Lumipas ang ilang linggo, mabilis na nasanay ang mga hayop sa makulimlim na kalangitan at tuloy pa rin ang buhay nila, wala pa naman silang nakikitang mali lalo na sa teritoryo nila. Isiniksik na lang din ni Meda sa utak nito na maayos pa rin ang lahat kahit na patuloy siyang nanghihina, ang marka sa kamay nito ay patuloy na nawawala... patuloy pa ring lumalabo.
Nakatitig lamang si Meda sa mga malalaking baging ng puno sa loob ng bahay nito, pinagmamasdan niya lang na hanginin iyon dahil baka sakaling antukin siya. Tahimik na ang lahat, ni wala siyang marinig na kahit na anong alulong o kahit pa ang mahinang bulungan ng mga ibon ay wala na rin.
Sinikap nitong tumayo sa higaan para alamin ang mga nangyayari, kadalasan naman ay may mga gising pa at naririnig pa nag kaunting ingay, ngunit ngayon ay kakaiba. Maingat na hinawi ni Meda ang buhok nitong mahaba, at naningkit ang mga mata nang makalabas sa bahay nito. Tahimik, at halos ang dilaw na ilaw na nasa gasera lang ang nagbibigay liwanag sa kahabaan ng gubat na iyon.
"Ama?" tawag nito ngunit wala man lang presensya ang nagparamdam.
Yakap-yakap ang sarili habang patuloy pa rin sa paglalakad sa kung saan mang direksyon, kada hakbang nito ay para bang bumibilis ang takbo ng panahon, ang biglang pagliwanag ng kalangitan at ang kapansin-pansing mabilis na pagdaan ng mga ulap.
"Yoba? Xin? Robo?" tawag nito sa ilang mga hayop na madalas na bumubungad sa kaniya sa tuwing nasa labas siya.
Panay ang pagdagundong ng puso nito dahil wala pa rin siyang mahagalip na hayop, wala si Tigor, wala siyang mapagtanungan kung ano ang mga nangyayari sa paligid. Agad itong bumalik sa bahay nito at kinuha ang isang palaso. Hindi siya puwedeng magkamali ngayon lalo na't ang bilin sa kaniya ni Tigor ay hindi ito puwedeng pumatay o manakit ng tao sa kahit na anong paraan. Hindi niya kayang pumatay, ang kaya niya lang gawin ay protektahan ang sarili niya.
Ngunit agad na natigil si Meda nang makarinig ng mga yabag ng mga paa na naglalakad sa labas ng kaniyang bahay, gusto man niyang bitawan ang palaso dahil wala ng problema ay hindi niya magawa lalo na't kakaibang usapan ang naririnig nito.
"Robo?" tawag ni Meda sa kuneho dahil alam niyang iyon ang pinakamadaldal.
Napangiti ito at saka napatakbo ngunit gano'n na lang ang pagkamaang nito nang makita niya kung sino ang mga nilalang na iyon.
"A-Ano itong mga 'to?" bulong ni Meda dahil sa mga ka-uri niya.
Ang mga tao. Ang gubat na pinagtitirahan ni Meda mula nang maliit pa siya ay tinitirahan na rin ng mga tao, ang ilan doon ay ang mga batang nagtatakbuhan pa habang ang mga magulang ay may buhat na ilang bagay na kanilang ititinda.
"Oh? Gising ka na pala Meda, ipapaalala ko lang na ikaw ang mangunguna mamaya sa seremonya sa eskwelahan para sa pagtatapos ng mga bata," ngiting bungad ng babae sa kaniyang may katandaan na.
Nakatitig lang si Meda sa paligid, hinahayaan ang iba na batiin siya. Hahawiin na sana nito ang kaniyang buhok ngunit nakatali iyon, may kanipisan na rin ang malabundok nitong buhok na nakatali. Bigla na lang bumalik sa isipan nito ang sinabi sa kaniya ni Tigor noon, na gugupitin niya lang ang buhok na iyon kapag nakapanganak na sa panganay. Ngunit wala naman siyang anak. Wala siyang kasama sa bahay niya kung saan siya lumaki.
"Hindi puwede 'to." Agad na lumihis ng direksyon si Meda patungo sa hangganan ng Beishou, kung saan ipinagbabawal ni Tigor ang paglabas niya.
Takang-taka man ay pinilit niyang makababa roon, may ilang mga kabayo ang nakaparada, at para bang may kumokontrol dito. Isang babae ang huminto sa harapan niya na sobrang pamilyar sa kaniya. Tinanguan siya nito dahilan upang sumampang ito. Ang tanging alam niya ay binabagkas na nila ang kahabaan ng Ilo, ang pinakamabilis na paraan para makatawid papunta sa hilagang silangan kung nasaan ang kaharian na sumasakop sa kanila.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasía[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...