Jakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig.
Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mayu Watanabe (Nanami)
Chapter 21
13 years ago
MAKIKITA mukha ng mga bata ang saya sa paglalaro kasama ang mga kaibigan nila, ni lalake at babae. That's what school like.
Masayang naglalaro sa palaruan, ngunit napansin ng batang babae na may binubully na naman ang kaklase nitong si Rex, ang bully sa eskwelahan nito kasama ang dalawang kasamahan nito sa magkabilag gilid na kulang na lang ay hipan ng hangin sa sobrang payat.
Tahimik lamang niyang pinagmamasdan ang kaklase niyang bully habang nasa swing lamang ito at ninanamnam ang paborito nitong lollipop.
Napansin nya na tinulak ng batang bully ang kaharap na bata dahilan para mapaatras ito at matumba. Hindi lamang umimik ang batang lalakeng binully sapagkat ito ay tumayo at tinitigan lamang sila ng walang emosyon at nakapamulsa lamang ito.
Pinagmamasdan lamang ng batang babae ang kaganapan mula sa malayo. Biglang nag-init ang ulo nya ang nangyare sa batang binully pinagsusuntok ito ng batang si Rex.
Tumayo sya sa kinaupuan nya at nilapitan ang kaklase nyang bully. Ang ayaw nya sa lahat ay yung may nangbu-bully.
Nang malapit na sya ay narinig pa nya itong magsalita.
"Ano matapang ka na!" Singhal nito at pinagpatuloy pa ang ginagawa nito.
Napasingkit ang mata ng batang babae at hindi mapigilan ang pagsigaw nito sa batang bully "hoy! Rex baboy!! Tigilan mo yan o susuntukin kita hanggang sa hindi na makilala ang mukha mong baboy!"
Sigaw nya habang hawak-hawak ang lollipop sa kanang kamay nito.
Napatingin naman sa gawi ang batang bully pati ang kasamahan nito at ang batang binully.
"Matapang ka na ngayon, Jakie?!"anito ng batang si Rex.
Napasingkit ulit ang mata ng batang babae at pinatunog ang mga kamao nito. "Oo bakit? May angal?" Tinitigan nya ng masama ang batang si rex habang pinagpatuloy ang pagpatunog sa kamao nito "O' baka naman gusto mo ulit mangyare sa'yo ang nangyare nung isang araw?"pagbabanta nitong nakapameywang.
Nilibot nya ang mata sa kasamahan ng batang bully at makikita sa mukha nito ang takot.
Napatigil naman ang mata sa batang binully nila na wala lamang itong reaksyon sa nagaganap.
Nilipat ulit nya ang tingin nito sa batang bully "Ano?!?"singhal nito. Napaatras naman ang mga batang bully at tumakbo palayo sa kanila.
Nang matanaw na wala na ito, nilipat nya tingin sa batang binully.
Napansin nya ang postura ng batang lalake. Napakunot ang noo nito. Nagtitigan lamang silang dalawa.
Binasag ng batang babae ang katahimikan sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pagtanong nito.