Kabanata 40

124 5 0
                                    

"Masyadong malayo iyon Wei," usal ni Meda sa batang may hawak na palaso na ilang gabi nang sinusubukang magpapaalam na pumunta ng Ilo.

"Pero Huángdì, sandali lang po ako roon. Mas magandang magsanay roon hindi ba? May talampas at_"

"Mababangis na hayop na puwedeng pumaslang sa katawan mong higit na maliit kumpara sa kanila."

Natahimik si Wei. Dalaga na ito at mas lalong nagiging matigas ang ulo. Ngunit nakatutuwa lang dahil hindi niya pa nasusubukang pagsalitain ng masama si Meda dahil malaki ang utang na loob niya. Sapat na kay Wei ang paliwanag kung bakit may mga bagay na hindi puwede.

"At ang itong ama-amahan? Anong sinabi niya?" tanong ni Meda na tumayo na at saka bahagyang naglakad.

Nakayukong sinabayan ito ni Wei habang ang Hui at nasa kanilang likuran. "Magpaalam daw po ako sa inyo. Kapag pinayagan ako puwede niya raw akong samahan."

"At kung hindi kita pinayagan?"

"Papayagan naman po ako ni ama, Huángdì," mahinang usal nito hanggang sa makalabas sila ng silid.

Napabuntonghininga na lang si Meda nang makita niya si Wuan na patungo sa kanila. Nakakunot si Wuan habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng mahalaga sa kaniya. Mukhang alam na agad niya kung ano ang nangyayari.

"Bakit malungkot ang aking Wei?" pang-aasar ni Wuan at agad na yumakap sa kaniya ang dalaga.

Hinarap ni Wuan si Meda saka bahagyang yumuko. "Puwede ko siyang samahan roon. Pinagpipilian pa ng guro kung sa Ilo gagawin o kahit sa ibaba na lang," pagtutukoy ni Wuan sa dinaanan nila ni Remus at Meda noon patungo sa palasyo.

Napasulyap muli si Meda sa batang nakayakap sa tagiliran ni Wuan. Madalas na niyang matawag si Wuan na ama at ina naman si Meda. Ngunit mas pinili pa ring tawaging Huángdì ito kapag nasa publiko sila.

"Masyado mong pinagbibigyan ang bata, Wuan."

"At masyado kang nagiging mahigpit Huángdì," ngising sagot ni Wuan dahilan para matawa ang Hui sa kanila.

"Ang akin lang, hindi sa lahat ng oras ay payagan ang bata Wuan. Paano kung may mangyaring masama?"

"Kasama niya ako Huángdì, kaya walang mangyayaring masama," ngiting depensa ni Wuan.

Napabuntonghininga na lang si Meda at wala nang nagawa kundi ang tumango. "Kapag nagkasakit si Wei, huwag kang magmakaawa sa akin na puntahan ang bata sa dis-oras ng gabi at patahanin ka sa pag-iyak Wuan."

Literal na nanlaki ang mata ni Wuan at si Wei naman ang napatawa. Dahil madalas na magkasakit noon si Wei at si Wuan lang ang nag-aalaga ay halos hindi ito napapakali kapag nagkakasakit ito. Idagdag pa ang pagiging iyakin ni Wuan sa tuwing hindi kinakaya ang sitwasyon at si Meda naman ang mamomroblema.

"Meda?" bulong ni Wuan.

Ngumisi lang si Meda at saka tinalikuran ang  mag-ama. "Mag-asikaso na kayo kung matutuloy kayo," utos ni Meda at saka nagdesisyong pumunta sa kabilang templo para sa pagpupulong.

Dahil sa malakihang proyekto na kanilang gagawin ay kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang kalakalan na mangyayari sa buong Tsina. Dahil sa patuloy na lumalaki na ekonomiya at marapat lang na mas lawakan nila ang pakikipag-negosasyon sa labas ng Tsina. Idagdag pa ang mga irigasyon at ilang pagsasa-ayos ng mga kagubatan.

Mariing pinapakinggan lang ni Meda ang lahat ng suhestyon ng mga opsiyales sa silid na iyon kung makakatulong ba o makakasira sa kalikasan. Kahit papaano ay iniisip pa rin ni Meda ang mga iyon dahil doon sila kumukuha ng kanilang pangangailangan. At dahil ang lahat at naipaliwanag nang maayos ay kailangan niya pa ring basahin nang maiigi iyon.

"Mas maiigi saka kung iwanan mo muna ako Hui," pakiusap ni Meda sa kaniyang bantay na bahagyang ngumiti.

"Huángdì, mas maiigi kung magpahinga na kayo dahil kanina pa kayo pasimpleng humihikab, nakahalata ang mga konseho."

Naningkit naman ang mata ni Meda at saka umiling. "Mamaya na siguro Hui. Mas maganda kung samahan mo ako sa silid ni Remus at may kailangan akong hanapin," usal nito at pinilit na ngumiti.

Walang naging salita ang Hui dahil sinundan lang nito si Meda. Malinaw pa rin sa kaniya ang lahat. Hindi siya puwedeng magkamali lalo na't nag-iisa lang ang mapa ng Tsina at halos na kay Remus ang pinaka-orihinal. Iyon ang bitbit niya nang sunduin siya sa Ilo at dalhin sa palasyo. Iyon din ang naka-ipit aa libro na kinuha ni Remus at magbabakasakali si Meda na baka nasa silid lang.

"Gusto ko sanang iwanan ang lahat ng trabaho ko sa 'yo kapag umalis ako," usal ni Meda nang makapasok sila sa dating silid ni Remus.

Wala pa rin namang pinagbago, nilinis lang ang mga kalat at ibinalik sa silid-aklatan ang mga librong naroon. Ngunit ang gamit ni Remus ay naroon pa rin sa puwesto kahit ilang taon na ang nakakaraan ang lumipas.

Takang nilingon ng Hui si Meda na abala na sa pagtingin sa mga gamit doon. "Puwede ko bang malaman Huángdì kung bakit?"

Nahinto si Meda at saka ngumiti. "Dahil may pupuntahan ako. Hindi ko na sasabihin kung saan dahil baka magpadala na naman kayo ng mga Hòng Taò gaya noon. Babalik naman ako agad Hui. Wala akong balak na pahirapan ka sa trabaho," ngiting sabi nito at literal na lumaki ang lawak ng labo dahil sa naka-usling pamilyar na bagay sa aparador.

Maingat nitong binuksan iyon at tuluyang tumambad ang ilan sa mga kasuotan ni Remus. Ang mga sandata nitong naka-ayos at ang isang mapa na matagal na niyang hinahanap sa libro noon. Gano'n na lang ang pamamasa ng kaniyang mata nang makita nito ang sarili niyang sulat kamay. Binilugan niya pa ang lokasyon ng Ilo bago pa mawala sa kaniya ang mapa.

Kaya pala pamilyar siya noon sa lugar na iyon ay dahil doon siya lumaki.

At doon galing ang dating emperatriz na si Shèxi.

Dahil sa tuwa ay hindi na niya napigilang yakapin ang matandang Hui na para na niyang magulang. Kung minsan ay napapagalitan siya dahil sa mga bagay na hindi niya dapat gawin bilang emperador ngunit hindi siya papigil. Siya si Andromeda, walang magagawa ang iba dahil hindi na mababago ni Meda ang sarili niya.

"Huángdì—"

"Hindi ako aalis ngayon dahil alam kong maraming bagay na kailangang asikasuhin. Kung sakaling wala ako rito alam mo ang ibig sabihin ng bagay na iyon. Gusto kong maranasang magpahinga man lang."

Bumuntonghininga ang Hui saka nailing. "Hindi solusyon ang pagpunta sa kung saan Huángdì. Pahinga ang iyong kailangan."

Umiling si Meda saka tinalikuran ang Hui. "Matutuwa si Tigor kung hahayaan mo ako kahit sa maikling panahon lang Hui." Tuluyan itong napangiti habang mahigpit na hawak ang mapa pauwi sa kaniyang pinagmulan.

Bond of Survival | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon