Walang palya ang pagpapatupad ng mga batas na ginawa ng emperador ng Qin. Saksi sina Shè at ang mga tao sa lupain na iyon kung paanong habang tumatagal ay mas napapadalas ang pagiging mabagsik ng kanilang emperador. Ang mga batas na hindi maka-tao ay patuloy na nadaragdagan.
Masagana nga ang kanilang pamumuhay. Ngunit hindi sila tuluyang makangiti dahil kaakibat no'n ang pagkawala ng kanilang karapatan. Lalo na ang mga batang sanggol na balak ipapatay ni Shi sa mga Hòng Taò upang mabawasan ang kanilang mga populasyon. Gaya nga nang napirmahan niya noon na pagpapapatay sa mga sanggol ay ngayong araw na gagawin.
"Ipinag-uutos ng hari, na ang lahat ng batang nasasakupan ng Qin ay kinakailangang isuko at tanggalan ng karapatang mabuhay, ang utos na ito ay kailangang sundin o buhay mismo ang magiging kabayaran."
Takot, hagulgol, at pagnanasa na maka-alis agad sa lugar na iyon bago sumapit ang dilim ang siyang tanging nagawa ng mga tao roon. Utos ka iyon ni Shi at paniguradong sa ilang minuto lang na hindi mailapag ang sanggol sa harap ng templo ay sila na mismo ang kikilos.
"Sshhh, tahan na," bulong ni Shè habang patuloy na binabantayan ang pintuan kung sakaling mang may pumasok doon.
Yakap-yakap niya lamang si Shilo habang sinasabayan ng bata ng iyak ang sabay-sabay na paglakad ng mga Hòng Taò. Napapikit na lang si Shè at mahigpit na niyakap ang anak niyang walang alam sa mga nangyayari. Kumimirot ang puso nito sa tuwing nakikita niya sa kaniyang isipan ang sasapitin ng mga batang paslit.
Gano'n na lang ang takot ni Shè nang biglang magbukas ang pinto. Mabuti na lamang ay si Hera lang iyon may dalang ilang pagkain at muling pinagmasdan ang bata.
"Huwag kang lalabas maliwanag? Kinausap ko na ang ilang mga Hòng Taò at nakumbinsi ko sila na huwag galawin si Shilo," malumanay na anas ni Hera na ikinatigil ni Hera.
"A-Ano? Bakit si Shilo lang? Paano ang ibang mga bata?" inis na tanong nito.
Nangunot lang si Hera at saka muling sumilip sa bintana at sinara ang kurtina roon. "Hindi ko sila puwedeng pigilan Shè. Kahit papaano ay kinikilala pa rin nilang anak ng emperador ang anak ninyo kahit na itinakwil ka na. Ilang beses ba kayong nagka-usap Shè? Ilang beses ka niyang tinaboy hindi ba? Kaya wala na tayong magagawa. Rito lang tayo hanggang sa humupa ang tensyo—Anong ginagawa mo?!"
Dahil sa takot na biglang ibinigay ni Shè si Shilo kay Hera ay alertong kinuha nito ang punyal na itinago nito sa kaniyang damit.
"Saan ka pupunta?!"
"I-Ikaw munang bahala kay Shilo, Hera. B-Bantayan mo siya. Babalik ako pangako," usal ni Shè at saka agad na umalis.
Walang nagawa si Hera. Mas lalo lang nadaragdagan ang problema niya. Habang si Shè ay desididong kahit papaano ay may mailigtas siya. Kahit isang bata lang.
Hindi niya maaatim na pumatay ang kaniyang asawa ng mga inosente na siyang puwedeng magpabago sa mundo. Kung alam lang sana ni Shè kung bakit iyon nagagawa ng emperador. Kung alam lang sana niya na may kumokontrol sa isip ng kaniyang asawa.
Hindi nito alam kung saan pupunta. Sa labas ng palasyo ay nagkalat ang mga Hòng Taò. Ang ibang mga magulang ay buhat-buhat ang kanilang mga sulping habang hinahalikan ang mga anak na umiiyak. Labag man sa kalooban ay inilapag ng mga ito ang kanilang mga anak. Senyales na suko na ang mga ito.
Ngunit kung may dapat man siyang mapansin ng mga oras na iyon ay ang mag-asawang nag-aaway sa hindi kalayuan. Kung hindi siya nagkakamali ay ang babaeng may buhat na nakatago sa dibdib nito ay isang manggagamot sa loob ng palasyo na minsang nag-asikaso sa kaniya nang manganak siya kay Shilo.
"Lei?" usal ni Shè at saka pumunta sa gawi ng mag-asawa.
Inaayos ni Lei ang kabayo sa mismong likuran ng bahay habang ang asawang lalaki na si Wang ay nagdadalawang-isip pa kung dapat bang isuko na lang sa palasyo ang batang may kakaibang anyo at aksidenteng napasama sa mga prutas na inani ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasy[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...