Boring ang chapter na ito.
Enjoy!Chapter 46
"LUMILIPAD NA naman yang isip mo Jakie." nalipat ang tingin ko sa nagsalita.
Si Kevin.
Umupo siya sa tabi kong bench dito sa likod ng manor. Three story house na may malaking garden dito sa likod at may swimming pool sa loob ng mansyon.
At malalaking kahoyan ang nagpatago sa malaking bahay na ito. It is more like na sa gitna ng kagubatan may malaking mansyong nakatago pero nasa syudad kami for pate sake!
Napairap ako sa hangin. Istorbuhin ba naman ako sa pagmununi-muni ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Iritadong saad ko rito at tinaasan ng kilay.
"Uhmm...kasi bahay rin ito ng mga magulang ko na kasalukuyang mga magulang mo rin?" patanong na wika niya. Nakangiti ito ng malawak na pinagmamasdan ako. Yung para bang inaasar ako ng mga ngiti niya.
Mapunit sana yang labi mo, leche!
Marahas akong tumayo at aakmang aalis ng pigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa pulso ko.
Piningkitan ko siya na ngayon ay naka-pout, "Ate Jakie, usap muna tayo..."
Napangiwi ako sa itinawag niya sa akin. Pocha na baboy! Hindi ko ma-imagine na ang lalakeng ito ay nakapout sa harapan ko na parang patong ulol.
Bakit naging kakambal ko ang ulol na ito? Siyempre iisa kami ng ina at matress na nilabas ng sabay. Nauna lang ako.
Sa dalawang araw na nandito ako aa mansyon ng mga Grant ay naging magaan na ang loob ko sa kanila noong unang araw ko pa lang lalong-lalo na si Daddy, yung totoo kong tatay ay magkasing-ugali nga kami at magkamukha. Si Kevin naman siguro ay nakuha niya rin ang ugali ni Mama at hawig nito.
Pero sa dalawang araw ko ng pamamalagi dito ay hindi ko pa rin siya nakikita. Sabi ni Daddy ay nasa Italy raw ito at may mahalagang ginagawa. What a coincidence right? Nanggaling na rin ako doon. Siguro nakasilisihan kami. Siya tumambling ako naman gumapang patalikod. Paano kaya yun?
Napailing-iling na lang ako sa aking isipan sa mga pinag-iisip ko.
Napabalik ako sa katinuan ng magsalita ulit si Kevin.
"Jakie?" Nakataas na ang kilay nitong nakatingin sa akin.
"Wag kang mag-pout ng ganun..." saad ko sa naiiritang tuno at iwiniksi ang palapulsuhan ko na hawak niya.
"Bakit? Cute ba akong tignan?" Nakangiti nitong tanong at umayos sa pagkakasandal nito at humarap sa garden.
Umupo ulit ako at tumabi sa kanya.
"Hindi ka kyot...para kang patong ulol na walang nguso," sabi ko habang nakatingin sa paligid.
"Ouch! Nakakasakit na ng damdamin ha?" Sabi niya na nakahawak na sa dibdib nito na animoy may nakatarak na kutsilyo. Sana nga.
"Kakambal kita Jakie dapat supportive ka sa akin.." napalingon ako sa kanya sa sinabi niya.
"May ganoon?" Naiirita ko pa ring wika sa kanya habang may pangungutya sa mga mata akong nakatingin sa kanya.
"Ang sakit mo parin magsalita," anito na bahagyang napahalakhak.
"Truth really hurts..." tipid ko na sagot rito at ibinaling ulit ang tingin malayo.
Huni ng mga ibon at sariwang hangin na tumatabig bahaya sa mataas kong buhok dahilan para iipit ko ito sa tenga kada minuto.
"Truth really hurts...Kagaya lang sa love, akala mo totoo hindi pala..." agad akong napalingon sa katabi ko na ngayon ay nakangisi ng malawak.
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
БоєвикиJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...