Ametriux Alajar P.O.V
Nang matapos maglinis ng kusina ay pasalampak kaming nahiga sa sahig.
Nakakainis 'yong pitong iyon! Sayang yung mga pagkain sa basurahan at yung mga gamit naman na sira ay tinapon ko narin.
Kasama ko si Gibert mag-linis, pati rin siya ay nainis dahil sa 'kin. Dinamay kopa daw siya.
"Alam mo dai nakaka-inis ka." Mataray na sambit ni Gibert sa tabi ko.
Naupo ito sa sahig at masama akong tiningnan. "Dapat si Fiona nalang yung tinawagan mo, total mahilig naman mag linis iyang pinsan mo!" Anito.
Naisip korin iyon pero alam ko naman na busy si ate. First year college na eh.
Magsasalita pa sana ako ng marinig namin ang sunod-sunod na tunog ng doorbell sa labas. Si Gibert na mismo ang tumayo at nagbukas ng pinto.
Nanatili lang akong nakahiga sa sahig, habang nakapikit ang mga mata.
"Dai!"
Bumaligwas ako ng bangon, dahil sa punyawang boses ni Gibert.
"Dai! Halika bilis!" Nag tatalon itong lumapit sa 'kin saka ako hinila papalabas ng pinto.
Laking gulat ko ng may isang malaking track sa harapan ng bahay namin.
"Hi ma'am, Ahm. Ikaw poba si Ametriux Alajar?" Tanong sa 'kin ng lalaking may sumbrelo.
Dandahan akong tumango.
"Kung ganoon ho ay paki pirmahan napo ito. Para maipasok napo namin ang lahat ng appliances."
Kunot noo kung pinirmahan ang hawak nitong papel.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" Tanong ko matapos pirmahan.
"Dai, tanga lang? Malamang sa 'yo 'yan lahat!" Hinampas ako ni gibert sa balikat. "Nasan na utak mo?"
Inirapan kolang ito bago tinadyakan ang binti.
"Dai!" Inda niya.
Binalik ko ang tingin sa mga lalakeng binababa na ang mga gamit at pinapasok na sa bahay namin.
"Kuya? Kanino na galing 'yan?"
"Kay Mr. Callixian ho ma'am. At pinapasabi niya rin na pasensya na raw po dahil sa mga kagamitan na nasira dahil sa kaniya."
Si Callixian? Aba, mabuti naman at naisip n'yang palitan ang mga nasira nila. Hindi nako magsasalita dahil sila naman ang may kasalanan. Mabuti nalang at hindi pa naka kauwi sina mama at papa...
"Oh my god!?"
Suminghot ako ng hangin ng marinig ang boses ni mama.
Lumapit si mama sa akin. Si papa naman ay sinusuri ang mga kagamitan.
"Anak? Kailan kapa nag-ka-roon ng pera!? Anak sabihin mo sa 'kin na hindi nagtatrabaho habang nag-aaral ka? Magagalit ako anak." Pilit akong ngumiti ng humarap sa kaniya. "Ma, hindi galing sa 'kin iyan."
Nakahinga ng maluwag si mama. "Eh, kanino?"
"Sa kaibigan ko."
Nilayasan kona si mama dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan.
Nang maka-alis ang isang track ay nasa loob na kami ng bahay. Umuwi narin si gibert dahil gabi na. Kami namang tatlo ay nag-iisip kung saan ilalagay ang mga appliances. Maliit lang ang bahay namin kaya hindi namin alam kung saan ilagagay ang mga ito.
"Anak?" Nilingon ko si papa.
"Yung ref sa kusina, ilagay nalang natin sa kuwarto mo? Para itong ref na bago ay ilalagay sa kusina."
BINABASA MO ANG
Heartthrob Boy's At Your Service [COMPLETED]
RomanceThey all succeeded in life. The past bright morning, they entered a senior high school student's life again. Entering school again is their pass time. She's gold, pure of heart, inocent in some sh*ts, she is not good enough to be true, she's an une...