CHAPTER 33

25 7 0
                                    

Ametriux Alajar P.O.V

"Ametriux." Rinig kung tawag sa 'kin ni Callixian mula sa likuran.

Narito ako ngayon sa garden.

Nag mumuni-muni.

Na palakas yung sampal sa 'kin ni Jazmin kanina, na kakaloka. Tapos si Kia naman sinabunutan ako ng walang dahilan.

Nagulat nalang ako bigla niyang hinablot ang buhok ko. Hindi ako naka palag dahil naitulak niya 'ko agad, kaya na pasobsob ako sa sahig.

Ang sakit ng anit ko ah. Lalo na yung puwetan ko.

Nasinghap ako ng malamang nasa tabi kona si Callixian at hawak nito ang namumula kung pisngi.

"Aniyare sa pisngi mo?" He asked.

"Sinampal ko sarili ko, happy?" Sarkastiko kung usad.

Hindi ba niya na hahalata? Dahil sa bakat ng kamay ni Jazmin ay halatang sinampal ako. Abnormal.

Bigla niyang hinapit ang braso ko at itinaas ang sleeve, gulat siyang tumingin sa 'kin. Bumaba naman ang tingin niya sa binti ko, lumuhod siya saka hinawakan ang binti ko.

May pasa nga pala ako sa binti at gasgas sa braso.

Na tawa ako ng mahina. Mukhang hindi ko nalagyan ng bb cream ang pasa ko sa binti.

Tumayo siya at pinantayan ako.

"Ametriux-"

"Tss. 'Wag mona ituloy." Inirapan ko siya. "Na aawa ka sa 'kin noh?" I smiled a little.

Dapat lang na maawa siya. Ka awa-awa naman talaga ako. Wews.

"Alam mo calli-"

Nimilog ang mga mata ko nang mahigpit niya 'kong yakapin. Ramdam ko ang pagtibok ng puso niya at ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Para 'kong naistat'wa sa position namin.

Hindi ko alam kung itutulak ko siya o yayakapin pabalik. Naguguluhan ako kung bakit niya 'ko ni-yakap.

Ilang saglit ay siya na mismo ang bumitaw.

Naka kunot lang ang noo kung naka titig sa kaniya.

"F*ck!"

Umawang ang labi ko ng layasan niya ko, nakansunod lang ang mata ko habang palabas siya ng pinto.

Problema ng lalaking 'yon? May saltik na naman. Umiling nalang ako saka bumaba ang tingin sa mga studyante na akala mo'y mga batang naglalaro.

Ang saya nila ah.

KASAMA ko ngayon si Lixen at palabas na kami ngayon ng gate.

Pinapasok niya 'ko sa sasakyan niya, saka ito pinaandar.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako, ganuon din si Lixen.

Nasa labas ng bintana ang tingin ko.

Yung mga salitang binitawan ni Kia at Jazmin kanina aaminin kung masakit iyon dahil tagos iyon sa puso ko.

Ikaw ba namang sabihan ng walang k'wenta? Sinong hindi masasaktan roon. Gusto nila kung umalis sa campus na 'to sa hindi malamang dahilan.

Naisip ko si Lixen na nakatutok sa daan. Alam kaya nito kung ano ang dahilan?

"Lixen." Basag ko sa katahimikan.

"Oum?" Anito.

"Hindi ka naman tanga para hindi sabihin sa 'kin ang nangyayari diba? Alam kung may alam ka."

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon