila tuluyang pumasok sa loob ay napahinto si Meda at nanlisik ang matang tumingin sa kaniyang likuran dahilan para mapahinto si Remus. Bahagyang suminghot si Meda palapit kay Remus na humigpit ang hawak sa sandata na handa nang bunutin kung sakaling may gawin mang masama si Meda.

Ngunit teka? May mali, panay lang naman ang singhot ni Meda hanggang sa makalapit sa binatang may katangkaran.

"Ano bang ginagawa mo?" Hindi na napigilan ni Remus na itanong iyon.

Halos dumikit na ang ilong ni Meda sa damit ng binata at sa leeg ng kaharap. "Gusto ko lang malaman kung may dala kang panganib." Bahagya itong nahinto dahil napansin niya ang titig ni Remus sa kaniya. "Si ama kasi madalas niyang sinasabi na mayroong panganib tapos bigla siyang sisinghot."

Literal na napapikit si Remus at huminga nang malalim bago mag-desisyong umatras ng isang hakbang. Kung puwede niya lang na patulugin ang babaeng kaharap niya para walang ingay ay ginawa na niya. Pero hindi niya magawa. Sinabi lang naman ng ahas na hindi puwedeng umibig, pero walang sinabi na huwag sasaktan.

Bond of Survival | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon