Lumipas ang isang linggo , nandito na ulit kami sa isla matapos ang kasal ng anak ni mrs. santiago kinabukasan umuwe nadin kami dahil di kami pwede magtagal doon dahil two days lang ang stay namin sa hotel at may work din ako dito sa isla.wala namang dahilan para magstay pa ako sa manila.
hindi namin nakasama si dave dahil busy ito nagpakita lang ito ng pauwe na kami dito sa isla saka ito nagpaiwan. pupunta nalang daw siya dito kapag okay na ang inaasikaso niya.
Hindi ko nadin nakita si sean mula noong huling usapan namin hanggang sa makaalis kami. Di na siya nagpakita.
Mas mabuti na ganon.
". Nicha ikaw na muna bahala sa kambal ko , Kailangan kunang pumasok e.".
". Magiingat ka ako na bahala sa anak mo."tumango naman ako saka hinalikan sa pisngi ang dalawa.
Nang makalabas ako agad akong pumara ng taxi.
Hanggang sa makarating ako sa flower shop.
". Goodmorning ma'am mhel."bati saakin ng mga katrabaho ko tumango lamang ako.
Tiningnan ko naman ang notes ko. May bagong dating na mga order.
Napabuntong hininga naman ako saka nagsimulang magtrabaho.
Sean POV :
". Cut , Mr. Dela Veja , nakailang ulit kana sa script dimo parin maacting ng ayos nakakailang take na tayo. Hindi ka naman ganyan , ano bang nangyayare sayo?sigaw ng director namin.
". Sean , ano ba problema?tanong saakin ni venice.
". I'm not feeling well ".sambit ko.
". Bull*hit kanina pa tayo nagsisimula ngayon mo lang sinabi. Kanina kapa nagpapractice ng dialogue mo parang wala ka sa sarili mo. Gusto mo ba ang trabaho mo huh?napatingin naman ako ditO.
". Yes direct ".sambit ko." Then do the role , wagmong idahilan saakin yang sinasabi mo."tumango naman ako.
Nakakailang minuto lang sablay na naman dahil wala talaga ako sa sarili ngayon para magshooting.
". Cut....!! Ano ba sean , kanina pa tayo paulitulit. "sigaw muli ng director ko.
". I'm sorry but ,I'm not feeling well direct I need break time direct."sambit ko.
". Then five minutes breaktime , siguraduhin mo lang na maayos na ang acting mo".tumango ako dito saka umalis at nagtungo sa dressing room.
Napaupo naman ako sa sofa saka pinikit ang aking mata.
". Wala kang gagawin dahil kahit kailan hindi kita mapapatawad..
". Hindi kita mapapatawad.
". Hindi kita mapapatawad..
Nagpaulit ulit sa aking isip ang huling sinabi saakin ni mhel.
". Tired? Ano ba iniisip mo? Siya ba?".napadilat naman ako ng mata saka tumingin kay venice napalingon naman ako sa tinuro nito.
Cellphone ko na si mhel ang wallpaper.
It's been three years nang ilagay ko ang mukha niya jan simula ng mawala siya.
". Kaya ba wala ka sa sarili mo huh?.
". Ano ba ang dapat kung gawin para mapatawad niya ako huh?.
". Ano ba sa tingin mo? Nakapili kana ba? Bago mo itanong iyan siguraduhin mo munang nakapili kana at masaya ka sa pinili mo.
". Paano kung gusto ko pang ipagpatuloy ang career ko.
". Yan ba talaga ang gusto mo? Pero bakit di yun ang pinapakita mo? Nakakailang ulit kana sa script mo nagkakamali ka parin at ang layo ng iniisip mo. Hindi ka ganan dati sean.
". I don't know venice hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sinasabi ng isip ko sundan siya pero sinasabi ng puso ko hayaan na siya.
". Pwes mamili kana. At sa pipiliin mo sana maging masaya ka."sambit nito.
". Oh , inumin mo yan para okay kana mamaya."inabot ko naman ang tubig na hawak nito." Salamat". Tumango ito saka iniwan ako.
Mhelanie POV :
Hay nakakapagod , breaktime namin ngayon. Balak ko sanang umuwe sa bahay pero kakaunting oras laNg ang breaktime namin.
Natigilan naman ako sa pagkain ng tumunog ang cellphone ko.
From : Unknown number
". Can we meet tomorrow , I'm Venice Montenegro. Don't worry I know where you are. I'm just need to talk to you. Venice Montenegro , siya yung kaloveteam ni sean sa mga movie. Bakit naman gusto niya akong makausap.
Wala namang masama mhel kung makipagkita ka. May sasabihin daw siya. Ano naman kaya iyon.
Nagreply naman ako na sige na magkita nalang kami sa may coffee shop sa manila kesa naman na siya pa ang dumayo dito.
Natapos nadin ang breaktime ko kaya back to work na naman kami.
Lumipas ang mahabang oras pasado seven pm na at ako na ang naiwan para magsara ng shop.
Matapos kong masara ang pinto nagantay na lamang ako ng taxi dahil wala si dave para sunduin ako.
Ilang minuto lang may bumusina saakin.
Hindi ko makita kung sino ang nasa loob dahil nakatapat saakin ang ilaw nito kaya nasisilaw ako.
Hanggang sa huminto ito sa harapan ko.
Nagantay ako na may lalabas hanggang sa lumabas ito.
Halos manlaki naman ang mata ko ng makita kung sino iyon.
". Ihahatid na kita."sambit nito ng huminto sa harap ko.
". No need , magaantay nalang ako ng taxi."
". Wala ng dadating na taxi dahil gabi na.".
". Anong wala , pasado seven quarter palang ten pm pa nawawalan ng taxi dito.
". Then bakit walang taxi?.Nilingon ko naman ang kalsada wala pa ngang taxi. Dapat meron na kasi maagap pa naman.
". Ikaw ang may pakana?.sambit ko dito.
". So ihahatid naba kita , kasi wala talagang dadaan na taxi dahil binayaran ko ang serbisyo nila.
". Maglalakad nalang ako kesa sumabay sayo."sambit ko saka nagsimulang maglakad.
". Ayaw mo talaga , sige ka madaming masamang tao jan sa daan lalo na at gabi."pananakot nito.
". Kung may masamang tao man akong nakita isa kana doon dahil mas masama ka."sambit ko na siyang kinatigil nito.
Nakita ko naman na gumalaw ang panga nito at nagkuyom ang kamao.
Tinalikuran ko na lamang ito. Hindi pa ako nakakahakbang ng may humila saakin.
At walang sabi sabing sinakop ang aking labi.
Nang makita kong si sean iyon pilit kong tinutulak ito palayo saakin pero masyadong malakas si sean kumpara saakin.
Nang bitawan nito ang labi ko. Sinampal ko ito.
". Wala kang karapatan na halikan ako. "sambit ko habang habol habol ang aking hininga.
". Alam mo sean , sana di ka nalang kasi dumating e sana di nalang kita nakilala at sana di nalang kita minahal. Alam mo wagkana magpakita saakin dahil sa tuwing nakikita kita gustong gusto kitang patayin alam mo ba yun. Dahil sa pagtaboy mo saamin sinabi ko sa sarili ko wala kanang karapatan saakin , sa anak ko. Dahil simula noon tinanggal mo na ang karapatan mo sa anak mo kaya wagna wagmong gawin ang mga bagay na ginagawa mo ngayon. Naghahabol ka sa taong ikaw naman mismo ang nagtulak palayo."sambit ko habang walang labis na pagpatak ng aking luha.
". Ikaw ang lalaking akala ko mabait , na akala ko di kagaya ng iba na akala ko handang maging responsable. Pero nagkamali ako sean nagkamali ako sayo. Sana di nalang tayo naging magkaibigan para di na nangyare ang lahat. Pero kung ako ang tatanongin hindi ko pagsisisihan na nagkaanak ako ang pinagsisisihan ko kung bakit ikaw ang ama ng anak ko."sigaw ko walang naging imik ito nakita kong maglandas ang luha nito.
Masakit para saakin ang lahat pero diniyo ako masisisi kung bakit ganito ang nangyare tao lang ako nasasaktan din ako.
BINABASA MO ANG
PREGNANT by the FAMOUS ACTOR [COMPLETE✓]
RomanceMagkaibigan sila Mhelanie Jane Martinez at Sean Andre Dela Veja simula bata hanggang sa magkaisip sila. Hindi naman inaasahan ni mhelanie na magkakagusto siya sa kaibigan niya. Dahil masyadong mabait at sweet si sean kaya hindi malabong hindi niya i...