Kabanata 34

87 5 0
                                        

"Anong ginawa mo?!" Nanindig ang balahibo ni Mezur dahil sa sigaw ni Shi sa apat na sulok ng kwartong iyon.

Napalunok na lang ito sa ikinilos ni Shi dahil iyon ang unang pagkakataon na hindi niya makontrol ang emperador dahil wala na rin siyang lakas. Naubos na ang lahat dahil sa lason na kaniyang ginawa para ipahid sa punyal na naging dahilan sa mabilisang pagkamatay ni Shè.

Isang nanlilisik na mata ang tumingin sa kaniya kasabay ang paghatak sa kaniyang buhok. "S-Sh-"

"Hindi ka pa ba kuntento sa mga nagawa mo Mezur? Sinabi ko sa iyo na gawin mo ang lahat ng gusto mo huwag lang galawin si Shè at ang bata!" asik ni Shi sa mukha ni Mezur na napapikit na lang.

"Wala akong nakitang bata Shi. At isa pa, sila ang aagaw sa posisyon mo. Narinig ko ang sinabi niya sa kaibigan niyang si Hera. Ikaw ang papatayin nila para ma-upo ang anak niyang si Shilo," panlalason na naman nito sa utak ni Shi.

Ayaw niyang maniwala. Kilala niya si Shè. Hindi iyon magagawa ng babaeng nawala sa kaniya sa loob lang ng maikling panahon. Wala sa sariling iniwan nito sa loob ng silid si Mezur na tuluyang napaanak. Sa paglabas ni Shi ng silid ay ang pagmamadali naman ng ilang babaylan na makapunta sa silid na iyon dahil sa pagsigaw ni Mezur dahil sa sakit ng tiyan.

Hindi pa sumisikat ang araw. May kadilaman pa ngunit tanaw na sa malayong nayon ang sinag ng araw. Parang nagbalik ang lahat kay Shi. Ang pagsasama nilang dalawa mula noon ngunit hindi na saklaw ang nararamdaman nito para sa babae na tuluyang inalis ni Mezur. Titig na titig lang siya sa babaeng dilat at malamig na ang bangkay. Nasa pinaka-gitna ng palasyo at napapalibutan na sila ng mga Hòng Taò.

"Shè? B-Bangon na." Naupo ito sa tabi ng emperatriz.

Inayos ang buhok ng babae at mas lalo pang namuti ang balat. Ang mga mata ni Shè na naging korte ng mata ng ahas at ang unti-unting paggaspang ng balat nito.

"Napakaganda mo," usal niyang muli at saka ngumiti. "Ikaw ang diyos ko. Ang tanging sasambahin at paniniwalaan."

Paulit-ulit na sinabi iyon ni Shi hanggang sa makuntento siya. At sa pagsikat nga ng araw ay tuluyan na niyang isinuko ang asawa. Ang tanging hiling niya lang ay ang magpagawa ng rebulto para sa asawa sa mismong gitnang bahagi ng palasyo. At matapos no'n, tuluyan na niyang tinuring diyos ang asawa na nasa anyong ahas na. At patuloy na sinasamba.

≿━━━━༺༻━━━━≾

Lumipas ang maraming taon kasabay ng paglaki ni Shilo. Ang pagtuloy na paghahari ng kaniyang ama at ang asawa nitong si Mezur kasama ang anak nilang si Remus na tatlong taong gulang na. Umunlad nang tuluyan ang lupain ng Qin gamit ang mga batas na hindi maka-tao. Ang sapilitang pagtatrabaho ng mga matatanda at ng mga preso hanggang sa mamatay. Inalis ang batas na pagbigti at pinalitan ng pagpapahirap sa mga nagkasala. Ang pagkakaroon ng emperador ng anak sa iba't ibang babae at tanging ilan lang ang mga batang tinuturing na anak ng emperador.

"Malaki na siya?" nakangiting tanong ni Shilo sa kinilalang ina nito na si Hera.

Marahang ngumiti si Hera at tumango habang hinihimas ni Shilo ang malaki nitong tiyan. Walang ka-alam-alam si Shilo na kapatid niya sa ama ang ipinagbubuntis ni Hera, dahil isa siya sa mga babaeng nilahian ni Shi para sa sariling kasiyahan. Wala siyang karapatang tumanggi kung ayaw niyang paslangin. Ginawa niya ang isang kasalanan huwag lang maiwanan si Shilo sa murang edad nito.

Dahil wala na si Shè. Si Hera na ang nag-alaga kay Shilo at sana makita pa niya ang paglaki ng mga ito kahit pa nasa isang bangungot na siya. Saksi siya sa kung paano paslangin ni Shi ang mga nakakasiping nito matapos makuha ang gusto.

Imposibleng makaalis siya sa palasyo dahil mahigpit na ang seguridad. Hindi niya kayang tumakas lalo na't bawat daanan ay may nakabantay.

"Hindi ka pa ba matutulog? Pikit na ang mata at kakantahan ka ni ina," malambing na usal ni Hera sa batang lalong naningkit at nahiga sa tiyan nito.

Bond of Survival | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon