"Iyon ang nangyari matapos ang ilang dekada at napagdesisyonan ng emperador na walang emperatriz na muling ipapakilala," usal ng isang pinakamatandang guro na nagsilbi noon sa mag-asawang Qin Shi at Shèxi.
Mariing tumango si Meda. Hindi niya maiwasang mapangiti at malungkot dahil umabot sa gano'ng sitwasyon ang mga bagay na dapat sana ay naagapan pa. Halos sulit ang lahat ng pagod at antok ni Meda malaman lang kung ano ang naging ugat ng lahat. Mula sa pagbuo ng imperyong iyon at kung paano mamuno ang namayapang emperador dahil sa paghihiganti ni Shè na mula na rin sa kaniya.
Marahas na tinanong ni Meda kung si Shè ang pumatay sa kaniyang asawa na hindi tinanggi ng ahas. Kaya mula nang malaman niya iyon ay na-engganyo siyang muling pag-aralan ang mga nangyari noon at binasa ang ilan sa mga librong ibinigay sa kaniya ni Shilo.
At isa pa, nang mamatay si Shi ay gumawa ng liham si Shè at pinirmahan gamit ang lagda ni Shi nang mamatay ang asawa nito. Kay Shilo ibinigay ang trono ngunit kahit pa anak iyon si Shè ay ibinigay niya iyon sa karapat-dapat. Kung si Shilo ang mauupo at kikilalanin ng lahat ay mapapahamak lang siya dahil sa alitan nila ni Remus.
Kaya walang pag-aalinlangang ibinigay ni Shè ang karapatan kay Meda.
"Salamat Hui kung gano'n," ngiting pasasalamat nito sa bagong Hui na magsisilbi sa kaniya.
Dahil pagkalipas ng ilang unos na nangyari ay muling ipapakilala sa mga tao ang bagong hihirangin bilang emperador. Ipinaliwanag din ng kaniyang Hui na maaaring hirangin ang isang babae bilang Emperador sa sarili nitong imperyo.
At mukhang kilala na ng lahat kung sino iyon dahil sa pag-anunsyo ng opisyales ng palasyo at kitang-kita ang saya ng mga tao. Malaking pagtataka man ngunit gusto nila ang bagong papalit na hindi galing sa pamilya ng mga Qin.
Binaybay nito ang kahabaan ng pasilyo. Nakasuot ng kulay rosas na hanfu habang ang mahaba nitong buhok ay ginupitan na hanggang likuran nito. Noon kasi ay umabot ang haba hanggang sa kaniyang pag-upo.
"Magandang umaga po!" bati ng batang babae na may inabot na bulaklak.
Nahinto sa paglalakad si Meda upang kunin iyon at hindi na nagawang magpasalamat dahil sa pagtakbo ng bata papunta sa tarangkahan ng palasyo. Muling binuksan iyon upang ipakita sa publiko kung anong klaseng palasyo nga ba ang mayroon sila. At dahil kaanib ng mga opsiyales at konseho si Meda ay lahat gagawin nila upang matulungan at pagsilbihan ang dalaga.
Sa muling paglakad niya ay siya namang pagdating ng heneral na bahagyang yumuko sa kaniya bilang pag-respeto.
"Ah, may ipapasuyo sana ako sa 'yo kung maaari lang?" marahang bulong nito.
Tumango ang heneral. "Kahit ano po kamahala—"
"Naku! H-Huwag mo akong tawaging kamahalan." Iwinasiwas pa nito ang kaniyang kamay na nginitian lang ng heneral. "Kung puwede sanang mamayang hapon pakawalan ang dalawang magkapatid. Ibalik na lang sila pagkatapos ng seremonya kung maaari lang," utos nito na tinanguan ng heneral.
"Kayo ang masusunod." Yumuko ito at saka hinintay na lampasan siya ni Meda.
Kagat-kagat ang labi na napansin si Wuan na tawang-tawa sa gilid. Nakita kasi nito ang nangyari at alam niyang hindi sanay ang dalaga sa gano'ng tawag na si Wuan ang may gawa.
"Kamahala—"
"Tumigil ka!" mahinang asik nito bago siya sabayan ni Wuan sa paglalakad.
"Dapat kang masanay Meda. Sa ilang sandali pa iyon na ang magiging tawag sa 'yo ng lahat."
"H-Hindi puwede! Ayoko ng gano'n. Puwede nila akong tawaging Meda gaya ng tawag ninyo sa akin," pangangatwiran ni Meda ja tuluyang inilingan ni Wuan.
"Totoo nga ang sinabi ni Remus." Lumingon ito kay Meda na nakakunot-noo pa rin. "Matigas ang ulo ng babaeng galing sa Ilo," saad nito na ikinatawa ni Meda.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantastik[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...