TSG#27

15.7K 414 30
                                    

Baekhyun (Jix)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Baekhyun (Jix)

Chapter 27

LAHAT ng tao nagkakamali. Lahat din ng tao nadadapa dahil tanga. Sabi nga ni ermat kapag nadadapa ako ayan kasi tanga!. Lahat ng tao nagiging tanga at bobo sa pagibig. At paano ako napunta sa pag-ibig thingy na 'yan? Meron ding pelengero't pelengera. May paasa at mga taong umaasa. Meron ding baliw gaya ko. Kung anu-ano ang naiisip. 

At lahat din ng tao nabibiwisit, gaya ngayon. Ang sarap lng pumatay ng kuto dahil sa naiirita ako sa bunganga ng babaeng ito. Sarap lagyan ng bunganga nito ng cup na iniinom ko dito sa mansyon.

Nakaharap ako sa kanya. Na dada ng dada ng kung ano. Siguro ng magpasabog ng kadaldalan ang diyos nasalo nya lahat. Pati rin ang pinsan nyang pinaglihi sa pinturang puti nasalo nya lahat ang pagkapipi.

Akalain mo yun? Tinalbugan pa ang nagbibinyag sa sout nya. White dress, white high heels at sinamahan pa ng white summer hat. Hindi talaga mawawala ang sumbrerong yan.

Kinuha ko sa mesa ang mga informations about sa susunod na code. Next week may gaganaping auction sa isang exclusive na cruiship. Isasama rito ang code. Pero hindi nila alam na masasama ang code dahil nasa loob ito ng Pandora's box na may blue diamond. Sa loob nun ang code. Hindi lang isang code ang makukuha namin kundi dalawa. Dahil ang ilelegal tatransact ay ang pangalawang code na kukunin sa gabing iyon.

Pinatitigan ko ang mga papel na naglalaman ng i-aauction sa araw na iyon.

Napabuntong hininga ako. Mukhang mahihirapan kami sa bagay na ito. Inilipat ko sa isang page ang papel kung saan makikita ang blueprint ng cruiship. Malaki nga talaga ang cruise na ito kaya ang mga mayayaman lang ang makakapasok dito. Hindi lng auction ang magaganap dito kundi may illegal transaction din. Ang auction front lamang ng illegal transaction ng mga baril iyon.

Inilipat ko ulit sa isang pahina ang papel. Dito naman makikita ang mga dadalo sa auction. Pangalan pa lang bigatin na. Naagaw ng pansin ko ang isang pangalan. Parang may kung ano sa pangalan nya na nagpatindig ng mga balahibo ko. Hindi ko alam kung ano parang iba.

Benjamin Blaque Grant

Mga ilang segundo ko pa itong pinatitigan. Nasira iyon ng isang ingay dahilan para mapalingon ako at ng iba pa.

"Tangana mo Dude! kadadiri ka talaga!" Singhal ni kevin kay Jayson habang pinagpag ang kung ano.

"Sorry dude, ganyan lang talaga ang mga gwapo atsaka tangana mo rin." hirit naman ni Jayson.

"Gago mo!"

Napairap nalang ako sa mga bwisit nato. Sinira lng ba na naman ang pag mo-monologue ko dito. Kainis.

Ilanh minuto rin ng katahimikan-- hindi pala dahil hindi pa tapos si--- sino nga itong babaeng pupuntang binyag? Leonora? Trinidad? Conception? Lolit Solis? Leche lang! Wala akong pakealam sa pangalan nya.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon