TSG#32

14.9K 342 6
                                    

I-maginine mo na lang na merong lugar na ganyan;)
Chapter 32

13 years ago, September 24.

LUMAPIT ang batang si Jakie sa nagkukumpulang mga bata sa di-kalayuan sa kanya. Malalaki ag hakbag nito. Mapapansin sa mukha nito ang galit.

Nang makalapit ito ay naririnig niya ang tawanan ng mga bata at isang iyak ng batang lalake. Mas lalong nagalit ito ng marinig ag iyak ng batang lalake na pinagkukumpulan ng mga bata.

"Ang duwag mo!" Sigaw ng isang bata.

"Duwag!"

"Iyakin!"

Tinulak ng batang Jakie ang sumisigaw at sinabunot ang buhok ng isang batang lalake. Napahiyaw ito sa sakit. Sinunod niya ang iba pa.

"Walang sino man ang mananakit sa kakambal ko!!" Galit na galit na sigaw nito at pinagpatuloy ang pagsabunot ng buhok sa mga batang lalake.

Mas lalong umingay sa kinaruruonan nila. May nagsisigawan.

Hindi niya tinigilan ag mga ito hanggang sa umiiyak na rin ang ibang bata sa ginawa niya.

Tumigil siya, may bahid parin sa mukha nito ang galit. Humarap siya sa likod kung nasaan ang batang umiiyak. Naging malambot ang ekspresyon nito ng makita ang kinahihinatnan ng kapatid. Nakaupo ito sa lupa at sapo-sapo ang braso nito ang mukha.

Lumuhod siya at hindi inalintana ang maduming lupa na marumihan ang kanyang uniporme. Hinawakan niya ang mukha ng kapatid dahilan para mapatingin ito sa kanya. Mapupula at kumikinang ang mata nito dahil sa luha at mapupulang pisngi.

"A-te J-jakie..." sabi nito na humihikbi.

Niyakap niya ito. "Walang sino man ang makakapanakit sayo, Kuya Kevin," bulong niya sa kapatid.

Magkaiba sila ng ugali. Matapang. Yan ang batang si Jakie. Kabaliktaran naman ang batang si Kevin. Pero mahal niya ang kapatid niya. Gagawin niya ang lahat maprotektahan lamang ang kapatid.

"Walang iwanan diba?"wika niya ng humarap ulit siya sa kakambal niya. Ngumiti ito na parang wala ng bukas. At sabay pinunasan ang pisngi ng kakambal na humihikbi parin. "Kaya tumigil ka na sa kaiiyak mo kundi babatukan na talaga kita pag ako'y maiinis na sayo" ani Jakie.

Huminahon naman siya. At gumanti rin ng ngiti takot na baka ituloy talaga ang binabalak nito. "Walang iwanan." lintaya ng batang si Kevin kapagkuwan ay inilahad ang hinliliit nito.

Little Jakie's giggle.

"Walang iwanan,"

Present.

9:15pm Corklyne Dock

NAPANGANGA ako sa nakikita ko sa harapan pagkalabas na pagkalabas pa lamang ng Lamborghini Aventador ni hilaw. Sa harapan ko ay isang napakalaking cruise ship. Napapaligiran ito ng mga nakaitim na lalake. MIB rather. May kung anu sa mga tenga nila na nag kumukonekta sa ibang kasama nila. Gwardyado ang boung paligid.

Lahat na pumapasok na kahit anak ka pa ng Presidente ay istriko kang kakapkapan.

Humarap muli ako sa harapan. Napakaliwanag nito. Mas malaki pa ito sa inaasahan ko. K'Q Oceano.

Huminga ako ng malalim at ibinaling ang tingin ko sa ngayon ay katabi ko. Nakapamulsa itong nakatingin sa harapan. Pinagmamasdan ang nasa harapan. Inoobserba ang nasa paligid. Feeling niya nasa isang photoshoot ito.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon