TSG#2

50.3K 1K 26
                                    

Chapter Two

"MALI kayo ng binangga boys..." I grinned at them looking their epic faces.

Mabilis akong sumugod sa isang lalake at agad na sinipa sya sa tiyan dahilan para marahan itong napaatras. At sinuntok ito sa mukha at agad itong natumba at mawalan ng ulirat.

"Tssk, weak," bulong ko.

Susugurin sana ako ng isang kasamahan nila pero naunahang dinambahan ko ito ng malakas na sipa sa mukha at suntok sa mukha nito upang ito ay matumba at mawalan ng malay. Two down three to go. Lumingon ako sa tatlo na ngayon ay galit na galit na ang mga mukha nila.

"Isa pa," nakangising sambit ko sa kanila dahilan para maasar sila sa inasta ko. Gamit ang hintuturo kong pinalapit ang lalake habang ako ay nakangisi. This is easy as cake. 

Unang sumugod sa akin ay ang dalawang pangit at naiwan ang kanilang leader. Sinugod ako ng isa pero mabilis akong yumuko at pinatid ang kanyang tuhod dahilan ng kanyang pagkatumba. Sabay 'nun ang pagsuntok sa akin ng isang lalake habang nakatalikod pa ako sa kanya. Kaliwa't kanan pero naiwasan ko iyon. 

Akala siguro nila ay madali lang akong mapapatumba. 

At sinipa ito sa mukha at mas pumapangit pa siya sa ginawa ko. Napangisi ako ng makitang ang leader nila ang natitira.

"Mga mahihina!! Isa lang yang babae pero natalo pa kayo!! Mga pvta!" sigaw nito sa mga kasamahan nya na ngayon ay nasa sahig na at hawak hawak ang kanilang mga panget na mukha na dumadaing. Tinapunan ako nito ng masamang tingin. 

Napangisi tuloy ako sa ginawa ko. Ang galing ko talaga. Susugurin sana ako ng leader ng biglang,

"Pprrrrrtttt!"

Mabilis akong napalingon sa pamilyar na ingay na iyon at napamura sa isip at napagtantong isa itong police. Paktay! 

Paanong---

Malamang nasundan kami ng police na'to. Napatingin ako sa gawi ng mga lalake na ngayon ay natingin sa police at gulat na gulat.

"Walang gagalaw sa inyo!" sabay labas ng kanyang baril at itinutok ito sa amin. Napakamot tuloy ako sa batok ko. 

Sinunod ko ang utos nito. Tahimik ko lang na inangat ang aking dalawang kamay sa ereng nakatitig lamang dito. 

Tss..istorbo naman nito..

Palihim kong inilibot ulit ang paningin ko sa boung paligid kung may matatakasan ba ako dito pero wala.

Ni kahit aso hindi alam kung saan makakahanap ng daan dito. Napalingin ako sa likod ko at iisa lang pwede kong gawin ang umakyat sa harang na bakal na'yan.

Humarap ulit ako sa kanila at nakapamulsa sa blue jacket ko.

No choice...

Iisa lang ang nasa isip ko ngayon ang makatakas sa mga taong ito para makauwi na ako sa bahay at baka mabisto pa akong wala sa kwarto ko.

Inayos ko ang tayo ko upang makabwelo sa gagawin ko. Nakita kong kumunot ang mga noo nila sa gagawin ko. Pero hindi ko pinansin yun atsaka yumuko at tumalon sa garbage bin sa gilid nitong makipot na iskinita at tumungtong dito at hinawakan ang harang na bakal upang doon mapunta ang lahat ng bigat ko at tumalon at naglanding ako ng walang kahirap-hirap sa sahig.

Pagkababa ko ay magaan pa sa balahibo ng ibon ang paglapag ko at napahawak sa sahig at tumayo ng walang kahirap-hirap at hinipan ko pa ang bangs ko na tumatabing sa mukha at lumingon ulit sa gawi ng mga lalake at sa police na ngayon ay gulat na gulat ang mga mukha silang tinignan ako at nakanganga pa.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon