Chapter 14
NAPAHALUMBABA ako sa mesa pagkarating na pagkarating ko dito sa cafeteria. Hindi pinansin ang dalawang bruha na sa ngayon ay napatigil sa paguusapan nila at magkasalubong ang mga kilay nito. Kumuha ako ng pagkain ni Em at agad na sinubo ito.
"What's bothering you gurl?" Agad na tanong ni Em na nakakunot parin ang noo nito."Oo nga ang chaka ng fezlak mo,"singit naman ni Vicente at tinuro pa ang mukha ko. Tinitigan lng nila ako at naghihintay ng sagot. Tinignan ko lng din sila habag subo-subo ang pagkain, i sighed. "Nothing" tanging sagot ko lng.
"Anong 'nothing' ka jan!? Tignan mo nga yang mukha mo oh! Parang pinagsakloban ng langit at lupa." singhal sa akin ni Em. Tss.
Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyare ang insidenteng iyon kasama si hilaw pero ang pinagtataka ko lng eh si ermat at erpat parang wla lng. Hindi ko naman gusto na pagalitan nila pero nakakapanibago lng talaga.
Minsan nga tinangka kong pasukin ang kwarto nila nagbabasakaling may mahanap pero biglang dumating si erpat at nahuli akong may hinahalungkat sa drawer at sa katangahang dahilan eh
"Ah eh dad, naghahanap lng ako ng suklay nawala kasi ang suklay ko kaya gusto ko sanang humiran kay mommy he-he-he." sabay kamot sa ulo ko. Nakataas lng ang isang kilay ni erpat na parang nagdududa.
"Okay, alam mo namang laging nasa walk-in closet lang nakalagay lahat ng gamit ng mommy mo, bakit dyan ka naghahanap sa bedside table naghahanap?" Sabi nito habang may pagtataka parin sa boses nito.
"Sabi ko nga."agad akong pumasok sa sinasabi ni erpat at kinuha ang alibi ko at agad lumabas sa walk-in closet at nandun pa rin si dad sa kanyang kinatatayuan sa may pintuan ng kwarto. Habang papaalis ng kwarto hindi ko parin maiwasan na titigan si erpat ningitian ko lng sya at agad sinara ang pinto at tumakbo papasok sa kwarto ko ng katabi lng ng kwarto nila erpat at isinara ito.
"Woooh! That's was close, buti nlng matalino akong magpalusot." bulong ko sa sarili ko.
Ngayon ko lng napagtanto na walang kwenta pala ang palusot ko. Nung isang araw lng ako nagsimula para sa misyon ko na makahanap ng impormasyon kung ano ang tinatago nila erpat sa akin. Kasi nangagati na akong malaman kung ano ang tinatago nila, 'curiosity kills the cat' ika nga.
Wala naman sigurong mawawala sa akin kung susundin ko ang pagka- curiosity kong tao diba?
I snap out ng bigla akong yugyugin ni Vicente. Agad ko namang tinangal ang nga kamay nito sa balikat ko.
"Ano na te'?" Tanong ni Vicente sa akin.
"Wla nga," sagot ko nalang dahil ayokong humaba ang usapan namin.
"Ang damot nito magshare." sabi lng nya. At bumalik sa paguusap nila ni Em.
***
Someone.POV
Pagkatapos ng klase ko sa araw na ito agad kong tinungo ang lugar na pagkakakitaan namin ni black ang taong umaruga sa akin simula ng pinatay ang pamilya ko 11 years ago. Kinamumuhian ko ang pumatay sa pamilya ko, at sa harapan ko mismo.Black. Walang sinuman ang nakakaalam sa tunay nyang katauhan. Kilala lng sya bilang black. NApa-kamisteryoso nyang tao kahit ni-isa sa amin wlang nakakaalam kung sino ba talaga sya.
Minsan pinagdududahan ko sya at naghanap ng impormasyon kung sino ba talaga sya pero masyadong mahirap kumalaP ng impormasyon tungkol sa kanya kaya kusa na akong tumigil.
Tinatahak ko ngayon ang pasilyo na ang hangganan lng nito ay ang isang pinto, madilim ang lugar, mga lampara lamang ang sa dingding ang nagbibigay liwanag sa lugar na ito. I owe him. Kaya lahat gagawin ko kahit na ibuwis ang buhay ko para sa kanya, gagawin ko.
Nang makarating, kumatok muna ako ng tatlong beses at pumasok sa malaking lumang pintuan animoy parang itong nasa lumang pelikula. Nadatnan ko ang sadya ko na may kausap, sa mga mukha nila isa itong napaseryosong bagay.
"Good,"yun lng ang narinig kung paguusap nilang dalawa.
Napatingin sila sa gawi ko, agad naman napatingin sa gawi ng babaeng kausap ni Black. Beatrix Amella McKlien, o kilala bilang si Lala, ang reaper ng Black Mafia. Nakangisi lng itong nakatingin sa akin at umalis.Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, inunahan agad ako ni Black sa pagsalita.
"How's you're mission? "Tanong nito. Tumayo ito at kumuha ng whiskey sa kalapit table nito. Sinundan ko lng sya ng tingin.
"Wala paring pagbabago ganoon parin, black." magalang kong sagot dito.
Tumango ito habang inum-inum ang whiskey. "Hmmm, so, how are you, shadow?" Paglilihis ng usapan nito at umupo habag ag mga kamay nito ay nasa baba at marahang nakangiting tinitigan ako."Good as s sh*t, black."wlang emosyong sagot dito at hindi pinahalata ang pagkairita sa boses. Alam naman niya lahat tungkol sa akin, lagi nga nya akong pinapasundan sa isa sa mga tauhan nya hindi ako mangmang para hindi mahalata iyon.
I heard him silly laugh. Nakakairita sya pag-ganyan.
"So how was Jakie, by the way," paglilihis ng tanong nito kanina, pagkarinig na pakarinig ko ng pangalan na iyon biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko na kaninay irita ngayon ay pagkamuhi. Pinagtitiisan ko lng syang pakisamahan maging isang inocente sa paningin nya pero sa loob-loob ko,gusto ko nang kitilin ang buhay nya."As always, she's a f*ckt*ard sh*t" wlang ganang sabi ko dito. "At kumikilos na rin sila"dugtong ko.
"Watch your language, honey"seryosong babala nito at masamang tinitigan ako.
"Sorry"sinsero kong pagpaumanhin.
Tumango lamang ito bilang sagot. At tumayo ito ng Biglang pumasok ang isang tao. Daemon Ash. Kilala bilang si shade. Ang kanyang kanang kamay. Seryoso ang mukha nitong papalapit kay Black.
"Sir Black" wika nito pagkalapit nya at yumuko bilang paggalang."nakahanda na ang sasakyan"
"Okay." tumingin sa gawi ko si black "aalis na ako may bagay pa akong aasikasuhin, wag mong ilihis ang pagmamatyag mo kay jakie, always remember that."pagpapaalala nito sa akin at umalis kasama si Shade. Tumingin muna sa gawi ko si shade at tumango at sinundan si Black.
Nakatayo lamang ako sa silid na iyon ng ilang minuto at hindi inaalis ang paningin sa pintong nilabasang nila at naiwang maraming katanungang meron sa isip.
Ano bang meron sa Jakie na yan at masyado kang interesado sa kanya?
***
Jakie.POV
"Mom, what's that?" Tanong ko agad pagkauwi ko sa bahay. Naabutan ko kasi syang may hawak na papel sa sofa na nakatulala at gulat na gulat sa bagay na iyon.
"It's nothing, honey" wika nito pero hindi parin mawawala sa mukha ang pagalala? Tiniitigan ko lng sya ng ilang sigundo. Hindi nagsasalita. Naputol lamang ang tingin ko kay mom ng dumating si dad. Sinundan nman ito ni mom at seryosong naguusap sa isa't-isa sa garden.
Nakita ko si Dad na tumango-tango at binaling ko ang tingin sa tinitigan ni mommy kanina na isang itim na papel na nasa envelope na ngayon ay naiwan nyang nakabukas ito. Kinuha ko ito at inilabas mula sa loob. Napakunot ang noo ko sa nabasa. Katulad din ito sa sulat na nakuha ko sa wierdong kalahi ni naruto na babaeng iyon.
She's mine. Only.
Ano ba ang kailangan nila? At teka, napansin ko lng bakit ang hilig nya sa black, emo ba sya?
#IamDyosa
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
ActionJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...