TSG#7

30.8K 728 2
                                    

Chapter 7

NAGSIHAWIAN ang mga estudyante sa corridor ng school nararamdaman siguro nla na badtrip na bandtrip ako ngayon o kaya nabalitaan na nila ang nangyari sa kotse ko. Chismis nga naman.Bubugbugin ko kung sinong poncio pilato ang gumawa nun sa kotse ko. Ang walang kamalay-malay na kotse dinamay sa pantitrip nya.

Malaman-laman ko lang na sya ang may gawa nito, sisiguraduhin kung hindi sya makakapaglakad ng isang taon. Ang hirap pa naman makuha ang kotseng yun, nag-ala gangster pa ako, makuha ko lang ang kotse. Galing sa dugo't pawis.

Nangmarating ko ang lugar na ito, agad kung sinipa ng marahas ang pintuan dahilan upang ito ay masira. Nang makita nila ako, gulat ang nasa pagmumukha nila. Tinignan ko sila isa-isa at nang mapadako ang tingin ko sa lalakeng sadya ko dito. Napaatras at nanginginig ito sa takot. Nilapitan ko sya at kinuwelyuhan.

"Mali ka ng pinagtripan mong kotse." tiim bagang wika ko rito, sa lalakeng nakabangga ko kanina. Oo, sya lang naman ang may kayang gumawa nito dahil may matinding galit ito sa akin, dahil doon sa kotse nila. Bagay lng yun sa kanila dahil binubully nila yung babaeng nerd noon.

"Lumaban ka ng patas, hindi yung kotse ko ang pagtripan mo," dagdag ko rito.

"Boss..." sabi nung lalakeng nasa likod ko. Hindi ko sya pinansin. Nakatuon lang ang tingin ko sa boss nila.

"Sumagot ka!!" Singhal ko sa kanya.

"Hey!" Hahawakan sana ako ng isang kamyembro nya pero naunahan ko na ito, binalibag ko sya dahilan para sumugod ang iba pang kasamahan nito. Wala ng makakapigil sa akin kapag nasa ganitong sitwasyon ako. Kung pagtripan kaya ang pinakamamahal mong kotse tignan ko lang kung hindi ka magkakaganito.

Nang isa nalang ang natitira sa kanila na papasugod sa akin ay sinamantala ko na ito at hinigit sya sa kamay at marahas itong pinatalikod at agad kong pinatamaan ang ugat nito sa leeg dahilan para matumba at mahimatay. Hindi nmn maselan yung ugat, maswerte nga siya nahimatay lng ito at hindo pinatulog ng ilang buwan.

Pagkatapos ko sa kanilang lahat hinarap ko boss nila na ngayon ay bakas na sa mukha nito ang takot at panginginig.

"Sh-t...i-inutusan lamang kami, Jakie..." nauutal na wika nito.

"What?!?" Iritadong tanong ko sa kanya na nakatayo lamang sa harap nito.

"I-inutusan lng ka-kami" ulit nito. Ngayon hindi ako galit kundi to the highest level na talaga ang galit ko.

"Who?!?" Kalmadong tanong ko. Kinalma ko na ang sarili ko at baka hindi ko sya matansya at matulad sya sa mga kasamahan nya.

"S-si Vein." nang marinig ko ang pangalang yun, iisa lang ang taong nasa isip ko. Langya!!

Nagpantig agad ang mga tenga ko kung pwede lang talaga umusok ang ilong at tenga ko ay umusok na sa galit.

"Nasaan sya ngayon?" Tanong ko dito.

"Sa pagkakaalam ko nasa Devil Square Bar sya ngayon, kung saan sila tumatambay ng ka-gang nya." sagot nya.

Pagkarinig ko nun ay umalis na ako sa lugar na ito. Ano bang problema ng lalakeng yun? Nung isang araw lng parang baliw ng sunod ng sunod sa akin at ang akala ay mabait sya dahil tinulungan nya akong ihatid sa school clinic dahil sa katangahan ko. Oo nga pala ano pa ang silbi ng kasabihang Maraming namamatay sa maling akala . Dahil sa maling akala, kamuntikan ko ng nalumpo ang mga lalakeng yun kanina. Haaayysss

Pagkarating ko sa parking lot ng school ay agad akong pumasok sa kotse at hindi inalintana ang tingin ng mga tao dahil sa make over ng kotse ko. Binuhay ko ang makina at pinaharurut papunta sa lagur na 'yun.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon