CHAPTER 14

29 7 0
                                    

Ametriux Alajar P.O.V

Lumipas ang isang buwan ay naging maayos naman na ang pakikitungo sa 'kin ng mga studyante.

Naaliw din akong kasama sila. Sobrang gaan lang sa kalooban na may magandang ugali naman pala sila, at sa tingin ko ay nakatulong ang mga clubs activities na ginagawa nila.

Sa sobrang tuwa ng mga co-councils ko ay nag-karoon kami ng unting salo-salo.

Narito kami ngayon sa siopao ni aling Glenda, at nag k-kwentuhan ng kung ano-ano.

"Grabe. Maganda pala na bumalik na naman sa dati ang campus." Tumingin si Jazmin sa'kin. "Salamat sa 'yo, prez."

"Ametriux nalang." Sambit ko dito, sabay lunok ng siopao.

"Puwera biro. Akala namin ay lalong gugulo ang campuz nu'ng dumating ka, kase unang tingin ko sa 'yo ay masungit ka." Mahina itong napatawa. "Nag-kamali pala kami. Salamat ulit prez...Ametriux."

Umismid naman ako. "Hindi ko naman magagawa 'yon kung wala kayo. Kaya...salamat din sa inyo."

"CLUB TAYO!?" Singit ni Lixen.

"Chaka! Anong club kadyan! Hindi puwede, baka ma-tadyakan tayo ni Ametriux." Usal ni Jazmin.

Ngiting tumango naman ako. "Ma-ta-tadyakan ko talaga kayo."

Sumimangot naman si Lixen.

"Ate glen!" Tawag ni Kenzo.

Lumapit naman si ate Glenda.

"Magkano lahat?" Tanong ni Kenzo.

"Nangs naman, libre pala ni VP!" Ani Lixen.

Salpok ang kilay kung bumaling kay kenzo.

"Kenzo, sigurado ka?" I asked.

Lampas kaming sampu na narito, tapos madami pang nakain ang iba. Sigurado akong mahal ang ba-bayaran nito.

"Nako, Ametriux. Mayaman pa 'yan sa mayaman. Politician magulang nan eh!"

Politician? Wow as in wow. Simula ngayon magpapalibre nako dito sa lalakeng 'to. Politician pala ah?

"Ikaw nga na lawyer ang parents, pero buraot." Himotuk ni Jazmin.

Natawa naman kaming lahat.

"Ikaw talaga laging papansin!"

"Papansin your face!"

"Nako, nako. Diyan nag-umpisa mga ninunu ko." Pasingit ni Kia.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng may magsalita sa likod namin at lahat kami ay bumaling roon.

"Hi guys." Boses iyon ni Arjhon, kasama nito ang anim.

"Late naba kami?" Ani Callixian.

Tumayo ako at hinarap sila.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Katamtaman ang boses ko, pero masaya ako na nandito sila.

"Napadaan lang kami." Kabit balikat na sagot ni Denmar.

Lumipas ang ilang segundo nakisalo narin sina Callixian sa 'min. Ganu'n nalang din ang taka ko dahil biglang tumahimik ang lahat.

Nasa kabilang lamesa sina callixian at sila lang ang maingay roon. Habang kami rito ay daig pa ang tupa sa sobrang tahimik.

"Bakit bigla kayong tumahimik?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"So totoo nga? Mag-kaibigan na talaga kayo?" Imbis na sagutin ni Kenzo ay iba ang tinanong nito.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon