TSG#50

13K 274 19
                                    

Chapter 50

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 50

NANG makalabas na ako sa cctv room at iniwan ang dalawa sa loob dahil na-o-op na ako sa kanila. Dahil sila na ang nag-uusap tungkol sa Helium ba yun? Ay! Ewan.

Tinahak ko ang daan papunta sa canteen ng school. Sana bukas pa ito ng dahil sa nangyare. Atsaka, gutom na talaga ako. Wala siguro silang balak na kumain kaya iniwan ko na lang ang mga damuhong yon.

Marami pa namang estudyante dito sa parang wala ngang nangyare kanina. Nakikipag-chikahan pa sila pero yung labang kanina na Business Ad. vs Engineering Dept. ay pinahinto nila.

Papaliko na sana ako ng magkabanggaan kami ng isang babae dahilan para magkanda hulog ang mga gamit nito.

"Shit!" Bulong ko sa sarili.

"Sorry..." Aniya dahilan para manayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa malamig na boses nito.

Tinitigan ko lang siyang nagpupulot ng mga gamit niya. Masama na kung masama pero para kasing pamilyar ang boses nito. Parang narinig ko na kung saan, hindi ko lang matandaan.

Nang matapos ito sa pagpupulot ng gamit ay tumayo siya dahilan para magkapantay kami at nagkatitigan pa kaming dalawa.

Napakunot ng noo ko sa pagtitig nito. Baliw ba ang babaeng ito o baliw lang talaga.

"Alam mo bang bastos ang tumitig?" Iritado kong sabi rito na ikinainis ko sa kanya. Alam ba niyang maliit lang ang pasensya ko sa mga taong baliw? At wala akong balak na maging kasapi sa club nila.

Ngumisi ito na ikinakunot lalo ng noo ko.

"See you when I see you," aniya at nilagpasan ako.

"Baliw nga yun," bulong na pagkukumbinsi sa sarili ko.

Nilingon ko pa ito at malayo na siya sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa likod niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Nagkibit-balikat lang ako at magsisimula ng maglakad ng may maapakan ako sa kanang paa ko dahilan para mapatungo ako. Dahan-dahan kong inangat ang sapatos kong Nike at doon nakita ko ang isang maliit na bagay.

I forrowed. Pinulot ko ito at mapagtantong isa itong usb. Nilingon ko ulit ang tinahak ng babae. Sa kanya kaya ito? Susundan ko na sana ang babae ng mapagtanto ko ulit na para saan ko pa na sundan siya at ibigay ito. Isa lang naman itong walang kwentang usb. Pa-chix din ang babaeng iyon para sundan ko.

Ibinulsa ko na lang ang usb at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Buti nalang at hindi nakasara ang cafeteria nagutom talaga ako dahil sa mga pangyayare ngayong araw. Hindi ko rin expected na masama ako sa laro. Nasa hamba na ako ng pinto ng cafeteria ng school ng may marinig akong bulungan.

"Sayang kong hindi matutuloy ang after event,"

"Pinaghandaan pa naman natin yun,"

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon