Wakas

190 9 0
                                    

"Hanggang dito na lang. Salamat sa lahat Hui," ngiting-ngiti na binasa ang liham na kaniyang ginawa at saka iyon inipit sa ilalim ng panulat nito.

Hindi niya alam kung tama ba ang liham na kaniyang ginawa lalo na't mabilis mataranta ang Hui kung patungkol sa kaniya ang usapan. Idagdag pa na halos ilang buwan na ang nagdaan mula nang pag-usapan nila ang tungkol sa pag-alis ni Meda. At paniguradong nakalimutan na iyon ng kaniyang Hui dahil sa sobrang daming gawain. Ngayon na lang din kasi nagkaroon ng oras si Meda.

Madaling araw pa lang at sinisikap niyang hindi maabutan ng liwanag sa palasyo. Dahil gabi pa lang ay nakahanda na ang kaniyang dadalhin ay wala na siyang problema ngayon. Kailangan na lang niyang makalabas sa palasyo at lagpasan nang maayos ang mga Hòng Taò.

Suot ang hanfu nito ay pinatungan na lang niya ng pantakip sa ulo upang hindi siya mabilis na makilala. Diretso lang ang tingin sa pasilyo at saka iyon binaybay patungo sa kaniyang kabayo na si Shilo pa mismo ang nagbigay. Napansin nito na naroon pa ang isang kabayo kaya hindi niya alam kung oras na ba para umalis. Ngunit paano kung may makakita sa kaniya? Paniguradong bibigyan siya ng bantay na ayaw na ayaw niya lalo na kapag gusto niyang mapag-isa. Nang maka-upo ito sa kabayo ay agad niyang pinatakbo iyon. Hindi pa sana siya palalabasin nang alisin nito ang takip sa mukha at saka sumenyas na huwag mag-iingay o magsasabi na lumabas siya.

"Salamat," usal nito saka siya niyukuan ng bantay ng tarangkahan at malayang nakalabas sa palasyo kasabay ang paglanghap ng malamig na hangin.

Ang liwanag ay tanaw na niya ngunit nasa bandang silangan pa. Kailangan niyang makababa ng tulay para kahit papaano ay hindi siya masundan kung sakaling malaman ng Hui na umalis ito. Dahil magkabilaan ang tulay mula sa palasyo ay sinikap niyang dumaan mula sa kanan. Iyon ang pinakamabilis na daan ngunit masukal na bahagi. Hawak lamang niya ang kaniyang mapa at ang palasong nasa kaniyang hita.

Halos ayaw nitong tumingin sa bandang ibaba ng tulay dahil sa sobrang lalim no'n. Pakiramdam niya ay malulula ang kabayo kaya pinanatili nila na nasa gitna silang bahagi.

"Kapag hindi sumipot ang isang 'yon, hindi ko na siya puwedeng hintayin," bulong ni Meda na panay ang tingin sa likuran ngunit walang sumusunod.

Kaya naman ay nagpasiya na itong pabilisin ang takbo at iiling-iling na tinatapik-tapik ang kabayo. Nang sa wakas ay malapit na siya sa isa pang tarangkahan sa tulay ay pinihit niya ang tali papunta sa kanan dahilan para lumiko ang kabayo papasok sa kagubatan.

Napangiti pa ito nang sa wakas ay makita niya mula sa kaniyang harapan ang isang kabayo at si Wuan na napangiti na lang din dahil sa pagtakas nila sa palasyo. Agad nilang pinihit ang kabayo pa-kaliwa dahilan para magsabay sila sa pagpapatakbo papunta sa iisang direksyon. Kung noon ay inabot sila ng isang linggo sa paglalakbay ay aabutin lang sila ng ilang oras dahil sa natuklasan ni Seju na daan noong tinuturuan niya pa si Meda.

"Akala ko hindi ka na makakasunod," bulong ni Meda nang matanaw na nila ang bukana ng gubat.

"Akala ko rin." Napangisi na lang si Wuan. Kung alam lang ni Meda na ilang beses pang kinumbinsi ni Wuan ang mga Hòng Taò na huwag sabihin kahit kanino kung lumabas ba siya o hindi.

Idagdag pa ang natutulog na Wei na pasimple niya pang nilagyan ng liham sa ilalim ng unan. Hindi naman sila magtatagal. Pero kahit papaano man lang ay alam ng taga-palasyo na wala sila roon.

Ngunit may mali. Parehas na nagkatinginan ang dalawa nang may marinig silang tawag mula sa kanilang likuran.

"Ina?! Ama?!"

Nanlaki na lang ang mata ni Meda habang si Wuan ay naiiling na ngumisi.

"Ginawa ko naman ang lahat para hindi siya magising," depensa agad ni Wuan bago makalapit sa kanila ang dalagang Wei.

Bond of Survival | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon