CHAPTER 5

40 8 1
                                    

Gaize Jimenez P.O.V

Nahinto kami sa paglalakad ni gunggung ng makita namin ang mga SSG council kasama ang mga SSG officers na pinupulot ang mga flyers daw na ginawa ng bagong SSG president.

Nailing nalang ako dahil sa ginawa ni Callixian.

Si Callixian ang may kasalanan kaya maraming flyers ang nagkalat, samahan mopa ng mga studyante na barombado.

"Hoy!" Tawag sa 'kin ni Arjhon.

May dala kaming mga pagkain na galing sa ibang studyante, ka-kagaling lang namin sa cafeteria para mag papansin.

"STOP DOING THAT!"

Isang babae ang naka pa-meywang ang kumuha ng attention namin.

May mahaba at straight itong buhok, at sheyt? Ang ganda ng katawan. At ito 'yong nakita namin noong nakaraan.

Nanatili lang kaming nakatayo sa di ka layuan, habang pi-nag mamasdan sila.

"Iyan yung ssg president." I formed my mouth into an 'o' dahil sa sinabi ni Arjhon.

"Talaga?"

Inagaw ng babae ang hawak na flyers ng mga ssg at saka iyon itinapon muli.

"Sa tingin n'yo anong pakiramdam ko ngayon?" Kalmado ang boses nito, pero nan doon ang galit na tinitimpi.

"Prez."

"Dalhin niyo lahat ng student dito." Saad pa nito.

"Pero prez, hindi namin kaya. Hindi sila susunod sa amin."

"Ang hihina n'yo." Umalis ito sa harapan ng mga ssg.

Nag-katinginan naman kami ni Arjhon, at pareho kaming sumang ayon na sundan ang SSG president. Gusto lang namin maki 'syoso.

Nang mapansing pumasok ito sa section Vitale ay pumasok din kami pero sa likod na pinto kami dumaan para hindi mapansin ng SSG president.

Gulat naman na napa tingin samin ang mga na kaupo sa likod, sinenyasan ko ang mga ito na umalis sa kanilang upuan para roon kami umupo. Agad naman silang sumunod at lumipat sa gilid.

"Sino ang class president dito?" Tanong ng ssg, habang kalmado parin ang boses.

Ilang secondo bago magsalita muli ito.

"Sino ang class president dito." It's not a question, it's a serious statement.

Pero wala paring sumagot.

Lumapit ito sa lalaking na kaupo sa harap saka sinampal ng malakas iyon na ikinagulat naming lahat.

"Damn." Mahinang sambit ni Arjhon, at maging ako ay na pamura din.

"Inu-ulit ko, sino ang class president dito." Sa lalakeng sinampal niya ito naka harap, yung lalake naman ay naka hawak na sa pisngi.

Muli niya itong sinampal ng hindi sumagot.

At ng sa-sampalin ng SSG president iyon muli ay tumayo na ang class president.

"Anong karapatan mo para sampalin ang isang studyante!?"

Tumikom ako ng bibig, habang si Arjhon naman ay kumakain.

"Because I'm the president?"

Shit, mukhang ma-papasabak si Callixian dito sa babae pag nag kataon na mag cross ang landas nila.

"Ssg president vs class president, geez...exciting." Nguyang sambit ni Arjhon.

Natatawa nalang ako habang nanonood.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon