Chapter 31
PINAGMASDAN ko muna sila habang nakaekis ang mga braso ko sa dibdib at nakasandal sa pinto ng kotse. Nagtitigan muna silang dalawang bago ako naman ang pinatitigan. Nakataas ang kilay ko silang tinitigan at naghihintay ng sagot.
Inilipat ko ang tingin ko sa babae na ngayon ay hindi maipinta ang itsura ng mukha niya parang matatae o kung ano. "Ano na?" Walang pasensya kong tanong sa kanila. Kanila lng nakangisi a itong tinitigan ako pero ngayon? Tsk!
Nabubulungan muna silang dalawa. Nagbabatukan pa ito kapagkuwan. Pabebe ang mga eto ha? Yumuko ako at kumuha ng maliit ng bato sa may paanan ko. Dahil maliit lang ang pasensya ko ay ibinato ko sa kanila ang batong pinulot ko.
Narinig ko namang namumurahan sila dahil sa ginawa ko. Masama naman nila akong binalingan ng tingin "Pwede ba paki dalian ang pag-eechos nyo dyan! Masama pa naman ako magalit pagmagutom" sabi ko sa kanila.
"Bakit? Ano bang laro yan?" Tanong sa akin ni kuyang panget na mas gwapo pa si Empoy sa kanya. Ngumisi ako at umalis sa kinasasandalan ko at lumapit ng konti sa kanila.
Inilagay ko muna ang hintuturo ko sa baba na para bang nagiisip. Ano bang laro ang mas maganda? Yung tipong may originality at hindi pa nalalaro ng mga tambay na tulad ko.
Binalingan ko ng tingin ang babae na nasa gilid nila. "Ano bang mas maganda na laro?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm...tumbang preso?" Sagot nya kapagkuwan. Nahihibang ba ang babaeng ito? Sabi ko laro. Hindi yung laro pangkalye. Pero kasalanan ko naman dahil hindi ko sinabi kung anong laro talaga.
Pero may point siya dun. Ano kaya kung tumbang preso? Pero common na laro yun 'e. Yung unique. Aah! Alam ko na.
"Ganito pagtalo kayo, wag nyo ng galawin ang babaeng yan at wag na wag na kayong magpapakita sa akin or else...sira pagmumukha nyo." pagsasalita ko.
"Paano naman kung kami ang mananalo, aber?" Tanong ni kuyang panget na katabi ni kuyang panget.
Nagkibit-balikat ako bago sinagot ang tanong nila. "Kayo ang bahala"
Napangisi sila sa sinabi ko dahilan para kabahan ako sa mga tingin nila, lalo na sa likod ko. Wag niyong sabihing....
"Kung kami ang matatalo...sa amin na yang magara mong kotse" nalaglag ang panga ko sa sinabi ni kuyang panget. What?!?! Kay bago-bago pa niyan! Wala pang isang araw ko pang nagagamit yan tapos ipupusta ko sa babaeng yan? Sa tansya ko mas mahal pa ito sa buhay niya 'e.
"Are you f.cking serious?" walang emosyon kong tanong sa kanila pero sa loob-loob ko gusto na silang gilitan ng leeg.
"Oo naman!"
"K. Fine." sagot ko. Sisiguraduhin ko talagang matatalo kayo at paguumpugin ko talaga ang mga pagmumukha ninyong makakapal ang mukha na makapal pa sa mukha ni Vicente.
"Anong laro ba yan?!" Sabi ni kuyang panget.
"Bato-bato pick," walang emosyon ko paring sagot sa kanila. At wala rin sa isip kong sagot. Sh.t! Bakit yun ang napili ko? Hindi pa naman ako marunong nun. Tangana lang!
"Magaling ako diyan, pare! Kaya ako ang toka dito...para mapasaatin ang ang magarang kotse niya," pinatabi niya ang kasama niya. At ngumisi ito ng malawak at lumapit sa akin at inilihad ang kanang kamay nito.
"Ano na?" Iritado niyang tanong. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo.
Napabuntong-hininga ako. Wala na akong magagawa pa. Napasubok na 'e. Humanda talaga ang babaeng ito kung matalo ako kung sakali. Pero may plan B pa naman ako no'! Hindi ako bobo para ipamigay lang sa kanila ang Bebe ko.
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
ActionJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...