Chapter 44
"OO NGA PALA..." nalipat ang tingin ko sa harapan ng basagin niya ang malalim na aking pag-iisip.
Nakaupo ito sa harapan na kaharap ko ngayon at may kung anong ibinigay sa kanya ang kasa-kasama niyang lalake pagkalapag ng private plane nito.
Nasa himpapawid na kami papauwi sa Pilipinas at iniwan ang mga kasamahan ko sa Italya ng walang paalam.
"Here..." inabot niya sa akin ang isang brown envelope na nagpakunot sa noo ko.
"What's this?" Bahagyang tanong ko habang pinagmasdan ko ito.
"Hmm...your favor?" Patanong na sagot niya.
Pinukulan ko ito ng masamang tingin.
"Wag mo akong iniisin...badtrip ako ngayon..." saad ko na lang at pinagmasdan muli ang brown envelope.
"Edi wow! Ikaw pa nga itong tinulungang sinundo rito ikaw pa ang may ganang magalit..." he paused. "Your welcome Jakie.." sarkastikong wika niya habang nakangiti at napahalumbaba sa katapat nitong mesa at nakadungaw sa labas ng bintana.
"Tss" sinimulan ko na itong buksan ng magsalita ulit ito.
"Kung talagang bubuksan mo yan, kailangang handa ka sa mababasa mo" makahulugang saad niya.
Tinaasan ko ito ng kilay.
I'm always ready...
Aakmang bubuksan ko na sana ang envelope ng mag-ingay ang cellphone niya. Yung nakakairitang ringingtone na kapag may natanggap na mensahe 'e yung tunog na ang lakas-lakas ng volume na maririnig ng pilot sa lakas ng tunog nitong di-keypad na My phone niyang dual sim with TV. Yung ganun.
Masama ko naman itong tinitigan na hindi niya pinansin at dinukot lang niya ito.
May kinalikot sa selpon niya pagkatapos ibinalik sa bulsa.
Naasar pa rin akong nakatingin rito na nagpabaling sa atensyon niya.
"What?" Pa-inosenteng tanong nito.
"May pag-aari kang mamahalin kotse at private plane pero kahit selpon di-keypad parin? Kahit lumevel-up man lang sa selpong may facebook hindi mo magawang bilhin? Ginagago mo ba ako?" Mahabang lintaya ko sa kanya na nakatingin lang sa akin na wala lang yung sinabi ko.
Nagkibit-balikat siya. "Sabi ko na diba madali lang gamitin ito at nakaka-gm agad atsaka...kahit mahulog pa ito ng ilang beses hinding-hindi ito madaling masira at hindi ako mata-track ng kung sino man.." sagot niya ay nagtataas baba ang kilay nito.
Pinagmasdan ko lang siya. "Paano ka nakakagamit ng selpon sa eroplano diba bawal yun?"
"I have my ways Jakie..." parang may naalala ako sa sinabi niya at iisang tao lang ang nasa isip ko ngayon.
Shit! Kung anu-ano na lang ang pinag-iisip ko.
Ipinilig ko ang aking ulo upang makalimutan ang nasa isip ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagbukas nito at kinuha ang nasa loob.
Nagpantay ang mga kilay ko sa unang pahina. Isa itong dyaryo na pina-photocopy at umagaw agad ng pansin ang nakalagay sa front page nito sa malalaking letra. THE LOST DAUGHTER OF GRANT'S HASN'T FOUND YET. At thirteen years ago pa ang balitang ito.
Hindi ko na binasa ang iba pa nitong impormasyon dahil inilipat ko ito sa isang pang impormasyon nila ermat at erpat. Alam kong isa silang assassin or agent ng isang kilalang pamilya dito sa bansa.
At ang pamilyang ito ay ang pamilya ni hilaw. The VA Empire.
Hindi ko alam pero simula pa lang ba kilala niya ba ang mga magula ko o kung mga magulang ko nga bang maituturing o di kaya kilala nila erpat at ermat si hilaw simula't-sapol.
Inilipat ko ulit ang isang pang papel at nakita ko rito ang isang batang lalake na kamukhang-kamukha ni erpat. Gregg Yohan Rose.
BINABASA MO ANG
MAFIA 1: The Swag Girl (Completed)
ActionJakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang maging astig. Wala sa bukabolaryo nito ang takot. Siya mismo ang naghahanap ng gulo. Pero ang sa paghahanap nito ng gulo ay may matuklasan siyan...