TSG#28

14.5K 343 2
                                    

Chapter 28


PITONG araw bago ang auction na gaganapin sa cruise ship. At dalawang codes na ang hawak namin. Kung sinuswerte ka nga naman dalawang codes sa iisang lugar. Ang unang code na nakuha namin ay ang A3•A1•C3•C4•C5•D5•D3 na ang ibig sabihin ay Canopus at ang pangalawa ay SVKSZRHGLH which is Hephaistos. Hindi ko malaman laman na kung saan nila nakukuha ang mga ibig-sabihin ng mga codes. 

Syempre ikaw ba naman ay may kasamang mga elien? At mga adik na nakahithit ng bulbo ng nanay nila, magtataka ka pa ba? Pero mas naeexcite ako sa susunod naming gagawin. Sa isang auction sa isa sa mga sikat na cruise ship sa boung mundo? Hindi ka ba maeexcite? 

Naputol lamang ang aking pagiisip ng makarating ako sa destinansyon ko. Kalahating oras bago makarating dito kung ang gamit mong sasakyan ay mabilis ang takbo pero dahil sa karumaldumal na nangyare sa kotse ko noong nakaraang buwan eto ako nakasakay sa isang lumang toyota ni ermat na pinuslit ko ngayong gabi para makapunta lang dito. Halos isang oras bago ako nakarating dito isabay mo na rin ang traffic sa pilipinas? 

Pinatay ko ang makina at kinuha ang susi nito. Lalabas na sana ako ng may kumatok sa bintana ng kotse. Nang makilala kung sino ito ay ibinaba ko ang bintana nito. Bumungad sa akin ang isang lalake na kasing edad ko lamang at nakangiti ito ng malapad. Tinaasan ko pa ito ng kilay. Alam ko na ang nasa isip nito. Ilang buwan ka ba naman hindi nagpapakita rito? 


"Jakiee!! Nice to see you baack!!" Sabi nya. "Akala ko hindi ka na babalik?" Pagpapatuloy nya. Bumaba ako ng kotse dahilan para umatras ito para hindi matamaan ng pintuan ng kotse. Tinitigan ko muna sya bago ko isara ang pinto at sagutin ang tanong niya.

"Yeah, Ano bang bago?" Tanong ko sa kanya habang tinatanaw ang mga taong hindi magkanda umayaw sa hiyawan sa natutunghayan nilang magandang laban. Tumingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakangisi. Nawala na ako't lahat-lahat hindi parin nagbabago ang lugar na ito. Ito ang Metrolux ang tahanan ng mga gangsters. At mga walang magawa sa buhay tulad ko.

"Bago? Wala. Walang nagbago maliban lang sa isa" May tinuro sa bandag gilid ko na ngayon ay nakatingin sa akin ng masama na ngayon ay naninigarilyo. Tinitigan ko lang siya ng ilang sigundo at inilipat ang tingin kay Mat. 

"Sino naman yun?" Tanong ko sa kanya.

"Aah..matagal ka ng hinahanap nyan I think, dalawang buwan na siyang nandito." pahayag nya. Nalipat ulit ang tingin ko sa lalake sa di kalayuan sa puwesto namin na ngayon ay may kahalikang babae. 

"So...Anong gusto nya?" Tanong ko ng hindi tinatangal ang tingin sa lalake. Para kasing may kakaiba sa kanya na hindi ko gustong malaman.

Nakarinig naman ako ng isang pagtipa ng isang bagay kaya napatingin ulit ako kay Mat. Napakunot ang noo ko sa nakikita. Siya ang may-ari ng lugar na ito't lahat yan ang gamit nyang cellphone? Naramdaman nya ata ang pagtitig ko sa bagay na hawak nya kaya napalingon ito sa akin.

"What?" Tanong nya sa akin habang nagtitipa pa rin sa cellphone nya.

"Seriously? My Phone na di-keypad ang gamit mo? Napakayaman mo para gumamit nyan?" Pahayag ko sa kanya. Nakakunot-noo ko siyang tinitigan. Na para bang may malaking joke siyang sinabi sa akin na hindi bumenta.

"Bakit? Mas madaling gamitin 'to kesa sa touch screen 'no?" Ipinakita pa nya ito sa akin. "Ang dali kaya nitong gamitin lalong-lalo na pag maggi-gm ka" paliwang pa nito. Napailing nalang ako.

"Okay. Back to the topic, Sino siya?" Seryoso kong tanong dito. Ibinulsa nya muna ang cellphone bago ito sumagot.

"Uhmm, sa pagkakaalala ko... siya si Daemon Ash Collins, a.k.a DAC, 21 years of age nakatira sa katabi ng bahay ng kapit-bahay nila, playboy...sasabihin ko pa ba sayo ang ibang info tungkol sa kanya?" Tanong nito sa akin na ngayon ang nakangisi ng malawak. Sinamaan ko siya ng tingin kung pwede lang makapatay ang tingin ko bumulagta na siya sa sahig.

"Woah! Joke lang yun, pero yung unang binanggit ko totoo yun" sabi nya habang nakataas ang kamay nito sa ere. 

"So, anong kailangan niya sa akin?" Tanong ko pa. Nakacross-arms at nakasandal ako sa kotse habang tinitigan si Dac na sinasabi nya. Hindi parin ito humihiwalay sa babae. Napaangat ang dulo ng bahagi ng bibig ko. Tsk.tsk.

Napakibit-balikat sya. "I dunno, basta hinahanap ka nya at gusto nyang makipag karera sayo" 

Napangisi ako sa sinabi nya. Sa lahat ng sinabi nya ngayong gabi mas gusto ko yung huli. Mukhang magkakaroon ako ng bagong alagang kotse ngayon. Napahalakhak naman ako sa isip ko. 

"Jakie, wag mong sabihin na makipagkarera ka jan gamit yang dala mong kotse?" Tanong nya sa akin at napatingin ito sa kotseng sinandalan ko na may di-gusto mukha nya. Bakit? Wala namang masama kung ito ang gagamitin ko dba? Pero mas gusto ko yung sakanya..tumingin ako sa kanya na may ngiti sa mga labi.

He groaned "No. Hindi ko ipapahiram ang kotse ko sayo Jak. Natatandaan mo pa ba noong ginamit mo ang kotse ko last time? At yun na ang panghuli" 

Napabagsak ang mga balikat ko sa sinabi nya. Yeah, naalala ko nga noong ginamit ko ang Aston Martin DB9 Volante nya noong nagkarera ako ng wala pa ang baby J ko. Pagkatapos ng karera hindi ko na maipinta ang pagmumukha nya pagkakita ng kotse nya. Para itong nachop-chop ng wala sa oras. Kaya ayaw na nyang ipahiram sa akin ag bago nyang Grey Lamborghini nya. Napakaganda pa naman nun. 

"Please...." pagmamakaawa ko rito nagpuppy eyes pa ako para maawa siya sa akin. 

"Kahit anong gawin mo dyan hindi ko parin ipapahiram ang kotse ko sayo" Seryoso nyang sabi habang pinanglakihan pa ako ng mata. 

Napakamot ako sa gilid ng kilay ko. Tss. Ano ba yan. Napakadamot naman nito hindi nakikipagshare ng blessings nya. 

"Promise aalagaan ko talga ang kotse mo! Cross my heart !" Sabi ko dito at gumawa ng cross sa bandang dibdib ko at ngumiti ng malainocenteng bata. Tinitigan muna ako nito ng mariin at magsasalita sana ito ng may sumingit sa amin dahilan para mapalingon kaming dalawa sa kanya.

"You must be Jakie, right?" Tanong nya at nakangiti itong tumingin sa akin.

Yes left and turn to right! Yeah ofcourse I'm jakie the one and only. Tinaasan ko siya ng kilay na tinitigan. Sumingit ba daw sa paguusap namin tinuruan kaba ng naaay mo rumespeto?! 

"Uhmm...Oo bakit?" Mataray na pagkokomperma sa kanya.

Humalakhak pa ito bago magsalita. Adik ba ito? Nahithit na ata ang utak nito kung saan. "I'm Deamon As--" 

"Yeah alam ko na, hinahanap mo nga ako 'e," pagpuputol ko sa kanya. 

"So, alam mo narin kung anong kailangan ko sayo hindi ba?" Sumeryoso ang boses nito dahilan para tumindig ang mga balahibo ko. Tumingin muna ako sa gawi ni Mat na katabi ko at inilipat ulit sa kanya. 

Teka magiisip muna ako. Joke. " Oo naman, hindi ako tanga para hindi malaman iyon," straight forward kong sagot dito at napatindig ng maayos. 

"Shall we, then?" Sabi nya at inilahad ang kamay nito hindi ko ito tinangap dahilan para mapatilt ang ulo nito at titigan akong mabuti at bigla-bigla na lang ngumisi para mas lalo akong matindigan ng balahibo ko. Pero hindi ko iyon pinahalata samakatuwid ay inilahad ko ang palad ko sa katabi kong si Mat. 

Napatingin ako ng marahas sa kanya dahil ang tagal magets ang gusto kong iparating. "Tsk. Akin na ang susi mo" mahinang bulong ko dito. 

"What?" Singhal nya sa akin.

"Wag kang magalala walang mangyayareng masama sa kotse mo" paliwanag ko dito at pinanlakihan ko sya ng mata. Hindi pa sya makasagot kinuha ko na ang susi nitk sa bulsa umaangal pa ito pero hindi ko ito pinansin. Nang makuha ko na ang susi ay napangisi ako ng malawak.

"Siguraduhin mo lang Jakie" pagbabanta nito sa akin. Tumingin muna ako kay Mat bago kay Dac na ngayon ay ngumisi pa ito ng malawak. 

"Trust me on this, Mat" umuna akong lumakad at kasunod ang panghuli. 

Nang makita ko ang Grey Lamborghini ni Mat ay agad akong sumakay rito. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga tao bago ko pinaandar ang makina ng kotse ni Mat. 

At tangana lang ang ganda ng tunog ng kotse nya, sisiguraduhin ko talagang hindi masisira ito kundi hindi na ako papahiramin ng lalakeng iyon. At magkakaroon na ulit ako ng bagong baby nito.


#IamDyosa

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon