TSG#48

11.7K 251 11
                                    

Chapter 48

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 48

PAGKALABAS ko sa pula kong Tesla Model S P85D ay bumungad agad sa akin ang napakarami at maiingay na tao. May dala-dala pa silang mga banner. Napakunot ang noo ko sa nakikita sa paligid.

Bakit ang dami yatang tao tao ata ngayon sa school?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na nakakunot ang noo. Nagtataka kung anong nangyayare sa school ng wala ako.

"Sigurado akong mananalo ang Business Ad. laban sa Engineering!"

Rinig kong sabi ng nasa harapan ko. Anong laban? May suntukan at patayan ba ngayon sa school?

Tinapik ko ang mga lalakeng nag-uusap sa harapan dahilan para lingunin ako nito na magkasalubong ang dalawang kilay nito.

"Bakit?" Tanong niya na may inis sa boses nito.

Tinaasan ko ito ng kilay. Suntukin ko ito 'e.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
Nagkatingin silang magbabarkada at pinagtawanan pa ako ng mga loko.

"Hahaha! Saang lupalop ka ba nanggaling at hindi mo alam kung anong meron ngayon?" Si boy one yun na tinanungan ko. Blonde ang buhok nito na akala siguro nito na ikinagwapo niya. Nagmumukha tuloy siyang mais.

"Tanga ka ba Miss? Sports fest ngayon!" Saad naman ng katabi niya. May hikaw ito sa kanang bahagi ng tenga niya. Kung maka-hikaw ang payat-payat naman.

"Kahapon lang nagsimula ang event, Miss" sabi ulit ng isa pa nilang kasamahan. Kung tutousin mukhang siya ang normal sa kanilang lima. Itim ang buhok nito at makinis ang mukha walang ka eche bureche. Leche nga lang dahil ng ngumiti ito bungal pala ang dalawang ngipin sa harapan.

Napangiwi naman ako at tinalikuran na sila at hindi na nag thank you.

Kaya pala ang daming tao dito at ang iba pa ay hindi pamilyar ang mga mukha siguro may mga taga outsiders dito. Oo nga pala pag may ganitong events ang school pwedeng pumasok ang mga outsiders dito.

Tsk! Kung alam ko lang edi sana nasa kama pa ako at mahimbing na natutulog. Kainis 'to! Hindi man lang ininform sa akin.

At ang nakakainis pa simula ng mangyare ang you know sa carousel dalawang araw na ang nakakalipas at hindi pa nagpaparamdam ang hilaw na iyon. Sarap sabunutan ng isang iyon. Matapos na halikan ako. 

Okay fine! Ako na ang humalik sa kanya! Biglang nagring ang cellphone nito makausap ang nasa kabilang linya ay bigla-bigla na lang akong hinila at hinatid ako pabalik sa mansyon ng ganun-ganon lang.

Wala man lang ingat! Buti pa si John Lloyd Cruz sinasabi yun. Pero yung hilaw na labanos na yun wala man lang sinabi at pinaharurot na lang ang sasakyan nito at ako nama ay nganga!

Humanda talaga sa akin ang lalakeng iyon kapag nakita ko ulit siya.

"Jakie!!" Napalingon naman ako sa likuran ko ng may tumawag sa akin.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon