Halos hindi nakatulog ang lahat sa palasyo. Hindi normal para sa kanila na parusahan ng gano'ng klaseng paglilitis ang dalawang binatang anak pa man din ng dati nilang emperador. Kahit sina Shilo at Seju ay hindi na nagawang matulog dahil ang dahilan naman nila ay pagkatapos ang paglilitis ay magagawa naman nilang makapagpahinga na. At wala ng balak pang gumising.
Nakasuot na lamang sila ng puting damit. Ngunit ang telang nakapulupot sa kanilang ulo ay hindi pa rin nila inaalis. Nakatali ang mga kamay at naghihintay na lang ng kanilang oras. Nang sakto namang pumasok sa loob ng silid na iyon si Wuan na agad na hinanap ng tingin ang dalawa nitong kapatid.
Nanghihina na itinaas ni Seju ang kaniyang kamay at pilit na ngumiti. Nakasandal lamang sila sa rehas. Napalunok na lang si Wuan nang makita niya kung ano ang itsura ng dalawang kapatid nitong halos matamlay.
"Bakit hindi man lang kayo binigyan ng upuan?" seryosong tanong ni Wuan nang makalapit siya at hinanap agad ang mga batay.
"Huwag na. Uupo pa, mamamatay rin nama—"
"Seju!"
Natawa na lang si Seju dahil sa biglang lingon ni Wuan kasabay ang paghampas sa braso niya na bihira lang gawin ni Wuan. Kahit naman na biro iyon ay hindi gusto ni Wuan na sabihin iyon ng kaniyang kapatid lalo na't mangyayari naman talaga.
Umalis sa pqgkakasandal si Shilo at saka siniko si Wuan. "Sino ba ang dapat na mauna sa amin? Balak ko sanang ang bunso muna para matikom na ang bibig nito."
Mabilis pa sa alas-kwatrong pumalag si Seju at paulit-ulit na siniko si Shilo. Halata ang takot sa kaniya ngunit nagawa niyang itago iyon dahil sa biglang pagnguso nito.
"Ikaw dapat. Panganay ka, e."
"Pangalawa sa atin si Remus pero siya ang naun— Anong ginagawa mo?" natatawang tanong ni Shilo nang makita nito ang ginawa ni Seju.
Mabilis na napakapit si Seju sa mga rehas para hindi siya mahila nito sa lugar na paglilitisan. Kung si Shilo ay tawang-tawa sa ginagawa ng bunso ay kabaliktaran naman ang kay Wuan. Nakatitig lang siya sa dalawang kapatid. Ngumisi lang ito at saka kinurot-kurot ang mga daliri.
"Ah, Wuan." Nagbalik ng tingin si Shilo kay Wuan. "Ikaw na palang bahala sa mga kabayo ko. Naibilin ko na rin sila kay ika-anim dahil sinanay ko na siya noon. At isa pa, 'yong mga libro sa aking silid, ilagay mo sana sa silid-aklatan nang mabasa naman ng ilang mga bata."
Hindi sumagot si Wuan ngunit tumango siya bilang pagsang-ayon. Sa kanilang lahat ay si Shilo ang higit na mas nakakausap ng iba nilang kapatid, maayos din naman ang koneksyon nila sa iba maliban lang kay Remus.
"Si ika-siyam, may sakit siya. Kaya kung maaari sana ay lunasan agad. Puwede mo siyang makatulong sa pag-aalaga sa kapatid ni Seju. At ito." Kinuha nito ang tela na nasa kaniyang ulo dahilan para magulo ang mahaba nitong buhok. "Ingatan mo 'yan ah? Pakilagay sa ibabaw ng puntod ko pagkatapos."
Tahimik lang si Wuan na pinagmamasdan kung paano panatilihin ni Shilo ang ngiti sa labi nito dahilan upang maningkit ang kaniyang mga mata.
"I-Iyon lang ba?" tanong ni Wuan.
"Alagaan mo rin ang sarili mo. Pagkatapos ng araw na ito, magiging maayos din ang lahat."
"Oras na!" sigaw ng isang Hòng Taò kasabay ang pagtunog ng kampanilya roon.
Malamang ay narinig din iyon ng mga tao sa buong lupain. Isa sa senyales kapag narinig iyon ay ang oras na pagpaslang.
Literal na hindi makakilos si Wuan. Namamasa ang kaniyang mga mata at patuloy pa rin pagtitig sa lalaking kaharap nito.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasy[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...