CHAPTER 17

26 7 0
                                    

"Sa ngayon kailangan lang natin na layuan siya o di kaya ay 'wag nalang natin siya pansinin."

Natigilan ako sa pinto ng faculty ng marinig ko ang seryosong tono ng boses ni Jazmin.

Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila kaya bahagya kung binuksan ang pinto at inilapit ang tainga ko roon.

"Papaano kung makahalata siya?" Boses iyon ni kia.

"Hindi ko alam." Ani Jazmin.

Tuluyan na akong pumasok ng maalalang kailangan kung kunin ang cellphone ko sa drawer.

Pansin kung nag-sibalikan sila sa kanilang mga upuan at tumahimik. Hindi ko nalang pinansin iyon bagkus ay naupo ako sa swivel chair saka binuksan ang drawer.

"Sinong makakahalata? At sinong lalayuan niyo?" Hindi kona mapigilang magtanong.

Nag uumpisa na talaga akong magtaka. At kapag nasagad nila ang pasensya ko ta-tadyakan ko talaga ang nga ito.

Walang sumagot kaya pinandilatan ko sila.

"Ahm. Si Lixen. Lalayuan namin yung lalaking iyon. Kasi napaka hambog na. Hayst ewan koba, masyado kasing ini-spoil ng mga magulang niya kaya ganoon at kapag pumasok iyon bukas, hindi talaga namin siya papansinin." Salubong ang kilay kung tiningnan si Jazmin.

Nag-sasalita ito pero hindi sa 'kin naka tingin. Malamang maghihinala na 'ko nan.

"Nagtanong lang ako pero ang dami mo ng sinabi." Sambit ko sabay tutok sa cellphone ko.

"Ah kase-"

"Lalabas nako paki ayos nalang ng mga file na sinend ko sa email niyong mga officers."

Lumabas nako saka tumungo sa library para humanap ng mga librong magagamit ko, may quiz kasi bukas. So kailangan kung mag-review.

"Bad day, president."

Automatic akong humarap sa likuran ko, sumalubong sa akin ang limang babaeng naka taas ang kilay.

"Yeah, bad day." Malamig kung usad.

"So, kamusta naman ang pagiging bida-bida?"

Sumalubong ang kilay ko sa babaeng rebonded ang buhok.

"Oh well. Masaya, try niyo."

Hindi ako nagpapapekto sa mga binitawan nitong salita. Sa tono ng boses nito ay halatang ayaw sa 'kin. Ngayon kolang ito nakita sa loob ng isang buwan.

"Talaga nga naman oh. Tama nga 'yong mga chismis, palaban kanga talaga."

"Do you want me to put this book inside your mouth?" I chuckled softly while glaring at her. "Well?"

Naningkit ang mata nito. "Baka nga sa 'yo ko pa gawin 'yan eh."

Tumawa naman ko ng mahina.

"I like your attitude. That's nice, masyado na kasing boring dito sa campus, wala manlang thrill."

"Ah ganu'n ba?"

Dumako ang tingin ko sa bag niya, parang may something itong kinukuha roon.

"Hindi mo birthday ngayon, kaso gusto kung gawin ito sa 'yo."

Huli na ng maka-ilag ako. Pinukpokan niya ko ng itlog sa noo. Pansin kung lahat ng studyanteng narito at nakatingin na sa amin.

Bumungisngis naman ang mga babaeng kasama ng depungal na 'to.

"Advance happy birthday bitch."

Pinunasan ko ang noo gamit ang mga kamay ko, bago ako malalim na tumingin sa demonyong nakangisi sa harap ko.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon