CHAPTER 32

29 6 0
                                    

Jazmin Delure P.O.V

Isang malakas na sampal ang dinapo ko sa pisngi ni Ametriux.

"Ametriux umalis kana dito sa campus." Umiwas ako ng tingin dahil sa mga nagtatanong niyang mata.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, hindi kita main-"

"Shut it!" Pagputol ko.

Sinadya kung sampalin siya dahil sa mga tanong niya na hindi ko kayang sagutin dahil alam kung masasaktan siya kapag nalaman niya. Gusto ko siya mismo ang gagawa ng paraan para malaman niya. At na tatakot ako, ayokong sa 'kin niya malaman iyon.

"Ang dami kung gustong malaman, na guguluhan na 'ko sa mga inaasta niyo."

Tumingin ako sa kaniya.

"Ayaw niyo 'kong kausap? Fine. Hindi kona kayo kakausapin." Naglakad siya papalayo.

Naiwan kami ni Kia at Anie sa faculty.

Nang hihina akong umupo sa swivel chair at ganoon din ang dalawa.

"Hindi ko na kaya." Ani Kia.

"Kita ko sa mata ni Ametriux ang sakit..." Tumingin sa 'kin si Anie. "...Nahihirapan na 'ko. At dahil sa ginawa mong pagsampal, sigurado akong hindi na tayo papansinin ni Ametriux!"

"Hindi ko ginusto 'yon! Ginawa ko lang ang dapat! At alam mo kung bakit!? Kung mananatili si Ametriux dito lalo lang siyang masasaktan! Bakit ba ayaw niyong tanggapin 'yon!"

Naninikip ang dibdib ko sa mga salitang binitawan ko. Maging ako ay hindi narin kaya na nakikita si Ametriux sa komplikadong situation.

"Pagsisihan natin 'to." Seryosong sambit ni Kia bago umalis.

Sumunod naman si Anie. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko, saka ko pilit na pinapakalma ang sarili.

"Kung ako sa iniyo, kausapin niyo si Ametriux." Sulpot ni Lixen sa pinto.

Siguro kanina pa siya nasa labas at nakikinig kanina.

"Hindi ba kayo nagtataka?" I look at him flatly.

"What do you mean?" I asked.

"Hindi niyo ba na papansin?" Na upo siya ng comfortable sa swivel chair niya at matamang tumingin sa 'kin.

"Unang dating ni Ametriux dito akala natin ay kaya niya ang lahat. Though nagawa naman niya. Lalo na yung ginawa niya sa section Vitale. Lahat ng pinakitang ugali ni Ametriux nuon ibang-iba na ngayon. Kaya siguro naka kuha ng pagkakataon si Xian na kaibiganin si Ametriux para gawin ang Plano niya. Naka pagtataka lang dahil hinahayaan ni Ametriux na gawin ang mga pambubully ng mga Ladders students sa kaniya, kayang-kaya naman niyang lumaban at protektahan ang sarili."

Tama si Lixen. Napansin korin na bumait si Ametriux. At 'yon yung dahilan kung bakit puro sakit ang natatamo niya ngayon.

"Kung ano man ang nasa isip ni Ametriux, wala na 'kong pake do'n." Sambit ko.

"Yah. Pero Jazmin, hindi kaba nag aalala pag nalaman ni Ametriux sa ibang tao na pinaglalaruan lang natin siya? Sigurado akong-"

"Malamang oo! Ngayon pa nga lang na tatakot na 'kong malaman niya ang totoo! Sa tingin mo madali lang sa 'kin 'to!? Lixen, hindi! Napalapit na sa 'kin si Ametriux, kaya natatakot ako na baka lalo niya lang ako kamuhian!" Humugot ako ng malalim na hininga dahil kinaupusan na 'ko.

Ametriux was important to me. She's like my older sister. I miss how she treated me as her own sister. I miss our moments. I miss Ametriux. I want to tell her everything, but I'm afraid of losing her! I want to say sorry to her because I'm the one who hurt her! But I can't! I can't! I'm afraid!

Lalo na ng malaman ko na maaaring mapatalsik sa campus na 'to ang mga hahadlang sa plano ni Callixian. Ayokong mangyari 'yon, selfish na kung selfish, pero mahalaga sa 'kin ang pag-aaral!

Ito na nga ba sinasabi ko, nangyayari na naman ang nangyari nuon. Iniisip ko palang na darating sa point na luluhod si Ametriux sa mga studyante at makikiusap na huwag patalsikin ay na g-guilty nako sa sarili. Pero wala akong magawa! Napaka hina ko! Hindi ako katulad ni Ametriux. Ang hina-hina kung tao!

"Hindi ko na alam gagawin ko."

"Me too. But it seems like Callixian and his friends are doing well. They are all happy while Ametriux is suffering." Lixen said.

Pero bakit malapit parin si Ametriux sa pito? At anong susunod na gagawin ni Callixian sa kaniya.

Naglakad ako patungong canteen, nahinto ako ng makitang binubuhusan si Ametriux ng pagkain sa ulo. Kalmado lang si Ametriux at hinahayaan na gawin iyon sa kaniya.

Hindi na 'ko na ngealam kahit gusto kung puntahan siya. Lumabas muli ako ng canteen at tumingala para pakalmahin ang sarili.

"Hi muse." Napabaling ako kay Jazey.

"Kawawa naman si Ametriux. Mukhang walang balak ang mga studyante na patahimikin siya. Tss." Anito.

"Hindi ka ba na a-awa? Kaibigan mo siya diba? Puntahan mo. Kawawa naman."

Hindi ko alam kung nang aasar ba 'to or what. Sampalin ko kaya 'to ng matahimik?

"Ms. Muse. Ang mga katulad ni Ametriux, dapat-"

Hindi na 'ko naka pagtimpi at na sampal ko na siya. Masiyadong madaldal 'yan tuloy ang na pala.

"Ops, sorry. May sariling buhay palad ko, kaya na sampal kita."

Iniwan ko siya ng laglag ang panga. Hindi ata makapaniwala na sinampal ko ng 100 percent energy. Paniguradong babakat iyon sa pisngi niya lalo na at maputi siya.

Ok narin 'yon, kahit papaano ay hindi man sapat na iganti ko si Ametriux at least naramdaman ni Jazey ang masarap kung sampal.

"Jazmin!" Rinig kung tawag ni Anie.

Lumapit ito sa 'kin at hingal na hingal.

"Oh?" I asked.

Bumabawi muna siya ng hininga bago tuluyang magsalita.

"Si Kia."

"Oh ano?"

"S-sinabunutan ni Kia si Ametriux sa canteen." Na milog ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

Dali-dali akong pumasok ng canteen at naabutang nasa sahig na si Ametriux habang nakatayo naman si Kia.

"You're a bitch...Ametriux!" Gulat kung tiningnan si Kia.

Alam kung hindi ito gagawin ni Kia ng walang dahilan! Siguradong may nag utos sa kaniya na gawin ito! Sumosobra na talaga sila!

Tumayo si Ametriux na akay ngayon ni Lixen. Pati si Lixen ay narito rin.

"Kia! Tumigil kanga!" Singhal ni Lixen.

"What!? Wala naman talagang siyang kuwenta!"

"KIA!!" Sigaw ko.

Lumapit ako saka pumagitna. Marami naring mga studyante na narito at na nonood.

"Kia? Ano sa tingin mo ginagawa mo!?" Naguguluhan ko siyang tiningnan.

Nakikita ko sa mata niya na napipilitan lang siya. Tama ang hinala ko, alam ko talagang hindi ito magagawa ni Kia!

"Kia." It's Ametriux voice.

"Umalis kana dito. Hindi ka belong sa skwelahan na 'to Ametriux. Wala kang silbi! At walang kuwenta na naging SSG president ka!" Mabilis kung sinampal si Kia.

"Tama na 'yan!" Biglang sigaw ni Ametriux.

"Ame-"

"Hindi kona kayo maintindihan...sawang-sawa na 'kong umintindi." Dandahan siyang umiling na ikinalambot ko.

Nanatili paring kalmado ang mukha ni Ametriux.

"Pagod na 'ko." Huling sinabi niya bago umalis. Sinundan naman si Ametriux ni Lixen.

Sinundan kolang siya ng tingin saka ibinalik ang tingin kay Kia na ngayon ay umiiyak na.

"Ayoko na Jazmin..." Hinila ko palabas ng canteen si Kia. Sumunod naman sa 'kin si Anie.

Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon