"Ang... ganda," bulong ni Meda at literal na napa-upo siya ng tuwid pagkapasok nila ng palasyo.
Ang malawak na entrada pa lang at para bang nakakulong siya sa mahahabang pasilyo kung saan nakahilera ang mga Hòng Taò, at malayang naglalakad ang mga taga-silbi. Ang lahat ay normal na kumikilos, may ilang napapatingin kay Meda at saka bahagyang yuyuko na ipinagtataka ni Meda, ngunit kahit na gano'n pa man ay unti-unti pa rin itong napapabilib dahil noon lang ay tinatanaw niya lang ang palasyong ito mula sa tuktok ng puno, pero ngayon ay tuluyan na siyang nakapasok.
"Ito ang palasyo ng Qin. Malapit nang magdilim kaya mabuting narito na tayo," mahinang saad ni Remus at naunang bumaba mula sa kabayo.
Napangiti naman si Meda na inalalayan ng binata at saka tuwang-tuwa na bumaba roon. May lumapit na Hòng Taò sa kanila na agad na kinuha ang kabayo na agad ding tinapikan ni Remus ang kabayo. Agad na kumaway si Meda sa kabayo at saka napanguso.
Nakakapanibago, sa loob man lang ng isang linggong iyon ay hindi man lang naka-usap ni Meda ang kabayo, tanging titig lang ang nagagawa at kung lilikha man ng ingay ay iyon ang pangkaraniwang tunog.
"Dito na ba ako titira?" tanong ni Meda nang makalingon siya kay Remus na nakatitig sa kaniya.
Tinalikuran siya ng binata na agad namang sinundan ni Meda.
"Hindi ko alam."
Hindi naman talaga niya alam dahil wala namang sinabi ang shè, malamang at hindi niya pa nakikita iyon at ang sinabi lang ay ang dalhin siya roon.
"Saan tayo pupunta?" tanong ulit ni Meda na hindi na sinagot ng binata.
Pagkapasok nila sa pasilyo ay literal na namangha si Meda. At dahil binalot na sila ng dilim ay pumalibot sa pasilyong iyon ang mga gaserang nakalagay sa bawat haligi, may mga ilang dumaraan na bahagya silang niyuyukuan ngunit hindi sila magawang tingnan sa mata, maliban kay Meda. Bahagya pang tumabi si Meda kay Remus sa paglalakad at gayahin ang paraan nang paglakad ng mga taga-silbi.
Tuwid ang likuran, nakapasok ang tiyan at nakasilay ang dibdib. Pantay ang balikat at hangga't maaari ay gano'n din ang ulo. Para bang sa ilang segundo na iyon ay nakuha agad ni Meda ang tamang paglakad sa mga may matataas na opsiyal. Idagdag pa ka katabi ito mismo ng emperador na nailing na lang sa ginagawa ng dalaga.
Sa muling pagliko nila ay naroon na nga ang isa pang templo, kung saan ang mga kwarto ng mga magkakapatid, ngunit imbes na doon pumunta ay sa katapat mismo nito. Naroon agad ang mga taga-silbi na dapat sana'y aalis nang senyasan sila ni Remus na manatili.
Si Remus na agad ang nagbukas ng kwartong iyon at tumambad ang hindi kaluwagan na kwarto, mas maliit ito sa kwarto nina Remus pero para kay Meda ay iyon na ang napakagandang kwarto sa lahat. Mga bulaklakin na pader at ang naninilaw na ilaw. May mga sapat na libro at kagamitan na para sa dalaga.
"Tabi ba tayo matutulog?" bulong ni Meda dahilan para matigilan si Remus sa dapat na sasabihin nito.
"Ikaw lang ang mag-isa rito. Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa kanila. Huwag kang lalabas hangga't wala akong sinasabi. Hintayin mo ako bukas rito ng umaga."
Tumango lang si Meda bago siya talikuran ni Remus. "Salamat pala," ngiting tugon ni Meda at saka nagsara ang pinto.
Nawala ang ngiti ni Meda. Biglang may kung anong nakita itong puting ahas sa gilid ng kaniyang paningin, napansin nito ang shè, ngunit imbes na matakot at hindi niya iyon pinansin at agad na inilibot ang paningin sa paligid. Kumpleto ang mga gamit at may mga damit na rin doon. Kaya nagpasiya itong maglinis ng katawan at nang matapos ay nagpahinga agad.
Kinabukasan. Naalimpungatan ito dahil sa mga taga-silbi na naglagay ng pagkain bilang almusal nito. Nanlaki pa ang kaniyang mata dahil sa dami ng pagkain at mukhang kakaiba iyon. Nabuhay lang kasi itong panay prutas, isda at dahon lang ang nakakain.
"Ah, magandang umaga," bati ni Meda na nginitian ng mga taga-silbi.
"Magandang umaga rin kataasan," bati ng babaeng mas bata sa kaniya.
"Kataasan?" bulong ni Meda na narinig ng babae na ngumiti sa kaniya.
"Opo, iyon po ang tawag sa asawa ng magiging hari," magalang na saad ng babae at saka yumuko at umalis sa kwartong iyon.
Naiwan si Meda'ng nakakunot. Pamilyar sa kaniya ang linyang iyon. Ang asawa. Wala naman siyang ibang kasama na nakita ng mga babaeng iyon kundi si Remus lang.
"Andromeda, ang aking reyna."
Napapikit na lang si Meda nang marinig niya iyon at muling alalahanin kung saan niya iyon narinig.
"Nakalimutan mo na ba ang pangalan ng iyong asawa? Hindi mo dapat puwedeng kalimutan ang lalaking minahal mo Andromeda, ang lalaking pinag-alayan mo ng lahat ng ito..."
Halos maikurot na lang ni Meda ang daliri nito kahit na anong pilit niyang alalahanin kung saan niya narinig iyon ay wala na siyang maalala. Tuluyan na niyang nakalimutan ang mga panaginip niya noong nasa Beishou pa ito. Nakalimutan na ata niya na mula nang mapanaginipan niya iyon ay unti-unting nawala ang mga hayop sa gubat.
Walang ka-alam-alam si Meda na may ahas na sa kaniyang tabi na kumokontrol sa kaniya. Ang isip nito ay limitado na lamang ang maaalala at malaki ang posibilidad na maalis ang mga alaala nito sa ginagawa ng puting ahas sa kaniya.
"Ssssss, sulitin mo na," bulong ng ahas sa dalagang nakapikit pa rin at kusang nakikita ang mga nangyari sa Beishou.
Ang mukha ng mga hayop, ang mga sinasabi ng kaniyang ama, ang mga kuwento ni Tigor at paalala sa kaniya. Ang mga kuwento ng kuneho at muli niyang narinig, ang pag-aalaga ni Tigor ay muli niyang nakita, ang yakap ng kaniyang ama ay muli niyang naramdaman. Ang kuweba kung saan siya nakatira noon ay malinaw niyang nakita. Ang huling tawanan nila ni Tigor ay muling umalingawngaw sa kaniya. Halos lahat ng karanasan niya sa Beishou ay ipinakita sa mismong isip nito. Ngunit iyon na iyon. Nagawa na ni Meda ang papel niya sa gubat kaya naman tuluyan na iyon tinapos ng shè.
Tuluyan nang tinuklaw ng puting ahas ang sentido ni Meda dahilan para unti-unting maglaho sa isipan nito ang lahat ng nakikita niya. Ang lahat ng boses ay unti-unting nawala. Ang lahat ng ala-ala nito ay tuluyan nang inagaw ng ahas at ang tanging iniwan na lang kay Meda ay ang oras nang dumating sila ni Remus dito.
Sa isang iglap lang ay habol-habol nito ang hiningang nagmulat ng mata, ang katawan nitong nanlalamig na malaya na niyang na-igalaw.
"A-Anong nangyari?" bulong nito at napahawak sa sentido.
Nakapa nito ang dalawang tuldok na bahagyang makirot, ngunit hindi niya iyon pinansin. Napahinga ito ng malalim at nanginginig ang kamay na hinawakan ang mga kubyertos.
"Andro—" literal na napahinto si Remus sa pagpasok nang makita ito ang babaeng hindi pa nakakakain.
Halos maitabingi ni Remus ang kaniyang ulo dahil sa kakaibang anyo ni Meda. Nakatali ang mahabang buhok nito ngunit hindi nakapusod. Nakasuot ng kulay gintong hanfu, ang maamo nitong mukha ngayon na halos naging seryoso na at ang tindig nitong may mataas na katungkulan.
Kahapon lang naman niya naipasok si Meda ngunit gano'n agad ang naging itsura ng dalagang iyon.
"Remus," usal ni Meda at seryosong tingin ang ibinigay sa binata.
"Kapag natapos ka riyan, lumabas ka na. May ipapagawa ako sa 'yo," bulong ni Remus na nagtataka pa rin sa akto ng dalaga.
Mariing tumango si Meda at saka nagbalik sa kinakain. "Para sa pagsasanay?"
"Oo. Sasanayin ka. Kaya bilisan mo riyan," tugon ni Remus at mabilis na tinalikuran ang nakakasunog na titig ng dalaga sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantastik[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...