Yoon Jeonghan (Percy)
Chapter 25
12:01am Northwest Cemetery
NAPATAAS ang kanang kilay ko na sa tansya ko ay umabot hanggang bubong ng mansyon ni labanos. Nakangiti ito ng malapad sa aming lahat habang pinapakilala ito ni Hilaw na si Drexel. At ano naman ang ginagawa ng babaeng ito dito? Hindi na sya naka pink dress ngayon nakasout na sya ng kulay dilaw na floral dress with a summer hat na kulay dilaw rin. Wala na ngang araw nakasumbrero pa ito ng dilaw na butiki na ito.
Inabot nito ang kamay kay Vicente at nagpakilala "Hi! Im Maricruz Sevilla." wika nito in an Italian accent. "It's nice to meet all af you guys, you know what I'm so excited about---" and blah blah kekeke. Ang daldal pala ng butiking nakadilaw na na naka sumbrero nato. At kaya pala ang init dahil nandito ang anak ng araw.
Napabalik ako ea ulirat ko ng may kamay sa harapan ko. Napalingon ako sa nagmamayari nito. At ang babaeng butiki na anak araw pala ito. Ngumiti ito. Sinimangutan ko lang ito.Napaaray naman ako dahil sa mahinang pagkurot sa akin ni Vicente sa tabi ko at marahas na bumaling sa kanya dahilan rin na mapatingin ako sa mga kasamahan ko na naghihintay na iaabot ang kamay ko sa kanya.
Bumuntong hininga ako. Fine. Iniabot ko ang kamay nya para makipag-hand-shake. At ngumiti ito nangpagkalapad. Imbis na gantihan din sya ng ngiti nakasimangit lamang ako. Ang ayoko sa lahat ang makipagplastikan, kung ano yung pinapakita kong ugali yun na talaga yun.
Pagkatapos nang pagpaplastikang pagpapakilala sinimulan na namin ang paghahanap ng himlayan ni Mr. Alcantara.Naghiwa-hiwalay kami ng grupo. Ang unang grupo ay sina Percy, Kevin, Jayson, at Vicente at ang pangalawang grupo ay kasama ako, si Nanami, Drexel at sa kasamaang palad kasama ko ang tinalbugan pa ang araw sa liwanag ng damit nito.
Kanina pa kami naglilibot dito at kanina pa ako naiirita sa boses ng babaeng butiki nato. Ang sarap kurutin ng nguso nito sa asar ko para tumigil lng sa pagdadaldal nya na kesyo exciting yung ganito...maganda ang ganyan.
"Ang daldal nya," bulong sa akin ni Nanami may halo na ring pagkainis sa tuno nito. Nandito lng kami sa likod nila nakasunod."Yeah right, ang sarap lagyan ng duck tape ang bibig." bulong ko rin sa kanya. Nakasimangot lng akong nakasunod sa dalawang malalanding ito. Pati ba naman sa sementeryo ginawang park. Nakakalawit ang mga braso nito kay Drexel habang naglalakad. Lecheng mga malalanding ito sarap panghambalusin ng semento.
Napangiwi nalang ako nangbiglang may matinis na tunog na nanggagaling sa earpiece na sout ko sa kaliwang tenga dahilan para mapahinto kaming lahat sa paglalakad.
"Guys! Nahanap na namin!" Boses yon ni Jayson."Where are you?" Tanong ni Drexel
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
ActionJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...