TSG#41

12.2K 293 17
                                    

Chapter 41

PUT*NG*NA! yan lang ang lumabas sa isip ko ng makita ko ang kabuohan ng  kwarto niya.

Tama nga naman siya. Isa lang itong kwarto pero hindi ito isang ordinaryong kwarto mas malaki pa ito sa kwartong tinutulugan ko. 

Inilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Pero may nagpapaiba sa kwartong ito.

Napakagat labi ako at pilit na pinipigilan ang emosyong lalabas. Parang gusto kong maihi dahil dito. Gusto kong sumigaw, matae, mautot, mambunot, at manuntok.

Para akong mawawalan ng hangin dahil sa pigil hiningang ginagawa ko.

Napakagat labi ulit ako ng maramdamang hindi ko na kayang pigilan at gusto ko ng ilabas ang emosyong ito.

"Pfftt!! Bwahahahaha!!" Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa lakas ng tawa ko. Para akong mawawalan ng ulirat dahil sa malakas kong tawa.

Hindi ko na talaga kaya ang napalakas kong tawa.

Napalingon naman ako kay hilaw na pulang-pula ang mukha na parang kamatis.

"Pfft..tangina lang talaga! Haha!..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko sana dahil sa pagtawa.

"Shut up" mahinang bulong nito na nakatingin sa ibang direksyon.

Kaya pala pinagbabawal itong pasukin dahil dito. Napapahid ako sa luha ko dahil sa kakatawa.

"Bakit hindi mo sinabi na fan na fan ka ni Elmo ng Sesame Street!" Sabi ko na hindi parin tumitigil sa pagtawa. Hooo! Parang mamamatay na ata ako sa kakatawa nito.

Akalain mo yun? Ang isang prinsipe ng organisasyong kabalatugan ay fan na fan si Elmo?

Ang pulang palakang puppet na yun? Hindi talaga ako makapaniwala. Napailing-iling ako.

Ang daming Elmo stuff toy sa kwarto niya may malaki at maliit. Nasa lapag lang ang iba na naka-display.

At ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang maliit na Elmo sa higaan nito. Nasa gitna ito nakalagay.

"Mahilig ka kay Elmo the Palaka ha? But..It's kinda..." nag paused ako at inilibot ang tingin sa paligid. "Cute.."

"Really?" Lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko dahilan para humagalpak ako sa tawa.

Shit! Ang sakit na ng tyan ko.

Napasimangot ito dahilan para tumigil na ako sa kakatawa. Itinaas ko ang kamay ko sa ere na nagsasabing titigil na.

"Cute naman talaga pero...pfft!" Napakagat ako sa labi ko. "..pero yang mukha mo...mas cute pala kung ganyan na nakangiti" wika ko.

Lumiwanag ang mukha nitl dahil sa sinabi ko. Bakit? Ano bang sinabi ko? Nang mapagtanto kong ano yun. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize kong anu yun. Mukhang ako na naman ang namumula ngayon.

Ngumiti ito ng nalakalawak. "Wala ng bawian..." sabi niya ng ikinakunot ng nuo ko.

"Ha?"

"That I'm cute.." mas lumawak ang ngisi niya. "But, I'm more convince if you say I'm Handsome... "

Pinukulan ko siya ng masamang tingin.

Ano ba ang natira ng hudas na ito ngayong umaga at ganyan ang takbo ng mala-isda niyang utak? O di kaya...nalunok nito ang lahat ng aircon ng mansyon nila kaya may confident ito sa kayawan nito?

"Kapal muks!" Nasabi ko na lang at kumaripas papaalis sa kwarto niya. Bago pa ako makalabas ay narinig ko pa siyang haninang tumatawa. Padabog kong sinara ang pinto. Tangina niya! Psh!

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon