Masaya ang buhay mag-asawa. Kahit na mas dumarami ang responsibilidad ni Shi ay hindi niya nakakalimutan ng alagaan ang asawa nito na sa buwan na iyon ay tuluyan nang manganganak at lalabas na ang kaniyang panganay. Ngunit itanggi man ni Shi ay malapit na siyang magkasala sa kaniyang asawa. O dapat lang na ikonsidera na noon pa mang kilalanin sila bilang Emperador at Emperatriz ay nagkasala na ito.
"Hindi ka pa ba matutulog?" malambing na tanong ni Shè sa asawa nitong umiling.
"May kailangang lang akong tingnan. Babalik din ako. May mga bantay naman kaya ligtas ka," pangungumbinsi ni Shi.
Tumango lang ang Emperatriz at saka hinayaan ang asawa nitong lumabas ng silid. Hindi niya gustong paghinalaan ang asawa dahil noon pa man ay kilala na niya ito. At alam niyang hindi siya ipagpapalit dahil bata pa lang sila nang magkasama na hanggang sa maluklok sa pinakamataas na posisyon sa lupain. Kasama na niya buong buhay si Shi. Kaya wala siyang dapat na isiping masama.
Sa isang banda, habang nahihimbing si Shè, ay siya namang pagmamadali ni Shi na maglakad patungo sa likuran ng palasyo. Alam niyang walang bantay doon dahil matayog na bato naman ang naroon. Ngunit alam niyang may isang babaeng naghihintay sa kaniya mula roon.
Isang babaeng nakasuot ng itim na hanfu. Kulot ang mahabang buhok at kahit madilim ay puting-puti pa rin ang balat nito. Nakakapangilabot nga lang dahil sa kaniyang itsura na hindi kayang tingnan ng iba. Idagdag pa ang madalas nitong pagbulong sa hangin na hindi maintindihan ninuman... maliban na lang sa kaniyang mga ninuno mula sa ilalim ng lupa.
Siya ang kaisa-isang anak na naghahari sa ilalim ng lupa. Siya na lamang ang natira. Dahil nga sa pag-aagawan noon ng lupain at puwesto ay isa ang mga magulang nito ang namatay. At ang mga nagtulong-tulong noon na mapatay ang kaniyang magulang ay naging kaaway rin ang isa't isa. Kaya gano'n na lang ang pagtataka nito kung anong mayroon sa itaas ng lupa. At iyon nga ang napakalaking palasyo. Na kailanman ay pangarap ng kaniyang ama ngunit hindi nito napasakamay.
Nang makita na nito ang anino ng emperador ay agad itong bumulong sa hangin at literal na itim na usok ang inilabas no'n.
"Ez jina te me. Ez Mezûr im, jina te tenê," bulong nito saka nagpakita si Shi.
Hindi malaman ng emperador dahil bahagyang nag-iba ang pakiramdam nito. Kung kanina ay alam niyang poot ang nararamdaman niya dahil hindi niya kayang saktan ang kaniyang asawa, ngayon naman ay para bang kabaliktaran ang lahat. Ang babaeng nakangiti mula sa dulo ay sinungkaban nito ng halik at halos wala sa sarili na ang ginagawa. Labag sa kaniyang kalooban ang lahat. Ngunit wala siyang kawala sa babaeng ginagamitan na siya ng itim na mahika. Ilang beses nang ginagawa iyon sa kaniya at ilang beses din naman siyang bumabalik sa normal... ngunit alam niya na unti-unti na rin siyang nag-iiba at nakakalimutan ang sariling asawa.
Ilang araw ang nagdaan. Gabi-gabi ang pagkikita nilang dalawa at tuluyan na ngang nakalimutan ni Shi ang kaniyang asawa. Ngunit sabi nga nila, kasalanan na ang pumikit at itikom ang bibig kapag nakita mo na ang totoong nangyari. Balisa si Hera habang inaalalayan si Shè. Ang tela ay nasa bibig lamang ni Shè habang maingat na inilalabas ang bata sa sinapupunan nito. Ang mga babaylan o mga manggagamot na babae ay nakabantay lang. At ang asawang iniisip ni Shè na sasamahan siya ay wala sa kaniyang tabi. Hindi na sinabi ni Hera ang kaniyang nakita alang-alang na lang sa kaligtasan ni Shè.
Mas kailangang unahin ni Shè ang kaniyang anak.
"Paniguradong lalaki siyang makisig," ngiting bulong ni Hera habang pinagmamasdan ang anak ni Shè na tahimik na natutulog sa dibdib nito.
Napangiti naman si Shè habang hinihimas ang ulo ng bata. "Walang duda iyan Hera. At sana'y magkaroon siya ng asawang gaya ko," ngiting sabi nito.
Agad ding siyang natahimik. Lumingon sa paligid at nang hindi mahanap ang lalaking ilang gabi na niyang hindi nakakasama sa silid ay napatingin na ito kay Hera na tumalikod at nagpanggap na gawin ang ilang bagay.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasia[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...