Chapter 42
IBINABA KO ang binocular na gamit ko pagkatapos kong tignan mula rito ang taong halos isang araw na naming sinubaybayan. Pero ang nahalata ko lang sa taong ito ay makati siya!
Paano ba naman apat na lalake sa isang araw? May ganon pa lang babae. Sa pagkakaalam ko mga lalake lang ang ganun pero hindi rin magpapahuli ang babaeng ito. Hanep rin 'e. Leche!
Kanina pa ako nagmamatyag sa babaeng yan, makipag-landian lang ata ang alam nito.
Napailing nalang ako at sumandal ng maayos ulit sa shotgun seat at napabuga ng marahas na hangin.
Napabaling naman ako sa katabi ko mahina itong tumatawa. Sinamaan ko naman ito ng tingin at inabutan naman ako ng Sandwich.
"Oh!" Saad niya habang may ngiti ito sa mga labi.
"Kung punitin ko kaya yang labi mo?" Saad ko sa kanyasa walang emosyon pero may bahid sa mukha ko ang magkaasar.
"Natatawa lang kasi ako..."
"Bakit naman?" Iritado kong tanong sa kanya at nagsimulang kagatin ang sandwich na bigay nito.
Nakatuon pa rin ang paningin ko sa babaeng malindi na minamatyagan namin.
tsk!
"Kanina pa tayo rito pero wala namang kakaiba sa babaeng yan" wika niya at kumagat narin ng sandwich niya.
Oo nga naman. Kanina pa kami rito at wala kahit na kakaiba sa babaeng yan.
"Pero...dahil sa pagmamatyag natin may alam na ako tungkol sa kanya..." dugtong niya ulit habang himas-himas ang baba nito na animoy nag-iisip.
Napabaling ang tingin ko sa kanya at naghihintay sa karugtong nito habang nakataas ang kanang kilay ko rito.
"...na hobby pala niya ang makipag---"
"...landian?" Putol ko na sa sasabihin nito.
He snap. "yeah!" pagsang-ayon nito.
"Nagtataka ka pa ganyan ka rin naman" diretsahang sabi ko sa kanya.
"Nakaka-hurt ka naman ng damdamin Jakie...." saad ni Jayson na ngayon ay napahawak sa dibdib nito na akala 'e nasasaktan at naka-nguso pa ang leche. Napairap na lang ako sa hangin.
Bakit? Ganyan naman talaga siya ha? Isama pa si Jix na malandot. Sarap ihampas sa isa't-isa.
At oo nga pala! Isama na rin yung pa-chix na hilaw na yun. Akala mong sinong gwapo! Pa-chix! Pwe!
Akala mong kung sinong chix na hindi ako pansinin ng hilaw na yun. Hindi ako nagtatampo, nakakaasar lang na hindi niya ako pinapansin.
Sarap niyang batukan, promise!
Bitter kasi yun. Tama-tama! Bitter yun Jakie!
Sa hindi ko kaya maintindihan yung mga pinagsasabi niya sa akin ang alam ko lang 'e nagpapahayag daw siya ng damdamin sa akin.
Muntanga na ako dito na pinagsasabihan ang sarili.
Napabaling ulit ang tingin ko sa babae na ngayon ay papalabas na sa isang sikat na restaurant dito sa Monte Carlo.
Yup! Ilang oras ang binyahe namin mula sa mansyon ni bitter na hilaw papunta rito. Ang ganda pa naman dito dahil malapit lang karagatan.
Maraming mga turista.
Papalabas na ito kasama ang pang-apat na ka-date ng binabantayan namin.
Kinuha ko ang sa likod ng shotgun seat ang laptop at binuksan ito.
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
ActionJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...