Walang shè.
Ilang beses na niyang binalikan ang temlpong iyon ay halos wala namang pinagbago. Wala pa ring puting ahas na nagbigay sa kaniya ng gano'ng marka at ang usapan nila ay para bang kinalimutan na.
Napabuntonghininga na lang si Remus habang pinagmamasdan si Meda sa kalayuan. Nakangiti ang dalagang nilalaro ang kapatid ni Seju. Bahagyang naningkit ang mata ni Remus dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ng shè kung ano ang papel ni Meda at kung bakit nga ba siya naroon.
"Andromeda," bulong ni Remus at bahagyang ipinikit ang kaniyang mata.
Pilit na inaalala nito kung narinig na ba niya ang gano'ng pangalan noon. Ngunit ang ahas lang ang nagbigkas ng gano'ng pangalan kaya imposible rin ang kaniyang iniisip. Sa muling pagdilat nito ay nakita na niya ang kapatid niyang si Wuan. Ang kapatid niya na naging dahilan kung bakit mas lalong gumulo ang pag-iisip nito. Hindi pa rin niya makalimutan ang usapan nila ni Wuan tungkol sa markang nasa katawan nila. Hindi man sinabi mismo ni Wuan kung saang bahagi at anong klaseng marka ang mayroon siya ay malinaw na parehas silang dalawang mayroong gano'n.
Isang sumpa.
Ayan lang lamang ang inisip ni Remus nang sandaling sabihin iyon ni Wuan. Ngunit paano? Paanong magiging sumpa ang ibinigay ng shè na kung tutuusin ay simpleng kasunduan lang naman iyon para masiguro na magagawa ni Remus ang utos ng ahas. Puwede niyang ikalason ang hindi pagsunod sa utos dahil na rin sa kaniyang kahilingan kaya paanong isusumpa siya nito?
Kung gano'n. Nautakan na siya ng puting ahas.
Hindi na niya nalamayan na lumalakad na siya papalapit sa puwesto nila Meda na kung saan ay maingat na inalis ni Wuan ang dumi sa mukha ng dalaga habang buhat ni Meda ang batang babae na kinukurot ang pisngi ni Wuan. Para silang isang masayang pamilya na pare-parehas na hindi nila naranasan.
"Si Seju?" tanong agad ni Remus nang makalapit at hindi man lang binigyan ng atensyon si Meda.
Natigil si Wuan at bahagyang kumunot. Pinalibot pa nito ang tingin sa paligid at saka umiling. "Wala pa ba? Ilang gabi ko na siyang hindi nakikita rito. Basta na lang niya iniwan sa akin ang bata," sagot ni Wuan at saka tumango.
Si Meda naman ay titig na titig kay Remus lalo na sa dibdib nito. "Maayos na ba ang lagay mo? Naiinom mo ba ang binigay ko?" tanong ni Meda ngunit walang sagot na nakuha sa binata.
"Kapag nakita mo pakisabihan ako." Agad na tumalikod si Remus sa kanila.
Nang maiwan silang dalawa ay hindi maiwasan ni Wuan kung matatawa ba siya o maaawa sa ginawa ng kapatid niya kay Meda. Kapansin-pansin din kasi ang ilang linggo nilang hindi pag-uusap mula nang mangyari iyon kay Remus.
"Kung nandito lang si Seju, tatawanan ka ng batang 'yon," bulong ni Wuan at saka nailing na kinuha ang batang humikab na.
"Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Normal ba 'yon?"
"Siya si Remus. Kaya normal 'yon," sagot ni Wuan.
Natulala na lamang si Meda nang maiwan siya. Pakiramdam niya ay may kung anong kasalanan siyang nagawa dahil hindi ka siya kinikibo ng binata. May katagalan na rin mula nang magsimula silang magsanay noon hanggang sa natuto siya... at malaking bagay na iyon kay Meda para makipagsabayan sa mga magkakapatid na Qin.
Habang binabagtas ni Remus ang daan ay literal na inaalala nito ang itim na marka. Hindi ang nakapuwesto sa kaniyang dibdib, kundi ang marka na bumalot mula sa paanan nito. Mula nang malason siya at inakalang nakaligtas sa lason na iyon ay kumalat naman ang itim na marka na gaya sa nangyari sa kaniyang ama noon na ikinamatay nito. Wala siyang ibang pinagsabihan maliban kay Seju na wala naman ngayon sa palasyo. Kaya muli siyang lalapit sa manggagamot para agapan iyon.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasía[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...