Chapter 15
HINDI parin maalis-alis sa isip ko ang sulat na nabasa ko nung isang araw. Hindi naman nagsalita si mommy tungkol dun nang tinatanong ko sya kung sino ang nagpadala ng sulat. Kung sino man sya sinisigurado kong may may kailangan talaga sila kila ermat.
At bakit ko ba pinoproblema yun, dapat ang pinoproblema ko ngayon kung paano ko mahanap ang librong pinapahanap ng prof. namin dito sa library masyadong pa-major. Bwiset! Kanina pa ako dito paikot-ikot dito at hindi mahanap ang librong yun.
"Saan na ba?" Bulong kong tanong sa sarili ko. Nakakainis na talaga ha! Nakikipaglaro ata to ng taguan eh. At tayming talaga na hindi ko kaklase ang mga bruha sa subject na ito. Wla akong mautusan. Nang malapit na ako sa pinakadulo ng library bigla nalang may nagsalita.
"Searching for something?" Eh malamang nandito sa library, ano pa ba ang ginagawa dito? Gusto ko na sanang sabihin yun dhil sa pagkairita dahil hndi ko pa nahanap ang libro.
Napakunot ang noo ko ng hindi ko siya makita sa paligid. Narinig ko syang mahinang tumatawa. Inikot ko na ng 360 degree ang ulo ko pero hindi ko pa rin sya nakikita. Wag mong sabihing multo iyon? Aalis na sana ako ng muli nagsalita ulit sya.
"Hey! Where are you goin'?" Niloloko ba talaga ako ng taong 'to? Magsasalita na sana ako ng biglang may tumalon sa harapan ko mula sa itaas. Gulat ko itong tinitigan. Tao ba'to? Nginitian nya ako at iniabot ang kamay dito. Narinig k pa syang mahinang tumatawa.
"Hi. I'm Jun Takashi, by the way"pagpapakilala nito. Nakanganga parin akong tinitigan sya dahil sa gulat. Ikaw ba naman talonan nito mula sa itaas hindi ka ba magugulat? "Nee, Daijoubodesuka?" Wika ulit nito at iwinawagayway ang kamay nito sa harap ko.
Mas matangkad pa sakin ang lalakeng ito kaya napatingala ako siguro hanggang balikat lng ako nito. Medyo singkit ang mata at may maliit itong peklat sa gilid ng kilay nito. At hindi mapagkakailang gwapo ito at napaka-manly nitong kumilos lalo na ang boses nya. Teka pakealam ko ba sa kanya?
Napbalik ulit ako sa realidad ng mapagtanto kong nakatulala ko syang tinitigan.
"Huh?!?"yun lng ang nasabi ko dahil sa gulat at hindi maintindihan ang sinabi nito nung huli. Napakunot ang noo ko. Tumawa ulit sya at napakamot sa batok.
"Uhm. Sorry, nagulat ata kita."Sinserong pagpapaumanhin nito. Eh alam naman pala nito magtagalog at may pa-elien-elien chuva pa syang nalalaman.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko ng mabalik ako sa katinuan ko. Ngimiti ulit sya. Ba't ba ang hilig nito ngumiti? Nakikita ko tuloy ang mala toothpaste commercial nyang ipin. Kaparehong-kapareho nya yung isang tuta ni hilaw.
"Ah. Napapansin ko kasi na kanina ka pa dito paikot-ikot, ano ba ang hinahanap mo?" Lintaya nya.
"Teka, san ka ba nanggaling?" Tanong ko dito at tumingin ako sa itaas kung saan sya nangaling kanina.
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
ActionJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...