TSG#10

29.8K 646 3
                                    

Chapter 10

BORING. Nakapaka-boring. Walang magawa dito sa bahay, nakatulala lang ako dito sa kisame ng kwarto ko dahil weekend at tinatamad din naman akong gumala at makipagbugbugan diyan sa tabi lalong-lalo na nandito na yung baklitang yun. Malalama't-malalaman noya kung ano ang ginagawa ko, hindi ko nga alam kung paano nya nalalaman kung ano ang kabulastugang ginagawa ko.

Aaarrrggghh...

Napabangon ako sa kama at ginulo ang buhok ko. At tinanggal ang nakasalpak na earphone sa tenga ko. Ano bang gagawin ko? Napahinto ako sa pagiisip ng may marinig ako sa ibaba, sa sala. Napakunot ang noo ko. 

Ano yun? Ganun ba kalakas ang music ko kaya hindi ko marinig ang ingay na yun. Tumayo ako, lumabas ng kwarto at pinuntahan ang ingay nayun. Gulat ko nalang ng makita kung anong nangyayari dito sa sala ang daming taong naka-men in black at nakita ko sila mom sa may harapan nito parang may sinasabi sa kanila. Teka, anong nangyayare? 

Napalingon sila mom sa gawi ko na seryosong-seryoso ang mga mukha nito at napalitan ito ng matamis na ngiti. At binalik ulit ang tingin nito sa mga lalakehang naka black. Nakatingin lang ako sa kanila hangaang sa matapos sila sa paguusap at umalis na ito. 

"Ano yun?" Tanong ko agad sa kanila pagkaalis na pagkaalis ng mga men in black. 

"Oh. Its nothing, honey." sagot ni mommy. "kumain ka na?" Pagiiba ng topic nito. Nagkibit-balikat ako baka ka-business lang nito. May business kasi sila mom kaya siguro ganon. 

"Hindi pa po." 

Sinabayan ako ni mom sa breakfast kung breakfast pa ba tawag nito. Nagpaalam naman ako kay mom pagkatapos kong kumain na lumabas, gagala. Pagkalabas na pagkalabas ng bahay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko, kinuha ko ito sa bulsa ng jeans ko. May tumatawag pala.

Vicente's Calling...

"Oh?" Tanong ko agad dito pagkasagot sa tawag nito.

"Hindi ba uso sayo ang batian sa phone bakla?"  Sagot nito sa kabilang linya.

"Hindi. Anong kailangan mo, ba't napatawag ka?" Tanong ko dto habang naglalakad.

"Payn. Shopping tayo gurl,"  pagaanyaya nito.

Napakunot ang noo ko. Ayoko nga ang boring na nga dito sa bahay magshoshopping pa eh mas Boring kaya yan. Last time nung isinama ako ni Em sa pagshoshopping nya napakaboring talaga nun mas gugustohin ko pang mambugbug kesa sa girly staff na yan.

"Ayoko, tinatamad ako." sagot ko kaagad dito. Masama na kung masama basta ayokong sumama.

"Aaay...sige na please, ilelebre kita pagkatapos." naiimagine ko na nakapout ang bakla na ito. Napangiwi nlng ako sa inisip ko at napailingin.

"Ayoko nga. May lakad ako, si Em nalang  isama mo" palusot ko.

"Oh. Lakad saan? Sabay na tayo" 

"Hindi pwede," wlang emosyon kung sagot dito.

"At saan ka na namn pupunta aber? Makipagbasag ulo na naman noh?" See? Alam nya. Hindi agad ako nakasagot dahil may naramdaman akong tao sa may likuran ko. May sinasabi pa si Alex sa kabilang linya pero hindi ko pinakinggan iyon at nakatuon lng ako sa sumusunod sa akin sa likod habang naglalakad ako, malayo-layo pa nmn ako sa bahay. Napakamot na lng ako sa ulo ko kung nasaan na ako ngayon. Nandito na namn ako. 

Bakit dito sa lugar na'to nangyayare ang lahat?

Nagising ako sa realidad ng magsalita ang nasa kabilang linya. "Hoy!! Nakikinig ka ba huh?!?" Singhal nito sa kabilang linya. Napangiwi ako at inilayoang phone sa tenga sumigaw ba naman daw.

"Call you later..."  agad kong binaba ang tawag at hindi na pinakinggan ang huling sinabi nito. Tss, dito na naman wla na bang ibang lugar na mapadpad ako kungdi dito sa warehouse nato? Agad kong hinarap ang taong kanina pa sumusunod sa akin. Laking gulat ko nlng kung sino ito. 

"YOU! bakit mo ba ako sinusundan? Stalker ka ba?" Asar na sigaw ko dito. Nagkibit-balikat lng ito habang nakangisi.

"Kung yan ang iniisip mo," napasingkit ang dalawa kong mata. Hindi namn sa assumera ako pro yun talaga ang lumabas sa bibig ko. 

"Hoy! Drexel, kung ano man ang kailangan mo sabihin mo na," oo ang hilaw na pinoy nato ang sumusunod sa saakin at ano na naman ang nahithit nito at sinusundan na namn ako. Napacross-arms ko sya tiningnan at naghihintay ng isasagot nya sa tanong ko. "At hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo sa kotse ko." dagdag ko pa. 

Napabaling ang tingin ko sa paparating na mamahaling kotse at huminto ito sa tabi namin. 

"Sakay," utos nito sa akin. Napaangat ang isa kong kilay.

"At bakit?" Pagmamatigas ko. "Aww,"

Bigla nalang nya akong hinigit at marahas na pinasok sa passenger seat at sumunod naman ito.  Ang shaket ng braho ko huh. Sinamaan ko sya ng tingin at hindi naman ito natinag. 

At inutusan ang driver na pumunta sa supermarket. "Anong gagawin natin dun?" Hindi ito sumagot. Hindi nlng pa ako nagreklamo dito wala rin naman akong mapapala. Tahimik lang kami boung byahe at nakarating naman kami sa supermarket. Pagkahinto ng sasakyan sa parking lot agad itong lumabas.

"Stay here,"sabi nito at isinara ang pinto. Oki payn. Kami nalang ni manong driver ang naiwan dito sa sasakyan.

"Manong, may topak ba yang amo mo?"tanong ko agad dito. Fc much.

"Ha? Hindi ko po alam ma'am," napakamot naman ito sa ulo. 

"Aah. Okay" itinuon ko nalang ang tingin ko sa labas at hinihintay bumalik ang lalakeng yun. Dahil sa paghihintay may nakita akong dalawang taong nakatingin sa di kalayuan dito sa gawi kong saan nka park ang kotse. Hindi naman ako mahahalata na nakita ko sla dahil tinted ang bintana nito. Sino sila? Mas itinuon ko pa ang tingin ko sa kanila nang biglang may tumapik sa balikat ko at napatingin naman ako dito, nakita ko si Drexel na may dalang plastic. Binaling ko ulit ang tingin ko sa dalawang tao sa labas kanina pero wla ng tao dun.

Tinignan ko ulit si Drexel na may dalang Plastic bag. "Ano yan?" 

Binigay nya ito sa akin. "Hindi ko alam kung anong brand ang ginagamit mo kaya binili ko na lahat kung anong nandun." pahayag nya at tinignan ko nmn ang laman nito. Sanitary napkins? Gulat ay nakakunot noo ko syang tinignan.

"Natagusan ka." Walang paligoy-ligoy na wika niya, nakatingin lng ito ng mariin sa akin na walang kahit na emosyon na mababakasan dito at inutusan ulit ag driver nito na umuwi.

Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay agad akong bumaba sa kotse at nagmamadaling pumasok at hindi ko na nagawang makapagpasalamat dahil sa nakakahiyan, bwisit bakit ngayon pa? Alam kong normal ito pero nakakahiya parin, sa lahat ng tao bakit si Drexel pa ang nakakita. 

Ang tanga mo talaga jakie. Singhal ko sa sarili ko. Agad akong pumasok sa banyo at nagpalit. 

Teka, Bakit nga ba nandito ang hilaw na pinoy na'yun? 

#IamDyosa

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon