Halos walang buhay ang lahat sa palasyo. Ang mga anak ng hari na unti-unting nagkakagulo at may kampihan na nangyayari. Si Seju na napapadalas ang pagkulong sa kaniyang silid dahil kahit ilang linggo na ang lumipas ay hindi niya pa rin malimutan ang araw na iyon. Hindi niya alam kung anong isasagot sa kapatid niyang babae na madalas hanapin ang kaniyang ina.
Sa kaniya na iniwan ang kapatid at wala siyang magagawa kundi alagaan iyon. Agad niyang binuhat ang batang babaeng nakangiti at madalas na pisilin ang pisngi ng binata. Seryoso lang si Seju habang kinukuha ang ibang laruan ng kapatid.
"Kay Shilo ka na muna, ah?" pilit na ngiting tanong ni Seju sa batang tiningnan lang siya. "May gagawin lang ang Seju. Mamaya na lang tayo maglaro," bulong nito.
Mahigpit na humawak ang batang singkit sa kaniyang makapal na hanfu na para bang ayaw pumayag. Umarko na ang bibig nito tipong iiyak na ngunit mabilis na inalo ni Seju ang bata at pinahawak agad ang laruan. Mas maiigi na siguro na ang mga kapatid na muna niya ang magbantay sa kapatid nitong babae dahil sa mga negatibong naiisip niya. Ayaw niyang lagi ang bata at madamay lalo na't madalas na nakatingin sa kaniya ang bata.
"Huwag ka nang bumalik sa lugar na 'yon," usal ni Shilo nang mabuhat niya ang bata.
Tiningnan lang siya ni Seju at maingat na ngumiti. "Aasikasuhin ko lang ang sarili ko," sagot nito at ginulo ang buhok ng bata. "Ikaw na muna sa kaniya. Hindi naman siya iiyak basta't may laruan."
"Seju."
"Magpapahinga lang ako Shilo," seryosong sagot ni Seju na titig na titig sa kasuotan ng kapatid at saka nangunot.
Ngumiti rin ang binata saka sila tinalikuran. Wala naman na siyang balak na bumalik sa mismong bahay na iyon. Sapat na ang kaniyang nakita. Ang kulay lilang nabalutan ng bahid ng dugo ay sapat na para mabilis na mahanap kung kaninong galing iyon. Hindi naman siguro siya mahirapan dahil ang lahat ng kasuotan ng mga tao sa lupain ng Qin ay may palatandaang kulay base sa katayuan mo sa buhay. Kulay kayumanggi ang kasuotan ng mga taga-labas ng palasyo, kaya imposibleng sa ina niya iyon.
Ngunit gano'n na lang ang pagbalik sa wisyo nito nang bahagya niyang marinig ang impiy ng sigaw ni Remus. Doon na lang niya namalayan na nasa tapat ito ng silid ng kaniyang kapatid. At dahil sa nataranta ay agad siyang pumasok sa loob at nadatnan si Remus na halos maligo na sa sariling dugo ang dibdib nito.
Dahil sa takot na nanumbalik kay Seju dahil gano'n na gano'n din ang posiyon at kalagayan ng kaniyang ina, ay tarantang lumapit ito kay Remus na halos namumutla na.
"R-Remus! Anong nangyayari?" tanong nito na kumuha agad na malinis na tubig at tela.
Mariing napailing si Remus at hindi maidilat ang mata dahil sa kirot na nararamdaman niya.
"S-Seju... alis," nanghihinang saad nito habang hawak ang dibdib.
Nagmatigas si Seju na mas piniling manatili sa tabi ni Remus at inalis ang damit nito. Dahil sa panghihina ni Remus ay hindi na niya napigilan si Seju na maingat na binuksan ang hanfu nito.
"Ang marka mo," usal ni Seju.
Titig na titig lang ito sa marka ni Remus na hugis ahas na halos lumobo na. Tuloy-tuloy lang ang paglabas ng mga dugo na puwedeng pumatay kay Remus dahil sa pamumutla niya. Maingat na tiningnan ni Remus ang pamamaga no'n at muli ulit na napasinghap. Halos hindi makapaniwala si Seju sa nakikita niya dahil alam niyang wala namang gano'n si Remus noon pa man.
"T-Teka! Huwag kang gagalaw. Tatawag ako ng manggagamot, basta huwag kang gagalaw," usal ni Seju at nanginginig na binitawan ang telang itim.
Tumakbo agad si Seju at malamang ay pupunta pa ito sa kabilang templo. Halos habol-habol ang paghinga ni Remus lalo na't wala namang alam ang mga manggagamot kung tungkol saan ang markang iyon. Tanging isa lang ang nakakaalam kung sino ang mga gawa no'n.
BINABASA MO ANG
Bond of Survival | Completed
Fantasía[ZHŌNGGOU LEGENDS #4] In their kingdom, being alive is illegal and obeying the rule is crime. *** The prophecy says that China will be ruled by thirteen dynasties that can rather destroy it or build. During the 221 BC, when six major lands were rule...