CHAPTER 40

29 5 0
                                    

Naka upo lang ako sa buhanginan.

Nakapalit na 'ko ng damit.

Leggings at crop top, naka pony tail din ang mahaba kung buhok.

Bumalik ako dito sa resort. Gusto kung mapag-isa.

Naka silay lang ako sa dagat na patuloy lang sa pag-alon. First time kung maka punta dito sa Ducit Thani Mactan Cebu Resort.

It's so calm here. Ito ang gusto ko, tahimik, walang maingay.

Tanging paghampas lang ng alon ang naririnig ko sa paligid. Tumayo ako at humakbang papalapit sa dagat, idinampi ko ang paa habang pinaglalaruan ang tubig.

"Parang bata."

Nilingon ko iyon at sumilay sa akin si Callixian na naka pamulsa sa cargo niyang short.

"11 pm na, pumasok kana sa kuwarto mo. Gabi na narito kapa."

"Paki mo?"

Masyado talagang pakilamera itong lalaking 'to.

"Kung walang alon ang dagat, sa tingin mo masaya bang pagmasdan?"

Na upo muli ako sa buhangin at pinag-isipan ang tanong niya.

"Hindi?" Tanging sagot ko.

"Yah. Hindi, kasi parang sobrang lungkot naman nun. Parang buhay lang natin, kapag wala ang magpapasaya sayo parang feeling mo walang ng saysay ang buhay mo."

Nag-eemote ba 'to ngayon? Parang may pinapahayag na ewan.

"Hindi porket walang magpapasaya sayo ay wala naring saysay ang buhay mo. Kaya kanga nagkaroon ng buhay para pahalagahan mo." Tinarayan ko siya dahil mukhang hindi ata na gets ang sinabi ko.

"Isipin mo. Kung ang alon ang nagbibigay buhay sa malungkot na dagat. Ganoon din ang buhay na mayroon tayo. Sarili din natin ang parang alon sa buhay natin. Kung malungkot ka at feeling mo nag-iisa ka, hindi mo kailangan ng taong magpapasaya sayo. Bakit mo kailangan nun, kung puwede mo namang gawin iyon sa sarili mo?"

Hindi ako magaling sa advice kung may problema nga itong panget na 'to. Pero masasabi kolang na tayong mga tao ang parang alon sa sarili nating buhay. Dahil tayo ang gumagawa ng problema natin.

"Kung ang alon na problema ang darating sa buhay mo, tanggapin mo. Wala kang choice, alon mo 'yon. Pero kung alon ng kasiyahan at ang kapalit ay kalungkutan, wala karing choice, kundi tanggapin." Dagdag kopa sa mahinang boses.

"Pero ang alon na dumating sa buhay ko at nagparamdam ng kasiyahan sa 'kin ay unti-unting binuksan ang puso ko para kalimutan ang nakaraang alon na mayroon ako."

Ano daw? Medyo na lutang ako.

Pagtingin ko sa kan'ya ay naka titig din siya sa 'kin. S'ya na mismo ang umiwas.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Wala. Matulog na tayo." Tumayo siya at nag-umpisa ng maglakad papalayo.

Tingnan mo 'yong lalaking 'yon, matapos akong kausapin lalayasan ako.

Ang sarap talagang bugbugin!

Nang makabalik sa hotel ay nadatnan kung umiiyak si Jazmine. Taka akong tumabi sa kaniya.

"May problema ba?" I asked while rubbing her back.

"Nope." Tipid niyang saad.

Ngumiti lang siya saka humiga ng patagilid sa kama.

Kanibukasan nag-empake na kami, ngayon naman ay pababa na ako nang matapos kung ayusin lahat ng gamit sa maleta.

Na abutan ko sina Anie sa labas ng Van. Ang ibang Van ay na una na sa airport, dalawang Van na lang ang narito.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon