Upang makabuo ng panibagong imperyo na pamumunuan, kailangan nilang patayin ang hindi karapat-dapat at ang mahihinang nilalang. Sa pagtayo ng bagong silibisasyon sa ilalim ng dinastiyang Qin, na base sa nakasaad sa propesiya... kadiliman ang magiging lakas nila.
"Ipinag-uutos ng hari, na ang lahat ng batang nasasakupan ng Qin ay kinakailangang isuko at tanggalan ng karapatang mabuhay, ang utos na ito ay kailangang sundin o buhay mismo ng magulang ang magiging kabayaran."
Isang paalalang gumising sa lahat ng tao sa nasasakupan ng Qin, at sa isang mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak at maling bunga ng puno ang nakuha, at dahil naniniwala ang mag-asawa na sagot iyon sa kanilang dalangin ay mas pinili nilang umalis, lisanin ang imperyong tinuring nilang tirahan, ngunit dahil sa kasakiman ng hari, kinailangan nilang marating ang hangganan ng Qin, ang Beishou, kung saan sila maaring manirahan. Ngunit alam nilang imposible ang gusto nilang mangyari.
Tirik pa rin ang liwanag sa kalangitan, ngunit imbes na maging mapanatag ay kapwang sumasabay ang kalabog ng puso ng mag-asawang Lei at Wang dahil sa hinihingal nilang kabayo. Ilang beses man nilang ipagdasal na balutin na sila ng dilim ay para bang bumabagal ang oras, para bang itinakda na sa araw na iyon na kailangan na nilang mawala sa kasaysayan.
"Wala na tayong pupuntan Lei, at ang bata... alam mong—"
"Ako ang nauna sa bata Wang, at alam mo 'yan! Ipapahamak lang nila si Meda!" sigaw ni Lei sa asawa nitong halos mabali na ang leeg para lang tingnan ang paligid kung may nakasunod sa kanila.
Muli nitong sinulyapan ang isang batang nakabalot sa isang hindi pangkaraniwang dahon, hindi ito nanggaling sa kanila ngunit nanganganib na sila dahil ipinagbabawal ang pagkakaroon ng sanggol sa kanilang lupain, kung hindi ito galing sa mismong hari.
"Alam mong hindi 'yan tao! Tingnan mo Lei! Pagmasdan mo ang hawak mo, kusang natatanggal ang dahon sa katawan niya at lumalabas ang ilang parte ng katawan. Sumpa ang batang iyan—"
Hindi na muling natapos ni Wang ang katotohahang sinasabi nito nang walang kahirap-hirap na tumagos sa kaniyang dibdib ang isang palaso, na naging hudyat upang takasan ni Lei ang lugar na iyon.
Alam niyang nasa malayo na siya, walang katapusang kakahuyan ang kaniyang nakikita, naniniwala siyang may dulo ang lahat ngunit sa kaniyang sitwasyon, kamatayan lang ang puwede niyang mapuntahan.
Agad na lang huminto ang kabayo sa kalagitnaan ng kung saang gubat, tanging huni ng itim na ibon lang ang naririnig na halatang nagbabantay sa kamatayan ng babae. Mabilis itong bumaba sa kabayo at maingat na pinagmasdan ang batang unti-unting nagkakatawang tao. Ibinalot niya agad ang bata sa isang telang itim at saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa pinaka-liblib kung saan naninirahan ang mga tigre. Ang nagmamay-ari sa teritoryong kinatatayuan niya.
"Babalikan kita rito, hahanap lang ako palabas ng gubat at aalis tayo," bulong nito sa isang batang babae na hindi pa rin magmumulat. "Tandaan mo ang ngalan mo, ikaw si Meda. Andromeda."
Sa pagpatak ng dilim, naging tahimik ang paligid, nagkaroon ng karapatan ang batang Meda na umiyak dahilan para maamoy at marinig ito ng isang tigre, ngunit imbes na sakmalin ito gaya ng kanilang ginagawa, hinila nito ang telang itim papasok sa pinakamasukal na gubat ng Beishou.
Sa araw na nawala ang mga bata, iyon din ang hudyat nang pagtayo ng panibagong sibilisasyon ng Qin, na kung saan ang pamumuhay ng mga tao ay nakabatay sa batas, at ang hari lang ang puwedeng magbigay ng bata sa imperyo upang sanayin sa pamununo.
Ngunit gaya ng nakasulat sa propesiya, lahat ay may limitasyon, at nasa dulo nito ang sikretong hindi puwedeng malaman ng kahit sino. Kahit siya mismo.
![](https://img.wattpad.com/cover/297527011-288-k48962.jpg)
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasía[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...