Chapter 16
"STUPID."
RINIG kong bulong ni hilaw at napailing-iling ito. Eto na nga ang tinulongan eto pa ang may ganang sabihan ako ng stupid? Kung suntokin ko kaya 'to? Malalaman natin kung sino ang stupid sa aming dalawa. Napatingin naman ako sa gawi ng mga kasamahan nito na hindi parin nawawala ang pagkanganga nito. Tss.
"Jakie, okay ka lang?"tanong ni Jayson sa akin nang mapabalik sa katinuan nito. Nagcross-arms lng ako at sasagot na sana nang may biglang magpaputok sa gawi namin. Dahilan para mapatili ako sa gulat at nataranta kaming nagtago isa-isa sa likod ng mga sasakyan nila.
Nakarinig naman ako ng pagkasa ng baril sa gilid ko at napalingon dito. Nakita ko si hilaw na nagkakasa ito ng M9 gun. Saan naman nya nakuha yan? Napalingon din ako sa iba na ngayon ay may hawak na ring mga iba't-ibang uri ng baril. Handang-handa ha. At bakit ang unfair wala akong baril! Nilipat ko ulit ang tingin ko sa katabi kong si hilaw at inilahad ang kanan kong palad. Napakunot naman ang noo nitong tinitigan ang kamay at ang mukha ko."Ako rin," tukoy ko sa baril. Seryoso ko syang tinitigan. Narinig ko namang nagpapalitan na sila ng putok sa isa't isa. At ito namang nasa harap ko ngayon tinitigan lng ako ng pagkabagot ng ilang segundo. Anong hinihintay nya dito, pasko? "Ano na?" Irita kong sabi dito.
"No" deretso nyang sagot. aba't---- naputol ang sanang sasabihin ko ng may sumigaw.
"Oy, Kevin! Pustahan tayo paramihan ng mapabagsak ha! Dating gawi!" Rinig ko namang sigaw ni Jayson sa kabilang sasakyang pinagtaguan nya.
"Sge ba! 10k!" sagot na sigaw naman ni kevin sa kanya sa kabilang sasakyan naman at patuloy parin sa pagpapalitan ng putok nito.
Inilipat ko ulit ang tingin ko sa katabi kong labanos mostasa na ito. Nakipaglabanan ng titigan dito. Anong akala nya sa akin, hindi marunong gumamit nyan? Eh ano pa't tinuruan ako nila erpat gumamit at paano humawak ng baril? Minamaliit ata ako ng hilaw na labanos na'to. Agad kong hinablot sa kanya ang baril na hawak nya dahilan para mabaling ang tingin nya sa kamay ko na may hawak ng baril. Malawak akong namapangisi. At ipinakita sa kanya ang baril nya.
"Ha! Kala mo hindi ko kaya makipaglaban sa kanila?" Tagumpay kong sabi sa kanya. At magsimulang paputukan ang mga kalaban. Una kong pinatamaan ay ang lalakeng nasa pintuan nito at yumuko ulit para maiwasan ang paparating na bala sa akin."I'm just worried about your safety," bulong nya na narinig ko naman. Gulat ko syang binalingan ng tingin at kitang-kita ko sa mukha nito ang pagaalala. Tama ba ang nakikita ko ngayon? Bigla ulit bumilis ang tibok ng puso ko parang nasa karera. Yung tibok ng puso ko lng ata ang naririnig ko ngayon , hindi ang ingay na nangaggaling sa palitan ng putok ng baril. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko may sakit na ata ako sa puso sa tuwing nakikita ko ang lalakeng ito. Tama may sakit na ako sa puso. Delikado. Ayoko pang mamatay
Nabalik ulit ako katinoan ko ng bigla nalang nyang kinuha ang baril na nasa dalawa kong kamay nakahawak. "That's mine" at nakipagpalitan na ulit ito ng putok sa mga gangster ata to. Iba ang japorms eh. May gangster bang naka-black suit? Mayaman.
"Guys! I think this is an ambush! "Rinig kong sigaw ni Percy, yung pinaglihi sa sama ng loob.
"Tangna!" I heard a curses from them. Except kay hilaw na prente lng ang pagpapalitan ng putok dito. Siguro nakaamoy na syang isa itong ambush.
"Ang Black Mafia na naman!" Sabi ni Jix. Black Mafia? Sino na naman yun? Napatili ako ng may nagpaputok sa gawi ko napaharap ako sa taong iyon. Nakita ko syang nakatayo sa di kalayuan na kaharap ng pwesto ko at nakatutok ang hawak nitong baril. Agad namang napabaling ang tingin ni hilaw sa akin at napagtantong sa ibang gawi nakatingin ang mata ko kaya nilipat nya ang tingin sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
ActionJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...