TSG#37

12.8K 313 11
                                    

Chapter 37

24th of September, 2002
South China Sea, 2200 Hours |

INGAY ng barko ang naririnig ng batang si Jakie sa boung paligid at ang mahina nitong iyak. Hindi nya alam kung nasaan siya at bakit at sa anong dahilan kung bakit siya kinuha ng mga taong itong hindi niya kilala na sa di kalayuan mula sa kinalalagakan niya ay nagtatawanan pa ito.

Habang umiinom ng alak na nasa bote at humihit-hit ng sigarilyo. Hit-hit buga ang ginagawa napapa-ubo rin ito minsan dahil sa usok ng sigarilyo na nanangagaling. Nag-iisang ilaw lamang ang nasa kinaruruonan niya dahilan para hindi niya maaninag ang mga ito.

Napaigtad si Jakie sa gulat ng biglang hampasin ang mesa ng isa sa mga lalakeng nagbabantay sa kanya at tumayo ito at lumapit sa kanya na madilim ang mukha.

Lumuhod ito sa harapan niya para magkapantay sila at mahigpit na hinawakan ang pisngi nito at inilapit sa mukha ng lalake. Napangiwi ito sa sakit.

"Tumahimik ka!" Sigaw nito sa mukha niya na mas lalong ikinahagulgol nito ng iyak.

"Aahh!" Daing ni Jakie dahil mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa mukha niya.

"Sabi kong tumahimik ka, tumahimik ka!" Ulit nito. Mas domoble ang nararamdamang kaba ngayon ni Jakie.

"Pare, tama na yan nasasaktan yung bata at kung malaman 'to ni Boss, hindi ka talaga sisikatan ng araw...kailangan niya ang bata." pagapapaalala nito ng isang kasamahan ng lalake.

"Nakakairita kasi itong batang 'to, tsk!" Wika niya at marahas na binitawan ang pisngi nito at umalis sa lugar na iyon.

Humagulgol lang ng iyak si Jakie. Nanginginig ito sa takot ng iniwan siyang mag-isa sa kwartong iyon.

Takot. Yun ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito. Takot na baka patayin siya ng mga ito. Takot na baka hindi na niya makikita ang mga magulang nito at ang pinakamamahal na kakambal.

Matapang man siya sa tingin ng mga taong nakapalibot sa kanya pero may kahinaan rin siya. Ang kanyang pamilya.

"I want to go home..." bulong ni Jakie sa sarili niya at mas idinikit ang karawan nito sa malamig na pader. Nasa mga tuhod nito ang dalawang brasong nakayakap.

Everything happens in a blur. Parang at ang bilis ng pangyayari, nalaman na lang niya na andito na siya sa lugar na ito and boom! It's happened. Nasa loob lang siya ng kinalalagakan ng party at lahat ay napakabilis na lang, nagkakagulo ang paligid at may bigla nalang kumuha sa kanya at eto, nandito siya sa lugar na hindi niya alam.

Napamulat siya at nagpalingalinga sa paligid ng may mahinang boses ang tumawag sa kanya. Hinanap niya ang boses na iyon pero wala parin siyang makita. Ipinilig niya ang ulo at baka emahinasyon niya lamang iyon. Pero lumilingalinga ulit siya ng may tumawag ulit sa kanya. Napakunot ng noo ito at ibinaling ang tingin sa paligid.

Nang mahanap niya ito at makita ang bulto ng isang tao sa napakadilim ng kinalalagakan nito. Mas isiningkit nito ang mata na kagagaling sa iyak para maaninag ang taong ito.

"S-sino ka?" Wika ni Jakie. Bumadha ang takot nito na baka papatayin siya ng taong ito.

Lumapit ito sa kanya at ng maaninag ang mukha nito at nanlaki ang mata ito. Ang takot nito ay nawala ng makita ang taong ito at napalitan ng kasiyahan.

"Dreー!"sisigaw sana siya ng pigilan siya nito.

"Sshh!!" Anito habang nasa bibig niya ang isang daliri nito. "Don't shout..." mahinang bulong nito at napalinga-linga ito sa paligid.

Tumango nama si Jakie bilang pagsang-ayon at ginawaran ng tingin ang paligid.

"What are doing here?" Kapagkuwan ay tanong nito.

MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon