TSG#20

20.2K 457 10
                                    

Chapter 20

PAGKABUKAS ng malaking double door ng mansion, my jaw literally dropped. Kung gano kalaki sa labas dinoble sa loob. With a green and gold theme parang nasa isa kang five star hotel na ang mga hari at reyna lng ang pwedeng makapasok. 

Nahiya naman ako sa double door nila na pagkalaki-laki at ang door knob nito ay pansin ko isa itong gold. Hindi ba sila mananakawan nito?
At ang nakakaagaw pansin pagbungan palang ay ang napakalaking chandelier sa itaas ng ceiling nito nito at ang stairs case na may red carpet. Sosyal! Parang gusto ko ata mag paa nalang dahil nahiya ang rubber shoes kung nike sa marbol floor nila. 

May mga antique furnitures sa bawat sulok. Ginawa talaga ang mansion na ito para sa kung sino.

Naagaw ng pansin ko ang isang napakalaking portrait ng isang napakagandang babae sa dulo ng staircase. Napakaamo ng mukha nito parang anghel nakaupo ito sa isang silya na may ginagawa, matangos ang ilong, at ang napakagandang ngiti nito na mapapangiti ka rin. I think this is a candid. Napakasimple lng kasi nyang tignan. Nakita ko rin sa background nito na nasa garden ito dahil maraming mga bulaklak na nakapaligid sa kanya. She's like a Goddess.

Napapitlag ako dahil biglang nagsalita si Henry sya yung sumalubong sa amin kanina at sya ang Butler ng pamilyang Austin's. Napalingon naman ako sa direksyon nya. "She's Lady Savannah the Queen" tukoy nya sa malaking portrait na tinitigan ko ng ilang minuto. Queen? Ah! Oo nga pala The Mafia Royalty. Sya pala ang Queen. So, ibig sabihin sya ang ermat ni hilaw? Saan ang erpat nya? At nasaan sila ngayon?

Hindi na ako nagtanong pa at iginaya na nya kami kung nasaan sila Drexel. Umakyat kami sa second floor ng mansyon at dumaan sa malawak na pasilyo.

Napapansin ko rin ang mga maid's dito at ang gara ng mga sout. Iisa lng ang kulay, kundi kulay berde lamang. Parang lolita dress. Kumbinasyon ng white and green. Ang cute.

Habang naglalakad, hindi ko mapigilan igala ang paningin ko dahil sa pagkamangha at pangamba dahil sa laki ba naman ng mansyon na ito, hindi ka ba maliligaw? Seriously? 

Huminto si Butler Henry dahilan para mapahinto rin kami ni Vicente sa paglalakad. At nakita kung huminto kami sa tapat ng  isang malaking double door sa dulo ng pasilyong dinaanan namin kanina. Binuksan nya ito dahilan para masilaw ako sa liwanag sa loob at tinabunan ko ang mga mata ko gamit ang kanang kamay ko. Nang makaadjust na ang paningin ko.

Agad naman napukaw ang atensyon nila kaya napatingin sila sa gawi namin.

"Jakie!!" Tawag sa akin ni Jayson.

"Yow."-Kevin.

Hindi ko sila pinansin at tinoun ko lng ang paningin ko paligid.ng kwarto. Isa itong napakalaking library na may office table sa gitna nito kung nasaan nakaupo sila Jayson naghihintay maliban lng kay Drexel mukhang wala pa dito. Mas nilibot ko ang tingin sa paligid at may second floor pa pala ito.

May nakita akong pamilyar na mukha  ng isang lalake nakaupo lng ito katapat na couch, parang nakita ko na sya somewhere. Mas tinuon ko pa ang tingin ko sa kanya. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Tama nga ako nakita ko na sya. Saan nga ba?

"I told'ya,"wika nya sabay ngiti ng malawak. Anong ginagawa nya dito? Siniko naman ako ng bakla kaya napatingin ako sa direksyon nya at masama ko itong tinitigan.

"What?" Irita kong tanong dito.

"Kilala mo si Jun Takashi?" Tanong nya. Nalipat ang tingin ko ulit sa lalake. Oo tama, yung bigla nalang tumalon sa harapan ko nung nasa library ako. "Kilala mo sya?" Balik tanong ko sa kanya.

"Ako ang nagtatanong dito, hello?" Inirapan ko na lamang ito. At umupo sa malapit na couch at tumabi naman sa akin si Vicente. Dun ko rin napansin na umalis na pala si Butler Henry.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon