Nagising ako wala na ako sa bahay ni tita kundi nasa hospital.". Gising kana pala , masyado ka atang nastress ngayon Ms. Martinez?.ani ng doctor.
". Anong nangyari doc?.
". Kung hindi naagapan baka makunan ka , sinabihan na kita kanina avoid stress , masyadong nastress ang utak mo ano ba ang iniisip mo?.
". Naguguluhan ako doc , sa ngayon diko alam kung ano pa ang malalaman ko."sambit ko.
". Para nalang sa bata Ms. Martinez alagaan mo.ang sarili mo."ani nito na siyang kinatingin ko.
Tumango na lamang ako.
". Maiwan na kita papasukin ko ang kaibigan mo ".tumango naman ako.
Nang makalabas ito ,pumasok naman si dave. Diko alam kung bakit ito nandon sa bahay ni tita , nasundan niya ba ako?.
". Are you okay?.tanong agad nito ng makalapit.
". May nalaman ka diba?.napatingin naman ako sa kaniya.
". Paano mo nalaman na nandon ako kay tita?.
". Sasabihin mo ba kung tatanungin kita kung saan ka pupunta?.natigilan naman ako.alam ko sa sarili ko na gusto ko ako lang magisa ang pupunta.
". Bakit ko nalaman? Dayoff mo ngayon kaya alam kong pupunta ka sa tita mo napagusapan na natin yun diba , pero pinili mo na magisa kang pumunta..
". I'm sorry dave."
". Alagaan mo naman ang sarili mo mhel , kahit itago mo pa yan please para sa bata ".mas lalo akong natigilan at nanlalaki ang matang tiningnan ito.
". What do you mean?.bigla akong nakaramdam ng kaba at takot na baka alam na nito na buntis ako.
". Di ako tanga mhel , diko alam kung bakit naglilihim ka sakin. Nong araw na nawalan ka ng malay akala ko pagod lang yung pagkain mo ng prutas akala ko trip mo lang yung pagkahimatay mo kanina akala ko nabigla kalang yung pagsusuka mo akala ko may nakain kalang na iba akala ko may sakit ka kasi namumutla ka akala ko lang pala. Kaya nagtanong ako sa kaibigan kong doctor kung ano ang sintomas ng buntis at lahat ng yun nalaman ko at nakita sayo. Mhel buntis ka diba?.bigla nalang naglandas ang luha ko nang sabihin nito.
". Pa–". Hindi ako makapagsalita dahil tama naman siya.
". Buntis ka sino ang ama mhel?. Kinabahan ako dahil sa seryusong tanong nito.
". Dave—
". Sino mhel , dapat nandito siya inaalagaan ka."nakita ko naman ang butil ng luha sa mata nito.
". Si Se–".
". Si sean? Damn him ".sigaw nito na siyang kinatungo ko.
". Bakit mhel , bakit huh bakit ang hirap mong mahalin. Bakit sa taong hindi ka naman mahal mhel bakit? Bakit di nalang ako ang minahal mo huh mhel bakit?. Bakit siya pa bakit si sean pa ".narinig ko naman ang hikbi nito na siyang kinaluha ko.
". I'm sorry dave ".ani ko.
Tumawa naman ito na siyang kinatinggala ko.
". Ang gago naman oh , bakit sa dami daming lalaki si sean pa ang magiging ama ng babaeng mahal ko. Malas ".sambit nito habang nasa malayo ang tingin.
". Mhel , bakit hindi ako? Bakit di nalang ako , Ako ang nandito sa tabi mo mahal naman kita mhel , mahal na mahal pero bakit ganon ang hirap mong abutin ".
". I'm sorry dave kaibigan kita."
". Oo nga pala magkaibigan tayo , hayst bakit kasi di nalang ako si sean ".ani nito.
BINABASA MO ANG
PREGNANT by the FAMOUS ACTOR [COMPLETE✓]
RomanceMagkaibigan sila Mhelanie Jane Martinez at Sean Andre Dela Veja simula bata hanggang sa magkaisip sila. Hindi naman inaasahan ni mhelanie na magkakagusto siya sa kaibigan niya. Dahil masyadong mabait at sweet si sean kaya hindi malabong hindi niya i...