Titig na titig sa daan at halos sinasalungat ang direksyon ng hangin papunta sa kaniya dahil sa bilis nang takbo ng kabayo, wala namang laro na nangyayari ngunit nais niya lang pigilan ang kapatid nito dahil sa may balak itong puntahan na hindi dapat puwedeng lapitan, dahil kung may makakita ay puwede silang mapahamak.
"Pasaway ka talaga," bulong ni Wuan nang mahinto ito sa bayan at abot tanaw ang bulubundukin ng paligid na halos nakapalibot sa buong lugar.
Animo'y nakapalibot sa kanila ang bangin at protektado ng matataas na bulubundukin ang palasyo. Abot na ng kaniyang paningin ang lalaking sakay ng kabayo sa gitnang bahaging tulay na kasalukuyang ginagawa ng mga matatanda at preso.
Agad niyang hinimas ang ulo ng kabayo nito upang kumalma, sa mismong unahan ng tulay ay huminto ang kabayo at patuloy na tinititigan ang kaniyang kapatid na tuwang-tuwa sa pagpapatakbo ng kabayo at halos sobrang ganda ng kaniyang puwesto dahil kulay kahel ang kalangitan dahil malapit na ring magdilim at kitang-kita niya ang anino ng kapatid nito at ang bahagyang pagtaas ng kamay nito.
Wala itong nagawa kundi hintayin ang pagbabalik ng kapatid dahil sigurado naman itong hindi iyon magtatagal. Imbes na bumalik sa palasyo ay nanatili siya roon, pinagmamasdan kung paano kumilos ang mga kababaihan na abala sa pagtitinda at sa unahan naman nito ay ang mga kalalakihang abala sa paggawa ng tulay.
Si Wuan ang inatasang pangunahan ang pagpapagawa no'n, sa kaniya ring ideya na pagtrabahuin ang mga preso ngunit desisyon ng ama na ang mga bangkay ay ilibing sa tulay na iyon upang mas lalong tumibay ang haligi. Ang tanging kailangang gawin lang ni Wuan ay ang matapos ang tulay na iyon, upang mapabilis ang kalakaran sa ibang karatig bayan.
Sa ilang oras na paghihintay niya ay wala man lang lumapit dito, tinititigan lang siya at kung minsan ay nag-iiwas ng tingin. Hindi na lang din niya maintindihan ang mga tao dahil wala naman siyang ginagawang masama at alam niya sa sarili niyang hindi siya nananakit.
"Ikatlo!" umalingawngaw sa lugar na iyon ang napakalakas na tawag, isabay pa ang pabilis nang pabilis na takbo ng kabayo na agad ding huminto sa tapat nito.
Napahinga na lang nang malalim si Wuan at mariing ipinikit ang singkit nitong mata. "Pinagbawalan ka, hindi ba?" panimula nito sa bunsong kapatid na hindi maalis ang ngiti.
Bumaba si Seju sa kabayo nito at saka tinapik ang kapatid. "Alam mo ikatlo, wala namang makakaalam kung walang magsusumbong," bulong nito at itinaas pa ang dalawang kilay.
"Paano kung may makaalam? Alam mo namang mainit ang ulo sa 'yo ng ibang kapatid mo at iisipin nilang pinapanigan ka ng ama," seryosong sabi nito at bahagyang inayos ang itim na suot.
Natawa na lang si Seju at paulit-ulit na pumalakpak. "Ako ang bunso, dapat lang na ako ang paborito," bulong nito na may nakakalokong ngiti dahilan para ilingan ito ni Wuan.
Literal na napatawa pa ang dalawa at saka naupo sa isang bahagdan habang hinahayaan ang kanilang mga kabayo na magpahinga. Pinagmamasdan lang nila ang buong paligid at kung gaano kaganda ang lugar, napapalibutan ng mga matatayog na puno at bulubundukin, at ang nakakalulang bangin sa gilid nila at ang maririnig ang pagbulusok ng tubig mula sa bundok.
Hindi na masiyadong magulo kumpara noong sinasakop ang lupain nila. Dahil ama na nila ang nakaupo ay tanging pagpapahirap na lang sa mga tao ang nangyayari at literal na walang nagtangkang kumalaban sa kanila.
"Kumusta ang iyong ina? Masyado siyang malapit dito," panimula ni Wuan sa kapatid nitong panay ang hagis ng maliliit na bato sa daanan.
"Naabutan ko siyang inaasikaso ang asawa niya, tapos may maliit na babaeng supling hawig ni ina, ang taba ng pisngi, ngumiti pa nga sa akin kaso si ina parang natatakot," malumanay na kuwento nitong pinilit na ngumiti saka inalis ang dumi sa maliit ngunit matangos nitong ilong.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasía[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...