CHAPTER 9

35 8 0
                                    

Nang maka labas ng elevator. Hila-hila ako ni Denmar kuno. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin, nag-pahila lang ako dahil sabi nito ay may importante daw dapat akong makita.

Huminto kami sa isang room na ang mga bintana ay nata takpan ng kulay abo na kurtina.

"Close your eyes, Ms. Prez."

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "At bakit?"

Imbis na sumagot pumwesto s'ya sa likod ko saka niya tinakpan ang dalawa kung mata. Ta-tanggalin ko sana ang pag-kakahawak n'ya ng bumulong s'ya.

"Prez, 'wag kang malikot."

Unti unti siyang nag lakad, sinusundan ko lang ang mga yapak n'ya hanggang sa makaramdam ako ng lamig at sigurado akong naka pasok na kami sa loob ng silid.

Nakaramdam ako ng kakaibang presensya ng huminto kami.

"I'll count from one to three before you open your eyes. Prez." Sambit nito at saka binitawan ang pagkakahawak.

Nanatili lang naka pikit ang aking mga mata. Gusto ko man idilat pero hihintayin ko nalang ang pagbilang ng mokong na 'to.

Kumunot ang noo ko nang hindi maramdaman ang presensya ni Denmar.

"Denmar?"

Still empty.

Kinagat ko ang ibabang labi.

"Denmar sinasabi ko sa 'yo kapag ako niloloko mo, makakatikim ka sa 'kin ng suntok at sinisigurado kung-"

"One." Na tahimik ako ng marinig ang pagbilang niya.

"Two."

Hindi ko alam pero na ka-karamdam ako ng kaba.

"Three!"

"TADA!!"

Napasinghap ako sabay hawak sa dibdib ko ng magulat.

Hindi makapaniwalang napa titig ako saka pinagkatinginan ang pito na may hawak na pitong cake.

May malaking picture korin na nakasabit sa board. Para saan itong ginawa nila? Pitong cake? Sinong may birthday?

"Blow the candles! Ms. Sexy!" Sigaw ng lalaking nagngangalang Arjhon.

Isa-isa silang lumapit sa 'kin. Ang unang lumapit ay si Gaize.

Kinindatan ako saka sinabing hipan kona ang kandila. Sumunod naman ay sina Arjhon, Whisckey, Kienzel, Denmar, at yung lalaking singkit na hindi kopa alam ang pangalan.

At ang huling lumapit sa akin ay si Callixian.

"Hindi kami naka punta sa court nuong nag speech ka, kaya ito na isip namin na i-surprise ka." Naka ngiti niyang sambit.

"Hindi naman tayo close. So bakit niyo ginagawa 'to?" Taka kung tanong.

Umangos naman si Callixian.

"I-blow mona nga 'to! Kanina kopa ito hawak hawak, na bibigatan na 'ko!" Ani Callixian.

"So kasalanan kopa?"

Nang bumusangot ang mukha nito ang siya namang pagtawa ko ng mahina.

"Anong tinatawa-tawa mo riyan!?" He tsked, "Mag blow kana!"

Na tatawa kung hinipan ang kandila.

"ALRIGHT! IPASOK NA ANG HANDA!" Sigaw ni Denmar.

"YOWN! NAGUGUTOM NARIN AKO!" Sigaw naman ni Arjhon.

Pumasok naman ang mga studyante na sa tingin ko ay kaklase nila. May mga dala itong ibat-ibat klaseng putahe.

Na panga-nga ako ng makita ang hawak ni Gaize na fountain chocolate.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon