Jakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig.
Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jun Matsumoto (Jun)
Chapter 22
HABANG mahigpit ang hawak sa kamay ni Drexel. Nasa harapan namin ngayon ang mahigpit na kalaban nila Hilaw na Mafia. Black Mafia.
Seryosong nakatingin ngayon ang mga mata ng mga kasama ko, sa ano mang sandali ay maglalabas sila ng kani-kanilang mga armas.
Habang ako naman dito ay pinagpawisan na ng malagkit ang mga kamay kong nakahawak sa kamay ni Drexel. Alam kong basagulera akong tao pero pero andami naman ata nito tapos kami wala sa kalahati ngayon sa harapan namin. Is that unfair, right?
"This is interesting, right?"wika ng babae sa harapan namin ngayon. Habang nasa baba nito ang hintuturo nito na may hawak na caliber 45 pistol. Ngumiti naman ito ng mapangasar at isa-isa kaming mariin na tinitigan. "Hmm...The son's and daugther of the Seventh Assassinisama na rin ang Mafia heir, this is a total jackpot if I killed the both of you," dagdag pa nito.
Minamaliit ata kami ng babaeng hampaslupang ito sa tingin nya mga mahihina kami? Eh kung pasabugin ko kaya ang bungo nya at magkaalaman. Nagpupumiglas ako na makawala sa pagkakahawak ni Drexel sa akin pero masyado syang malakas kaya tumigil na ako.
Naiinis ako sa pagsasalita ng babaeng ito. At ito namang katabi ko kinarir ang paghawak sa kamay ko.
"Well see..." ana ng katabi ko. Nakakatakot ang aura nya ngayon parang mangangain ano mang oras.
Tinitigan ko lng ang babae sa harapan namin na pinaliligiran ng mga naka-suit na mga lalake napansin ko rin na may ibang babae din itong naka-suit.
Hindi ko mapigilan na tignan ang postura ng babae sa hatapan. Hindi katulad ng nakaharap namin noon wala itong maskara. Maaliwalas pa sa liwanag ng buwan sa gabing ito ang napakaganda at napaka-inocenteng mukha nito aakalain mong isa itong anghel ngunit may mala-dimonyo ang budhi nito. May pagkasingkit ang malaabo na mata nito at malaabong mga mata. Perfect chin, matangos ang ilong at maninipis na labi.
Napangisi ang babae dahilan para mabalik ako sa mukha nya at sa realidad. Mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak sa kamay ni Drexel.
"Is that so, and I Don't care about the code." ulit na sabi ng babae at unti-unting nawawala ang ngisi nito "Boys..." anito. Dahilan para mapahakbang ako paatras.
Hudyat iyon para ikasa nila ang mga armas nila at itutok ito sa amin. Narinig ko naman ang mahihinang mura sa paligid ko.
Napatili na lamang ako ng isa-isa silang magsimulang paputukan ang kinalalagyan namin. At dahil doon ay hinigit ako ni Drexel papalapit sa kanya at tumakbo sa malapit na kotse. A white Lamborghini Aventador, rather.
At doon kami nagtago, habang patuloy parin sila sa sunod-sunod na pagpapaputok at wala itong tigil. Binuksan ni Drexel ang likod ng kotse dahilan para mapatingin ako sa kanya.