Chapter 6
"OY..best may assignment ka na?" tanong ni Ems a akin.
"Saan?" balik tanong ko dito habang inayos ko ang upo ko.
"Edi wow..nagtanong ako sinagot mo rin ako ng tanong eh 'san pa ba sa statistics, kaasar nga hindi ko makuha-kuha ang sagot," sagot nmn nito na akin na nakahalumbaba na parang pasan ang problema ng boung mundo.
"Pakealam ko dun..." sagot ko rin sa kanya na nakahalumbaba. Ang dali-dali nun eh.
"Edi ikaw na magaling sa statistics, eto korona!" pagkukunwari nito na parang may korona sa ulo nya at pinasa sa akin. "oy! Kacopya ha?!?" wika nito sabay hablot ng bag ko at kinakal ang laman nito. Wow ha! Hindi nahiya sa may ari.
Sandaling katahimikan ang namayani sa table naming ni Em dahil busy sya sa pagkopya ng assign. Namin kahit ganito ako noh hndi ko parin pinabayaan ang studieas ko ayokong sinasayang ang perang pinaghirapan ng mga magulang ko
Biglang may lumapit sa table naming na grupo ng mga kababaihan. Oo nga pala nandito kami sa cafeteria vacant kasi namin, napitingin ako sa kanila nagtitipid ata sa tela tong mga 'to. Dapat hbdi nlng sila nagdamit. Napailing at inikot ko ang mga mata ko sa iritasyon. Mga babae nga nmn ngayon pinapakita na ang mga balat nila.
Lumapit yung isa sa amin at deretsong tumingin sa mga mata ko.
"Layuan mo si Drexel" wika ng babae sa tantsa ko lider to nila. Ang kapal pa ng lipstick.
Napalinga-linga pa ako sa paligid hinahanap ang kinakausap nya gusto ko lang naman siyang maasar saakin. Tinuro ang sarili ko. "ako?" wika ko.
"Stupid! Oo ikaw may iba pa ba akong kinakausap dito?!?" iritado nyang sagot.
"Ah..akala ko si Em." turo ko kay em.
"Ba't ako?" singit naman ni Em na may pagkairita sa mukha. Naistorbo kasi sa pagkokopya.
"Binabalaan ka namin," dinuro ako nito, "kong hindi mo sya lalayuan makikita mo ang hinahanap mo." Pagbabanta nito sa akin. I stared at her coldly.
"Pinagbabantaan mo ba ako?" tanong dito sa malamig na tono.
Napaatras naman ng bahagya ang babae, natakot siguro
"Oo," matapang na wika nung isa sa kanila. Hindi ko sya pinansin at nakatitig lang ako sa babae sa harapan ko. Naiirita ako sa pagmumukha niya parang sarap gawing rainbow punching bag.
"Ppffft!" naagaw ang atensyon ko kay Em na ngayon ay nagpipigil ng tawa na inirapan ko lang.
"Layuan mo sya or else..." wika nung isa naman sa kanila. At umalis na sila.
Tinitigan ko lang sila hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Sila pa may ganang pagbantaan ako?
"Lakas ng loob nun ha? Seryoso ba sila?" biglang sabi ni Em habang nakatutok lang ito sa pagkokapya ng assignment KO.
PINARK ko ang kotse ko malapit sa isang pamilyar na kotse sa tabi nito, eto yung kotse ng antipatikong hilaw na yun huh?!? Shocks!! Napanganga nalang ako sa nakikita ko, ang ganda talaga nito at parang galing carwash lang ito ang kintab sarap nakawin! Nilipat-lipat ko ang tingin sa kotse ko at sa kotse ni antipatikong hilaw.
"Baby J...ikaw parin ang mahal ko..." sabi ko ditto sa kotse ko.
Siguro para akong sira dito kinakausap ang kotse. Tatalikod na ako ng may mabangga akong isang pader. Teka may pader ba dito? Sa pagkakaalam ko wala naman dahilan para tingalain ko ito at nakita ang isang tao na nakatingin sa akin ng masama at tumigig ako sa likod nito ng makitang may kasamahan ito.
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
AksiJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...